Nang makabalik ako sa aking quarters ay naging maingat ako sa aking bawat galaw dahil baka mamaya ay bigla na naman lumabas si Lumen ngayon sa kung saan man dahil may pagka-kabute ang isang iyon na bigla na lamang susulpot at parang tuko na lalapit sa akin. Kailangan ko na mas mailayo ang aking sarili sa kan'ya ngayon dahil hindi maaring makita kami ni Mia na magkasama nito na baka pagselosan n'ya pa ito kaya naman mas maigi ng maging maingat lalo na ngayon na may kasintahan na ako,, hindi katulad noon na sarili ko lamang ang iniisip ko at syempre sila Mom at Dad ngayon ay may isang babaeng naghihintay na sa akin. Nang makapasok ako sa loob ng aking kwarto ay agad na akong nahiga sa aking kama at ramdam ko na naman ang tila mga matang nagmamasid sa akin na alam ko naman na kung sino,,ito

