Siting’s POV “You pack your things. We’ll go to Siargao,” nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nilakihan niya ang awang ng pinto ng kwarto ko. Kasalukuyang inaayos ko ang kobre kama ng higaan ko. Napakunot ang noo kong marinig ang lugar na binanggit niya. Hindi pamilyar sa akin ang lugar. “Siargao? Malayo ba yun dito?” Tanong ko. Humakbang siya papasok ng kwarto. Sinarado niya muna ang pinto bago siya humakbang palapit sa kama. “Medyo, sasakay lang naman tayo ng airplane-” “Airplane?” Namilog ang mga mata ko, na-excite ako bigla ng marinig ko ang salitang airplane na parang batang paslit. Sino ba ang hindi? Kahit lang nga naririnig namin ng mga kaibigan ko ang ugong nito at matanaw ito mula sa himpapawid ay kakaibang sigla at saya na nga ang nararamdaman namin paano pa kaya kung makasaka

