Kabanata 98 May punto si Aztar sa patutsada niya ngayon kay Ave. Baka sa rason ng pag-iyak nito ay may koneksiyon sa napanaginipan ko kagabi. Gusto ko kasing malaman kung ano iyong tumatakbo kanina sa isapan niya kung bakit siya naiyak ng sobra. Nakayuko ngayon ang kaibigan namin, na para bang sumusuko na siya sa amin. Hindi muna namin siya kinulit, hinintay namin na siya mismo ang unang magsalita. Nakahinto kasi kami ngayon pansamantala sa isang tabi. Nagtinginan pa sina Hamina at Kith, sabay baling ulit kay Ave. Saka itong si Aztar naman ay seryoso pa ring naghihintay sa sasabihin ni Ave. Malaki rin talaga ang pagkagusto ni Aztar na malaman ang dahilan ng pagluha ni Ave. Napakadalang lang kasi ng pagkakataon na ganoon si Ave, saka palagi siyang naka

