Kabanata 67 Ilang araw na rin pala ang nakalipas. Dahil sa kaeensayo namin, wala na kaming ibang iniisip kung ‘di ang mapalawig pa namin ang kaalaman namin sa kung paano namin mapapalakas pa an gaming mga kakayahan. Ako naman, sumubok na rin ako ng mga bagong paraan para mas mapalago ko pa ang aking kapangyarihan. At hindi naman ako binigo ng aking sariling layunin na mas magamay ko ang aking mga makabagong kaalaman. Patuloy lang kami sa pagliligpit ng aming mga kalat, sa ilang araw kasi namin dito, marami na kaming mga basurang nalikom, saka gamit na ginagamit namin sa pang-araw-araw. “Iwan na lang kaya natin ang gamit natin dito? “Ano naman ang gagamitin natin kung iiwan natin ito rito?” Kanya-kanyang debate na sila habang

