Awkwardness.
Iyan ang nararamdaman ko ngayon habang magkatabi kaming naglalakad sa gilid ng daan. Gusto ko siyang lingunin kaya lang ay baka mahuli niya ako na nakatingin sa akin, iba pa ang maisip niya.
Hindi pa rin ako mapakali sa sinabi niya kanina. Ano? Para makasama ako ng matagal? Ano ang ibig niyang sabihin doon? Hindi pa nga ako maka-move on sa nangyari kanina sa kusina, may bago na naman ako iisipin.
Hindi matatapos ang mga isipin na ito kung hindi ko siya tatanuningin.
“May gusto akong itanong,”
“May sasabihin ako,”
Nagkatinginan kami nang magsabay kaming dalawa. Bahagya siyang tumawa dahil doon.
“Ikaw na muna,” sabi ko.
“No, fire your question.”
Ano ba ‘yan?! Anong itatanong ko? Kung gusto niya ba ako? Ang feeling ko naman kung itatanong ko iyon.
“A-Ano… may… malayo pa ba?”
Ang hirap! Hindi ko kaya. Saka ano naman kung malaman ko ang sugat niya? Kung hindi niya naman pala ako gusto, okay lang. Kung gusto niya ako… ano… ano… edi gustuhin niya lang ako.
“Iyon ‘yong tanong mo?” hindi makapaniwala niyang tanong. Tumikhim siya. “Malapit na tayo.”
“Ah, okay… ano pala ‘yong sasabihin mo?”
Natigilan siya sandali. “Na… malapit na tayo.”
“Iyon na ‘yon?” tanong ko, hindi ko napansin na umaasa pala kami sa sasabihin at itatanong isa’t isa.
Paano kami makakausad niyan kung ganito. Bahala na nga. Wala rin naman mangyayari o magbabago kapag nalaman ko ang totoo. We’ll stay the same, that’s the truth.
Pagdating namin sa barangay ay totoong may fiesta nga. Pansin ko rin na parang kilala rin si David sa lugar na ito. May mga nakakapansin sa kaniya na barangay tanod, pero halos na tumitingin sa kaniya ay ‘yong mga nakatira lang dito. Kung umasta kasi sila ay parang isang sikat na artista si David.
“Sikat ka rito,” sabi ko sa kaniya.
Nilingon niya ako. Pasimple niyang hinawakan ang siko ko dahil kailangan namin na tumawid sa isang malaking kanal para makapunta pa sa court.
“Dito kami dati nakatira. Well, you can say I am famous here—laman ako ng basketball court kapag may liga tulad ng ganito.”
Basketball player pala siya. Sabagay, sa tangkad niyang ‘yan, sayang naman kung hindi niya mapapakinabangan.
Nang makapasok kami sa court ay marami nang tao. Sa tingin ko nga ay puno na ang pwesto kaya hindi ko alam kung saan kami lulugar ni David. Hindi ko namalayan na ang kamay niya na nakahawak lang sa siko ko kanina ay hawak na ang palapulsuan ko.
“David, ‘yong—”
“Captain!”
Pareho kaming napalingon sa tatlong lalaki na papalapit sa amin, nakasuot sila parepareho ng jersey kaya alam ko na isa sila sa mga maglalaro. Tulad ni David, may maipagmamalaki rin sila sa itsura at height. May lahi pa nga ang isa sa kanila.
“Akala namin hindi ka na makakapunta rito… girlfriend?” tanong noong lalaki na kulot ang buhok. Mukha siyang maraming babae.
“Ah, katulong nila,” ako na ang sumagot dahil parang nag-uusap sila sa mga mata nila na sila lang din naman ang nakakaintindi.
“Katulong sa paggawa ng bata?” sabi noong lalaki na mahaba ang buhok, hanggang balikat yata. Siya rin ang mukhang may lahi sa kanila.
“Rafael,” seryosong sabi ni David.
Humalakhak si Rafael. Itinaas nito ang dalawang kamay. “Okay, okay, alam ko na.”
Ang alin?
Iyong isang lalaki na kasama nila ay tahimik lang na nakikinig. Nakita niya siguro na nakatingin ako sa kaniya kaya tumingin siya sa akin. He only nodded at me. Mas gusto ko pa yata na ganito katahimik.
“O siya, nasa harapan ng bench ang upuan niyo. Kapag nanalo kami ay pares, ah!”
Bahagyang tumawa si David. “Bago ka mag-request, ipanalo niyo muna.”
Naglakad kami papunta sa harapan ng bench at hanggang sa makaupo ay nakahawak pa rin siya sa akin. Napansin ko na kumpara sa iba ay mas komportable ang upuan namin dahil walang masyadong nakadikit sa aming dalawa. May tubig din sa tabi. Ano ‘to, special treatment?
Binitawan niya lang ang kamay ko para kumuha ng bottled water. Binuksan niya iyon at walang sabi na iniabot sa akin kahit na ang atensyon ay nasa court na kung nasaan ang mga kaibigan. Kinuha ko na lang para wala na siyang ibang masabi.
“Captain ka pala?”
Doon niya lang ako binalingan ng tingin pero sandali. “Yeah, noong high school at college.”
Tumango-tango ako. “Hindi mo man lang ako pinakilala sa kanila.”
Doon ko na tuluyan na nakuha ang atensyion niya. Nagsisimula na ang game pero nasa akin na ang tingin niya. Ano ba at bigla na lang siyang nagiging ganito? Naiilang tuloy ako dahil baka pati porse ko ay makita niya.
“Hindi naman na kailangan,” he simply said.
Napayuko ako sa hawak na bote ng tubig. Sabagay, sino ba naman ako para ipakilala. Nasabi ko na rin naman sa kanila na katulong lang ako. Ano pa ba ang gusto kong mangyari.
“Hindi na kailangan kasi kilala ka naman na nila. I always talk to them about you.”
Kumalabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Dahan-dahan ko siyang nilingon—ang mata niya na nasa harapan ay nalipat sa akin. Naiinis ako! Naiinis ako dahil parang wala lang sa kaniya tapos ako ito, parang nababaliw sa kaiisip.
Gusto kong itanong kung bakit naman niya ako sinasabi sa mga kaibigan pero naisip ko na baka sinisiraan ako kaya hindi ko na itinanong at nag-focus na lang din ako sa game.
Nanalo ang mga kaibigan ni David. Kitang-kita ko ang saya sa kanila. Una pa nila na nilapitan si David at tawang-tawa ako na imbis na ang MVP nila ang buhatin ay si David ang binuhat nila. Wala naman na itong nagawa kung hindi tumawa habang hinahagis-hagis sa era.
Nangalay na ang labi ko sa kangingiti habang pinanonood sila. Hanggang sa ibaba nila si David ay nakangiti pa rin silang lahat. Naglakad agad siya palapit sa akin. Hindi ko alam pero parang binalot ng kung anong mainit ang puso ko dahil sa ngiti niya habang naglalakad palapit sa akin.
Maingay ang paligid kanina pero bakit wala akong ibang marinig bukod sa t***k ng puso ko? Ang daming tao pero walang kahit sino ang makaagaw ng atensiyon ko.
“Gutom ka na?” nakangiting tanong niya sa akin.
Pwede ba na sabihin kong huwag na lang siyang ngumiti?
Hindi ko mahanap ang boses ko kaya tumango na lang ako. Kahit sa pagtayo ay inalalayan niya ako. Lumabas kami ng court nang walang nagsasalita pero hindi naman kami umalis agad dahil hinihintay namin ang mga kaibigan niya.
“Gago, ang sakit ng siko ni Reyes!”
“May kasamang sama ng loob ‘yon,” si Rafael.
“Ang pangit na nga, ang pangit pa maglaro.”
Tiningala ko si David, nakikinig din siya sa usapan ng kaibigan dahil nakaangat ang magkabilang dulo ng labi niya.
Huminto kami sa isang paresan, sa gilid lang ng daan pero may mga nakalabas na lamesa at upuan. Agad naman na naupo ang tatlo sa bakanteng lamesa. Nauna akong pinaupo ni David sa upuan bago siya. Kaya lang ay halos gusto kong lumubog sa lupa dahil hindi siya nakaharap sa lamesa, kung hindi sa akin! Nakahawak pa ang isa nitong kamay sa likod ng upuan ko.
“Kumakain ka ba nito?” tanong niya sa akin.
Tumahimik ang paligid. Natigilan sa pag-uusap ang tatlo nitong kaibigan at ang tingin ay nasa amin na.
“O-Oo naman, anong akala mo sa akin?”
“Tamang-tama, hindi ka magsisisi rito, Amber. Ito na ang pinakamasarap na paresan sa buong mundo.” Si Luke—nabanggit kasi ni David kaya nalaman ko ang pangalan. Ang isa naman ay si Lawrence.
“OA mo p’re,” natatawang sabi sa kaniya ni Lawrence.
Kumain kami na puro tawanan. Hindi rin naman ako makapag-concentrate dahil kahit na nakikipagkwentuhan si David sa mga kaibigan ay inaasikaso pa rin niya ako. Tulad ngayon, katatapos ko lang kumain ay nilagyan niya na agad ng tubig ang baso ko at inabutan ako ng tissue. May mga nakalolokong ngiti tuloy sa labi ang mga kaibigan niya.
Hindi naman nila ako hinahayaan na ma-feel left out dahil from time to time ay tinatanong din nila ako ng mga bagay-bagay, hindi nga lang personal dahil ‘yong tanong nila ay konektado pa rin kay David.
