Kabanata 35

1216 Words
Kabanata 35             Nag-eensayo kami ngayon para magamay namin ang paggamit ng aming mga abilidad at kakayahan. Pati na rin ang mga kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni Vee.             “Hindi pa talaga ako makapaniwalang may ganito akong kakayahan, paano ba naman kasi. Wala naman tayong ganitong mahika sa mundo natin, at kung mayroon lang siguro akong ganito roon, hindi na talaga ako magpapaapi, at gagamitin ko ang kakayahan kong ito sa pagsagip ng mga tao.” Usal pa sa amin ni Ave, na ngayon ay sinasanay ang sarili sa pagpapalabas ng kanyang kapangyarihan gamit ang kanyang libro at ballpen, na nagiging pananggalang at espada.             “Yeah, same thought, Ave.” muling poagsasalita ng Ingles ni Kith.                 “Watashi wa kiken ni sarasa rete iru hitobito o sukuu nōryoku o motta animehīrō no hitoridato hontōni kanjite imasu.” Dumugo ang ilong pati tainga ko sa pagsasalita niya ulit ng Japanese.             “Hamina, pwede bang mag-english ka na lang? O, tagalog na lang pala, para mas efficient.” Pagbabara ni Aztar kay Hamina, seryoso ang mukha ngayon ng kaibigan nang salitan niyang pinalalabas ang mga iba’t-ibang armas sa kanyang kamay. Kaya namutla bahagya si Hamina. At biglang lumabas ang pulang lazer sa kanyang mata na mabuti na lang ay nailagan naming lahat at sa lupa tumama.             “I’m sorry, guys, hindi ko nakontrol ang power ko. Kasi naman kinabahan ako kay Aztar. Ang gusto kong sabihin kanina, Ramdam ko talagang isa ako sa anime hero na may kakayahang magligtas ng mga nasa panganib. Ganoon ang ibig kong sabihin.” Tango naman kami nang tango.             “Ganyan, hindi ‘iyong hindi ka na namin maintindihan.” Nagbalik naman ang kalmadong mukha ni Aztar, kahit kailan talaga, seryoso talaga siya.             “Mabuti pa kayo, alam niyo na kung ano ang sasanayin niyong kapangyarihan, kasi naman hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magsanay.” Simangot kong usal.             “Ang astig nga ng kapangyarihan mo, Deeve, eh. Kokopyahin mo lang ang mga power ng isa sa amin, o naming lahat, ‘di kaya ay sa mga kalaban mo. Ayaw mo no’n?” napabaling ako kay Aztar. May punto siya sa kanyang mga sinasabi.             “Okay lang sa inyong kopyahin ko ang mga kapangyarihan niyo? Wala naman yata akong originality kung ganoon.” ‘di pa rin mawala sa akin ang ganoong isipin.             “Naku! Deeve. Hindi naman importante sa amin kung kopyahin moa ng mga kapangyarihan namin, ang atin ay magawa nating iligtas ang mga taong nangangailangan ng ating tulong, saka isa pa, ang ganda kaya ng kapangyarihan mo, pwede kang lumaban gamit ang mga nakokopya mong mga kapangyarihang mayroon kami, o nila. Kaya kalmahin mo ang sarili mo, sabi pa nga ni Vee ‘di ba, espesyal ang kapangyarihan mo, kaya huwag kang mag-isip ng kung ano-ano.” Pagpapalakas ng loob sa akin ni Aztar. Kapag galing talaga kay Aztar, hindi tumatatak sa akin ang kanyang mga salita. Ganyan lang si Aztar, pero mukhang nakukuha niya ang katangian ng kanyang ama, na isang respetadong sundalo. Sayang nga lang at hindi ko kilala ang ama niya, kasi nga hindi naman talaga ako siyudad ng Illustrado. Laking probinsya lang ako.             “Salamat, Aztar.” Nagsilapitan pa ang iba, at nagyakapan kaming lima.             “Lima naman tayo, kayang-kaya nating labanan ang mga kalaban natin. Tiwala lang! Kaya tara na at magpatuloy na muna tayo sa ating pagsasanay. Huwag na muna puro drama sa buhay.” Pasaring pa ni Kith na ngayon ay iniwan kami at nagpasyang sa isang sulok magsanay.             “Mainam nga na kanya-kanya muna tayo ng ensayo.” Paalam naman ng iba, kaya ako ay naghanap na rin ng pwesto, wala na akong ibang mahanap na parte, nang na kay Eon ako napadpad. Aksidente akong napasandal sa puno ni Eon, nang tumawa bigla ang puno.             “Ano ka ba, Eon, nakagugulat ka naman.” Saway ko sa kaibigan.             “Ikaw nga itong nangingiliti, eh.” aniya.             “Ganoon ba, may kiliti ka pala kahit na isa kang puno?” taas-kilay kong tanong.             “Oo naman, ‘no. Saka ano pala ang ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?” kaagad akong umiling. Totoo naman talaga kasing wala akong kailangan sa kanya. Nandito lang naman ako para mag-ensayo. Pero mukhang hindi ko na tuloy magawa ang magsanay. Kasi naman nahihiya ako kay Eon. Bakit ba kasi hindi ko naisip na magigising ang kaibigan?             “Oh? Ano na? Magsimula ka na riyan. Tignan mo sila, oh. Nakukuha na nilang ipalabas ang kanilang mga kapangyarihan. Kaya ikaw riyan, kumilos ka na, huwag kang mahiya sa akin, malay mo may maitulong pa ako sa iyo, kaya ka napunta rito.” Oo nga ano, bakit ba hindi ko iyon naisip kanina.             “Paano mo naman ako matutulungan, Eon? Kailangan ko ng isang nilalang na may kapangyarihan na pwede kong kopyahin, ‘di ba? Kasi nga ang kapangyarihan ko ay ganoon?” iiling-iling niyang sambit.             “Mali ka ng pagkakaintindi, Deeve. Kahit naman hindi mo hawakan o, lapitan ang isang nilalang na may kakayahan, kaya mo namang maglabas ng mga kapanyarihang nasa isip mo. Kung naiisip mong kopyahin ang kapangyarihan ni Hamin, oh, isipin mo lang na gagawin mo rin ang kapanguarihan niya. Subukan mo para malaman mong totoo ang sinasabi ko.” Wala naman sigurong masama kung sundin ko si Eon. Kasi kilala ko ang kaibigan kong ito. Hindi naman siya gagawa ng kwento na walang katotohanan.             “Pero bago mo subukan iyon, huwag ka sa akin tumingin, baka biglang lumabas ang lazer sa mga mata mo, matamaan pa ako.” Iwas pa niya sa akin.             Napakamot na lang ako ng batok dahil sa pagkahiya. Panay ang buga ko ng hangin, nang sa wakas ay sinimulan ko na ngang ipikit ang aking mga mata. Kinalma ang sarili sabay dilat ng dalawang mata nang biglang lumabas ang malakas na liwanag na galing sa aking mata. Kuhang-kuha ko nga ang kapangyarihan ni Hamina, kahit na iniisip ko lang ang galing!             Napalingon ang lahat sa gawi ko, nakita ko ang nakalaglag na panga ni Hamina nang makita niyang ginawa kong ilabas sa mata ko ang kanyang kapangyarihan.             “Subukan mo rin ang kay Kith.” Suhestiyon pa ni Eon.             Inisip ko ulit ang kakayahan ni Kith na hindi nakikita. Pumikit ako at itinatak sa isipan ko na maging invisible ako. Nang pansin kong panay ang lingon-lingon nilang lahat sa paligid.             “Si Deeve, nawala!” sigaw ni Hamina.             “Kalma ka lang, Hamina, kinopya lang din ni Deeve ang kapangyarihan ko.” Hindi alam ng dalawa na nasa gitna na nila ako, nang bigla akong nagpakita sa kanila. Gulantang silang napaatras nang makita nila ako.             “Ano ka ba, Deeve. Grabe ka! Muntikan na akong atakehin sa iyo sa puso.” Hawak=hawak niya ang kanyang dibdib, ganoon din si Kith.             “Sorry, girls.” Mabilis naman akong tumakbo pabalik kay Eon. Nang ganoon din ang ginawa ko sa iba, nakopya ko rin ang kapangyarihan nila. Ang galing! Ganoon pala iyon. Pero may isa talaga akong naalala na kakayahan ko sana na hindi ko alam kung paano ko mailalabas.             “Eon, may tiyansa pa kayang mailabas ko ang kapanyarihan ko na yelo?” lakas-loob kong tanong sa kaibigan.             Nang wala akong nakuhang sagot. Dahil siya ay mahimbing na ngang natutulog. Kahit kailan ka talaga Eon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD