Siting’s POV Umalis ako mula sa pagkakasubsob sa dibdib niya. Hinayaan ko siya ng muling pinunasan niya ang luhang dumaloy sa magkabilang pisngi ko. Napatitig ako sa mga mata niya. Samo’t saring emosyon ang nakapaloob sa mapupungay niyang mga mata. Magkahalong, awa, lungkot, sakit, pag-alala at guilt ang nakareshitro sa mga iyon. “I’m so-” hindi na niya natapos ang sasabihin ng sabay na maagaw ang atensyon naming dalawa sa biglaang pagtunog ng monitor sa gilid ni mama. Naging alerto ako bigla kasabay ng pagsipa ng puso ko. Nakakatakot yung tunog. Kay bilis na nakatayo ni Darius at nilapitan si Nanay. May pinindot siya na button. Lumapit ako kay Nanay ngunit mabilis na pinigilan ako ni Darius. Napatingin ako sa monitor ng makita ang pagbilis ng pagtakbo ng wavy lines habang nagbi-blink a

