Kabanata 59 “Kumain ka na, ipinagtabi ka namin ng pagkain mo saka tubig.” Nagsilabasan na rin ang iba. Nag-form na naman kami ng pabilog na upo. Sinimulan ko na rin ang pagkain dahil sa ngayon ko lang naramdaman ang labis na gutom. “Natagalan nga ang pag-uusap namin kay Eon, wala raw siyang magawa roon.” Dagdag salita pa ni Kith. Sumabad naman si Hamina. “Mas nauna pa akong nagising sa iyo. Deeve.” May ngiti naman ng panunukso sa kanyang labi. “Napasarap kasi yata ang tulog ko kaya ganoon, siyanga pala, sino ba ang nagtutok ng liwana sa mata ko. Parang baliw naman ito, gigising naman siguro ako kung yuyugyogin lang ‘di ba?” nagtinginan naman silang apat. “Oh? Bakit kayo nagtitinginan?” sabay subo ko ng pagkain.