Ireto ko kaya si Gaile sa isa sa kanila?
“Did you enjoy? Sorry magulo ang mga kaibigan ko.”
Naglalakad na kami pauwi. May mga kotseng dala ang mga kaibigan niya pero mas pinili namin na maglakad na lang. Wala lang para… ano… mas masaya.
“Ang saya nga kanina, may mga kaibigan ka na ganoon.”
“How about you? Wala ka bang kaibigan?”
Bumuntong-hininga ako. “Mayroon naman pero busy na rin kasi sila buhay kaya wala na rin kaming time na magkita-kita. Miss ko na nga sila.”
Si Gaile ay nakakapag-text pa rin minsan pero alam ko naman na busy siya kaya hindi ko na siya masyadong ginugulo. Si Ate Lenie naman ay nagre-reply lang sa akin kapag lumipas na ang isang linggo.
“Bakit hindi mo kitain? Gusto mo puntahan natin?”
Pagak akong tumawa. “Hindi naman ‘yon. Kung gusto ko, mapupuntahan ko sila pero kasi magkakaiba kami ng buhay. Hindi porket gusto ko, masusunod na. Alam ko naman na busy sila at ayaw ko na dumagdag pa.”
Sandali siyang natahimik. Biglang humihip ang hangin kaya nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan. Bakit nakalimutan ko na magdala ng jacket?
“If they are truly your friend, they wouldn’t think of you as nuisance. Pwede niyo naman na mag-usapan kung kailan niyo gustong magkita.”
“Sana ganoon lang kadali, nasasabi mo ‘yan kasi mayaman ka. Hindi mo na kailangan na gumastos ng malaki para makipagkita sa kaibigan. Walang mawawala sa ‘yo kapag hindi ka nakapagtrabaho ng isang araw.”
Huminto siya sa paglalakad kaya nahinto rin ako. Nakakunot na ang noo niya sa akin. Nagtaas naman ako ng kilay kasi ayan na naman siya, aawayin na naman niya ako.
“It’s not that we’re rich. Kung gusto mo talaga sila makita, kailangan mo mag-compromise ng bagay. Alam mo na ba na walang libre sa mundong ‘to?”
“Kung ang pakikipagkita sa kanila ay mawawalan ako ng trabaho, huwag na muna sa ngayon ‘no.”
Nagkibit-balikat siya. “No choice is still a choice. I can also be part of your choice. Huwag kang mahiya na magsabi sa akin. Let’s go, lumalamig na.”
Masasabi ko na nag-improve ang pakikitungo sa akin ni David. Nag-iba kahit ang tingin niya. Hindi na rin kami nagbabangayan na parang bata. Parang may nagbago pero parang normal lang din ang lahat. Noong una ay nao-awkward ako sa kinikilos niya pero habang tumatagal ay nagiging komportable ako.
“Nakapag-decide ka na ba?” muling tanong sa akin ni Don Miguel habang nasa hapagkainan kami.
“Opo,” mahina kong sagot.
Matagal ko itong pinag-isipan pero dahil sa sinabi ni David ay parang naliwanagan ako. Tama siya, no choice is still a choice. Kahit anong piliin ko sa dalawa ay mayroong maganda at pangit na maidudulot sa akin. Doon na ako sa alam ko na makakatulong sa akin na mag-grow.
“Really? What is it?”
“Tinatanggap ko na po ang offer niyo,” nahihiyang sagot ko. Tumingin ako sa lalaking nasa tabi niya at ang una kong nakita ay ang ngiti nito na parang proud siya sa naging desisyon ko.
“That’s good to hear. I’ll update the university about this. Nursing pa rin ba?”
Umiling ako. “Gusto ko po sana ay ‘yong hindi na magastos ay ‘yong pwede ko na magamit pagtapos ko. Baka related sa business na ang kuhanin ko.”
“If that’s what you want. Kailangan mo muna kuhanin ang mga requirements mo sa dating school. I can give you days to prepare for it. Wala rin naman masyadong ginagawa rito, right Mirasol?”
“Opo, sir.”
Matapos namin kumain ay ako na ang naghugas. Umakyat ako sa taas at kumatok sa office ni Don Miguel. Naabutan ko siya na may binabasa.
“Hija, ano ‘yon?”
Kinagat ko ang ilalim na labi bago magsalita. “Gusto ko lang po na magpasalamat dahil dito. Malaking bagay na po ito sa akin kaya hinding-hindi ko sasayangin ang opportunity na ibinigay niyo. Kung may kailanganin man po kayo sa akin ay buong puso ko po na gagawin.”
He smiled at me warmly. “I’ll take note of that, thank you.”
Akmang aalis na ako nang magsalita siya. “Just be happy… and take good care of my son. Make this life a better place for him. That’s what I want, hija—the only thing I want from you.”