Kabanata 76 Nauna na sila Hamina at Kith, habang nasa gitna naman si Ave. Ako at si Aztar naman ang nasa hulihan. Sinadya namin na ganoon ang posisyon namin, para kung sakali mang may sumugod sa amin, kaagad na mababantayan ng dalawang babae ang atake. Mas hindi kasi magugulatin ang dalawa, kumpara kay Ave. Kaya nasa gitna si Ave. Hindi naman kasi maaaring ihuli namin siya. Kaya napagpasyahan naming dalawa ni Aztar na kami na lang ang nasa hulihan. “Ang tahimik naman ng lugar na ito.” “Oo nga, eh. Nakapagtataka. Wala man lang akong naririnig na mga huni ng ibon, o kung ano pa mang ibang klase ng mga insekto. Kakaiba ang pakiramdam ko sa kagubatang ito. Ibang-iba talaga sa rating napuntahan natin.” “Tama ka riyan, Kith. Saka pansin mo rin

