Natigagal ako sa narinig. Marahas ang paghinga niya nang tignan ko siya. Bahagyang nakaawang ang labi ko at ang kaninang pagluha ay nagbabadya na naman. Totoo ba ‘to? Ang sarili kong nanay na inaasahab kong magiging sandalan ko, at magiging lakas ay siya ring sumisira sa akin. Galit na galit ang mata niyang nakatingin sa akin. Hindi maidadahilan na kaya lang niya nasabi iyon dahil galit siya. Alam kong iyon talaga ang naiisip niya sa tuwing nakikita ako. “M-Ma!” puno nang hinanakit na tawag ko sa kaniya. Parang doon niya lang na-realize ang nasabi. Kumalma nang paunti-unti ang mukha niya at umiwas ng tingin. Hindi rin naman nagtagal ang tingin ko sa kaniya dahil hinarap ako ni David. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi para kunin ang atensiyon ko. “Let’s go home, hmm?” malamyos

