Doring’s POV Nakailang message at misscalls si Sir nang gabing iyon ngunit wala ako sa mood na makipagtext o makipag-usap sa kanya. Panay ang pagvibrate ng phone ko ngunit ‘di ko iyon pinapansin hanggang sa nakatulugan ko na ngunit nagising pa rin ako dahil sa pagvibrate pa rin ng phone ko. Kinusot ko ang mga mata. Kinuha ko ang cp at tinignan kung anong oras na. Sir E calling… Panay pa rin ang tawag niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang alas dose na ng gabi. Hindi ba siya natutulog? Tanong ko sa ‘king sarili. Bumangon ako. Tulog na lahat ng mga tao sa loob ng bahay. Ayokong sagutin sa kwarto ko ang tawag dahil baka marinig ng mga magulang ko sa kabilang kwarto ang bose ko. Kay nipis pa naman ng pagitan ng kwarto ko sa kanila. Pumunta ako sa tambayan sa bakuran ng bahay namin.

