Kabanata 88 Kumakain kami, pero wala sa pagkain ang utak ko. Lumilipad na lang kung saan-saan ang isipan ko na para bang may hinahanap na kung ano-ano na hindi ko rin naman alam kung ano. Ewan! Nababaliw na siguro ako. “Ang sarap ng tulog ko talaga kanina,” iilan sa mga paksa na kanilang pinag-uusapan, pero wala pa rin akong imik. Sa lalim siguro ng iniisip ko, baka nakaabot na ako sa pinakakupa talaga ng dagat. Kasi naman kahit na naririnig ko naman silang nag-uusap, wala pa rin talaga akong gana na makisali. Parang blangko lang akong nakahawak ng kutsara habang kumakain. “Deeve, ayos ka lang ba?” tapik sa akin ni Aztar. “Oo naman.” Inayos ko ang aking sarili. Isang tapik lang pala ang makapagpabalik sa aking sarili. “Ang la

