Hindi muna kami pinarusahan ni Mr. Dark, at hinihintay naming dumating si Oba. At maya-maya ay pumasok na ang sundalo kasama si Oba. "So, ito si Oba?" tanong ni Mr. Dark. "Opo, ako si Oba," tugo niya, at mukha siyang natatakot "Pagmasdan mo ang kanilang sakripisyo para sa iyo," saad niya kay Oba. Isa-isa kaming pinaluhod at limang pribadong sundalo ang nakatayo. Habang nakahanda na, ang kanilang mga latigo, at sabay-sabay kaming hinampas ng latigo. Sa bawat hampas nila ay umuungol kami nang malakas at naglabasan ang mga dugo. Halos hindi kami matingnan ni Oba at pumikit siya. "Tingnan mo sila! Bawat latigo na iyon ay katumbas ng kalayaan mo," paliwanag ni Mr. Dark sa kanya. Walang tigil ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ni Oba, dahil bawat hagupit ay nararamdaman niya ang sak

