Kabanata 65 “Si Lucinda, naalala moa ng pangalan niya?” “Sino ba naman ang hindi makakilala sa kanya, Vee?” “Akala ko nalimutan niyo na ang pangalan niya.” “Hinding-hindi. Saka anong mayroon na naman po kay Lucinda? Nanggugulo na naman po ba siya?” “Malala pa riyan.” Seryosong-seryoso ang bawat bitiw ng mga salita ni Vee sa kabilang linya. Mukang mas nagiging malala na si Lucinda. “Alam niyo naman na palagi akong naroon sa mundo ng mga tao?” “Oo,” Parang ayaw kong magtagal ang sasabihin ni Vee kaya kaagad akong tumutugon sa bawat mga tanong niya. Gusto ko kasing mabilis kong malaman ang mga nangyayari sa labas ng mundong ito kung nasaan kami ngayon, at gusto kong malaman kung kumusta na ang mundo namin. “Marami nang nawawalang mga estudyante sa El Federico.” “Huh? Saan na naman n

