Chapter 31 Siting’s POV “You b***h! Ke bata-bata mo pa, ang landi-landi mo! B*tch!” Naluha ako ng malakas niyang sinampal ang mukha ko. Tila na bingi ako sa lakas ng pagkakalagapak ng palad niya sa pisngi ko. “Taman na po!” Impit ko. “Lea, stop! What the hell is wrong with you!” Pilit na tinatanggal ni Darius ang kamay ni Ma’am Lea sa buhok ko. Hindi ako nanlaban, takot akong masaktan ko siya, ang ginawa ko lamang ay tanggalin ang kamay niyang mahigpit na nakasabunot sa buhok ko. Napayuko ako ng sinubukan muli nitong sampalin ako ngunit maagap na si Darius na iharang ang katawan niya sa akin. “Aw! Nasasaktan ako Darius, ano ba!” Impit ni Ma’am Lea. “Masasaktan ka talaga kapag ‘di mo pa bibitawan si Siting!” “Taman na po, Ma’am Lea. Masakit po,” pakiusap ko ng wala pa rin siyang b

