Kabanata 32

1104 Words
Kabanata 32 “Ang seryoso naman yata ng pinag-uusapan ninyo?” nakalapit na pala sa banda namin si Kith nang hindi namin napansin ni Ave. Kaagad namin siyang binigyan ng espasyo nang sumingit siya sa gitna namin. “Ano pala ang pinag-uusapan niyo rito?” dagdag katanungan pa niya, pero wala naman sa amin ang kanyang atensiyon. Mas nakatingin pa siya ng diretso sa kaparehong direksiyon na tinignan namin kanina ni Ave. “Wala, tungkol lang doon sa nangyaring huling pagsasanay, nagtanong kasi itong si Deeve kung ano ang ginawa natin.” May ngiti sa kanyang labi habang sinasabi iyon ni Ave. “Kasi naman, kahit anong gising natin hindi man lang magising-gising. Ano ba kasi ang nangyari sa iyo sa umagang iyon at bigla ka na lang bumagsak at nakatulog?” aniyang sabay lingon sa akin, tinapunan ko pa ng sulyap si Ave, para kumuha ng ideya sa mga katanungan ni Kith. Gayong wala naman talaga akong maalala sa mga nangyari bago ako nawalan ng malay. “Ewan,” tanging sagot ko na lang. “Hindi ko talaga alam ang nangyari, nagising na lang ako sa panaginip ko na nandoon na ako sa huling pagsasanay. Wala nga akong kaalam-alam na tulog pala ako no’n, eh. Saka nakatatakot, ako lang mag-isa. Tapos ang hirap hanapin ng mga puting tela na may nakasulat na pangalan natin. Kasi naman, may mga ahas pa nga akong nakalaban, King Cobra pa nga yata iyon, eh. Kaya pawisan ako nang nagising ako, buti na lang talaga at naubos na ang oras ko, bago pa ako sugurin ng ahas na iyon. Pero siyempre, hawak-hawak ko na sa kamay ko no’n ang tela. Saka ang totoo niyan, sa panaginip ko baliktad.” Ngisi kong usal. “Paanong baliktad?” kunot-noong sambit ni Kith. “Kasi sa panaginip ko, kayo namang apat ang mahimbing ang tulog, kaya kahit anong gawin kong pangyugyog sa inyo ay ayaw niyo namang magsigising. Saka si Aztar naman, masama ang pakiramdam. Kaya ayon, ako na lang mag-isa ang sumulong sa pagsasanay. Takot na takot talaga ako sa totoo lang.” pag-amin ko, sabay pakawala ng maikling tawa. Nagtaka naman ako kung bakit tahimik ang dalawa. “Oh? Bakit ang tahimik niyo naman yata?” inosente kong usal. “Huh? Ahh, wala. Namangha lang ako---I mean kami sa kwento mo, ‘di ba, Ave?” inakbayan pa nito ang isa pa naming kaibigan na napatango na rin. “Biruin mo kasi, ang galing ni Eon. Nagawa niyang pumasok sa panaginip mo. Kaya pala nakapikit siya sa gilid at ayaw magpaistorbo, ayon pala ang rason.” Anas ni Kith. Nang marinig koi yon. “Anong ibig mong sabihin doon, Kith?” “Nang matapos kasi kami sa huling pagsasanay, kaagad ka naming pinuntahan sa kubo, para sana gisingin, at ibigay sa iyo ang dala naming puti na tela na may pangalan mo sa iyo. Pero kaagad kaming pinigilan ni Eon na huwag ka rawng gisingin. Kaya ayon, pumunta siya sa isang tabi, saka ipinikit ang mga mata. Hawak-hawak pa nga niya ang hourglass na ibinaligtad din niya sa oras nang nagsimula siguro ang pagsasanay mo. Wala rin siyang sinabi sa amin na papasok siya mismo sa panaginip mo. Ang sabi niya lang ay magsasanay kang tulog. Kaya ayon, naubos ang buhangin sa hourglass. Iyon din ang katapusan ng mahimbing mong pagtulog.” Mahabang pagpapaliwanag ni Kith. “Tama ang sinabi ni Kith, Deeve. Saka sabay pa kayong nagising talaga ni Eon, ipinahawak kasi niya muna sa iyong kamay ang puting tela para akalain mong nagsanay ka talagang hindi tulog. Ang galing ‘no?” manghang-manghang usal ni Ave. Sabay tingin niya ulit sa lagusan. “Pero ang tanong. Kaya ba nating pumasok diyan sa kagubatan, nang tayo-tayo lang?” anas ni Ave. Napatinin kaming dalawa ni Kith sa kanya, lumipat ng puwesto si Kith sa kabilang parte ni Ave, saka lumapit din akong bahagya kay Ave. Nang sabay pa naming inakbayan si Ave sa kanyang balikat. “Bakit naman hindi?” sabay naming turan ni Kith. Natawa na lang kami sa pagsabayang bigkas namin. Wala talaga sa usapan na iyon an gaming sasabihin. Instict na rin siguro, para mapalakas ang loob ni Ave. … “Oh? Saan kayo galing tatlo? Kaya pala pansin naming wala kayo rito kanina, kami lang dalawa rito ni Hamina.” Bungad na tanong sa amin ni Aztar, na ngayon ay abala sa pagsisibak ng mga kahoy, para may panggatong kami sa malamig na gabi. “Yeah, where you from pala?” naririnig ko na naman ang pagka-conyo nitong si Hamina. Naiiling na lang ako. Pero hindi naman nakaiiritang pakinggan, nakatatawa nga, eh. May ganyan din kasing magsalita sa klase namin, kaso hindi ko siya kilala. Hindi ako palatingin sa mga kaklase ko, kasi wala naman silang balak makipagkilala sa akin, kaya huwag na lang. “Naglalakad-lakad lang, pahangin, saka nag-uusap patungkol sa nangyaring huling pagsasanay.” Si Kith na ang sumagot para sa aming tatlo. “Ganoon ba, so…ano na nga ba ang balak nating gawin ngayong malapit na talagang magsimula ang ating totoong misyon?” ani Aztar. “Wala pa rin akong maisip sa ngayon, kaya baka kailangan talaga nating pag-isipan. Kasi wala pa tayong naipalalabas na mga kakayahan natin, kaya imposibleng makayanan natin ang mga kalaban kung wala tayong ganoong kapangyarihan. Paano na lang kung sugurin tayo ‘di ba?” ramdam ko ang panic sa boses ng kaibigan. “Pare-pareho tayong walang mga kapangyarihan, kaya ramdam ko ang hinaing mo, Aztar.” Ani Kith. “Paano kaya kung tanungin natin si Eon sa kung ano nga ba talaga ang mga kapangyarihan natin? Para madali na lang sa ating maipalabas ito?” dagdag pa nito. “Kung ako ang tatanungin, okay lang sa akin iyon. Kayo ba?” sang-ayon din ni Kith. Nagtaas kami ng kamay ni Ave, kay ayon nag-unahan na nga kaming magsitakbuhan kay Eon, pinukaw namin siya sa kanyang malalim na pagkatulog. Kaya pansin naming wala sa sarili ang kaibigang puno. Naiiling na lang ako sa kakulitan naming lima. Pero nang nagising naman si Eon, wala nang nagsalita sa amin, nagkanya-kanyang tulakan pa talaga kami kung sino ang magsasalita. Kaya nagpresenta na lang akong humakbang saka ako na lang ang magtatanong para sa lahat nang naunahan ako ni Aztar. “Eon, pwede ka ba naming matanong?” mga katagang maikli, pero simula nan gaming pagbabago kung malaman namin ang kasagutan ni Eon, sa aming mga katanungan, kinakabahan man, pero ramdam ko ang excitement na malaman kung ano kaya ang taglay naming mga kakayahan sa mundong ito, kung ano nga baa ng mayroon ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD