Chapter 48 Doring’s POV Katatapos ko lang maghugas ng pinggan. Binilisan ko talaga ang paghugas dahil nananabik na akong masilip ang mga mensahe sa panay na pagva-vibrate ng cellphone kong bigay sa akin ni Sir Nalusuan. “Nay, tay, tapos na po akong maghugas. ‘Di na muna ako sa papag sa labas magpapahangin,” paalam ko sa mga magulang. “Sige, basta ‘di ka na pwedeng lumayo, anak at gabi na. Alam mo naman maraming gumagalang masasamang tao sa dis oras ng gabi,” paalala ni Nanay. “Opo, Nay!” Pagkasabi ko’y agad akong lumabas. Tinungo ko ang ginawang papag ni Tatay sa ilalim ng punong nangka, tatlong metro ang layo mula sa bahay namin. Nang marating ay agad akon4g umupo. Tinanggal ko ang suot kong tsinelas at inangat ang mga paa sa papag, nagsquat ako. Sasandal sana ako buti naalala ko na

