Kabanata 18

1123 Words
Kabanata 18             Hamina’s POV             Bata pa lang, nahihilig na akong manggaya ng mga napapanood kong karakter, mapa-cartoons o anime man ito, as long as I am attached to that particular lead. Usually, ang ginagaya ko ay mga female lead siyempre. Kung ilalarawan ako, I am such a girly type. Sobrang feminine ko in terms sa mga ganitong bagay, pero lalo na sa klase. Hindi ako palakibo o ano pa man, inaaliw ko lang ang sarili ko sa kapapanood ng anime sa aking laptop na napuno ng stickers ng anime characters.             Hindi sa pagmamayabang, my mother works as a Neurologist, while my father is currently on board. Isa siyang piloto sa isa sa pinakakilalang airline sa buong mundo. He’s not working here in the Philippines, his job is located in Osaka Japan, the Kansai International Airport.             Kung iniisip niyo kung Japanese ang daddy ko, well, yeah. But not full Japanese. He’s one-fourth of it. He’s still a Filipino.             Kaya nga nagkainteres din ako mag-Japanese, not just because of being addicted to anime, but because---sometimes my dad always teased me using the Japanese language. And I couldn’t understand him. That’s the reason.             But anyway, I am happy with my family. And even though my parents were busy working, they didn’t leave me behind, they always check on me, when mom isn’t going home for a busy schedule in the hospital. I always tell them that I was fine.             I don’t have anything bad to say about my beloved parents, because I know, they work hard every day, just for me, for my future.             But the sad part of my life, even though how happy you are with your parents, there’s always the contradictory part of life. Most of it happens at school, at El Federico Academy.             Each events, I always do cosplaying my favorite anime character, such as Madoka Kaname, Megumi Kato, Mio Akiyama, and Onodera. Marami pang iba, simple na nga lang ang sinusuot ko kapag nasa paaralan lang ako. Pero may pumupuna pa rin nito. Hindi naman ako pangit, lalo namang walang peklat ang aking dalawang binti. Saka wala rin naman hindi ako humihingi sa kanila ng pera pambili ng mga kasuotang suot ko ngayon.             Intramurals kasi, and everyone nominated me as their muse, kaya ako ang nanalo bilang muse. Ayon nga lang, may tatlong mean girls na palaging hadlang sa aking daan.             Sina Tanya, Chuna, at Sivia. Ang alam ko lang naman sa kanila ay mga anak sila ng politiko na nangangasiwa sa buong Siyudad ng Illustrado. Kaya siguro madali lang sa kanilang manggulo ng buhay ng wala namang ginagawa sa kanila.             “Hey, Hamina, sino ka na naman diyan sa suot mo? As if naman na bagay sa iyo.” Maarteng puna sa akin ni Sivia. Ang leader ng mean girls. Pinangalanan ko lang silang ganoon, kasi nga mga mean naman talaga sila, wala akong ginagawa sa kanila, pero sila naman itong gumagawa ng eksena. Hindi ko na nga sila pinapansin.             Pero pinipilit talaga nila ang kanilang sarili na gumawa ng issue. Hindi ako mahilig sa pakikipag-away, kaya tahimik lang talaga ako, hinayahaan ko lang silang tumalak-talak diyan sa harap ko. Kahit na dinuro-duro na nila ako.             “Sivia, look sa necklace niya, mukhang mamahalin.” Sabay lapit pa nito saka hablot ng aking kwentas, ramdam ko na may napunit na balat sa aking batok. Pinipigilan ko ang kirot, para hindi nila ako pansinin. Nang hindi pa pala sila tapos sa akin.             “Chuna, akin na, isasangla natin sa pawnshop, para mapakinabangan.” Tawa pa ni Tanya, sa tatlo, siya itong may pagka-boyish, na parang rebelde sa kanyang pamilya.             “Wait, girls, baka mamahalin din itong suot ni Hamina, baka pwede nating mabenta.” Sulsol naman ni Tanya sa dalawa. Tumango-tango naman ang dalawa, saka nagpakawala ng mga malademonyong tawa.             Walang tao sa classroom namin, kasi nga abala ang lahat sa mga kanya-kanyang laro na kanilang sinasalihan. Ewan ko ba kung bakit narito ang mga ito rito, at ako na naman ang napatripan.             “Huwag, Sivia, Tanya! Chuna! Huwag. Wala akong extra na damit. Maaawa naman kayo sa akin, please.” Padaosdos akong naupo sa sahig, para hindi na nila ako tuluyang mahubaran. Nang saktong may dumating na PE teacher namin, narinig siguro ang pagsisigaw ko.             “Anong ginagawa niyo kay Villa! Hoy! Bumalik kayo!” mukhang nakatakas na nga sila. At hindi na sila nahabol pa ng PE teacher namin.             Akala ko talagang hindi na ako babalikan ng aming guro sa PE.             “Kanina pa kita hinahanap, Hija. Mabuti na lang talaga at nagawi ako rito, kaya pala napapansin kong palagi kang may mga kung anong pasa minsan sa iyong mga braso, matagal ka na bang ginaganito ng tatlong iyon? ‘Di ba mga kaklase mo iyon? Dapat mag-complain ka sa head office."             “Sir, nagawa ko na po iyan, but sad to say. Wala namang aksiyon. Dahil siguro sa mga pulitiko ang kanilang mga magulang. Kaya isang katulad ko lang na magsusumbong sa head office, paniguradong hindi paglalaanan ng oras.” May hikbi pa rin sa bawat pagsambit ko ng mga salita.             Paano na lang kung hindi dumating si sir ‘di ba? Baka umuwi ako ngayong gusot-gusot ang damit, saka punit-punit pa. Para pa akong ginahasa.             “Ito, may extra akong PE uniform dito, para sana ito sa isang estudyante ko na kasali sa volleyball. Pero mas kailangan mo ito ngayon, kaya suotin mo na. Lalabas na muna ako, para makapagbihis ka, tawagin mo ako kung tapos ka na. At ihahatid kita sa gate para hintayin ang sundo mo.” Tango lang ako nang tango. Hindi pa rin ako fully nakabawi sa mga pangyayari kanina. Iyon ang pinakagrabe nilang ginawa sa akin.             Naisip ko tuloy. Mali ba ang magsuot ng ganoon? Kung gusto mo namang magsuot ng ganoon? Saka hindi naman sila ang gumastos.             …             “So, binu-bully ka rin pala sa El Federico.” Banayad na tanong ni Deeve sa akin. Nakaharap kasi sila sa akin ngayon at matamang nakikinig sa aking kwento.             “Oo naman, bakit?” balik-tanong ko sa kanya.             Imbes na si Deeve ang sumagot, si Aztar naman ngayon.             “Kasi naman, noong una ka naming nakaharap. Para ka lang walang iniindang kalungkutan. Tapos ngayon, may malalim din pala na dahilan kung bakit ka napasama sa amin ngayon. ‘Di bale, may rason siguro ang lahat ng ito kung bakit tayo pinagtagpong tatlo.” Tingin-tingin ni Aztar sa aming dalawa ni Deeve.             “Sa palagay mo, wala na bang kasunod? Ako na lang kaya ang huli?” wala sa kanila ang nakasagot. Pati ako ay napipi na rin. Kaya nagkatitigan na lang kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD