NAGLALABA pa kami nang magsalita si Glendy. "Jenn, may tanong ako, huwag kang magalit, ha" panimula niya. "Ano ‘yan?" seryoso kong tanong. "May relasyon ba kayo ni Lie?" walang pakundangan niyang tanong sa akin. "Huh? Wala kaming relasyon. Bakit mo nasabi?" Nagulat ako sa tanong niya, at halos hindi ako kumurap. "Sigurado ka ba?" Tila hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Oo, naman! Kailan pa ako nagsinungaling sa inyo?" seryoso ko pa ring saad. "Hmmm... pero pansin ko kasi parang may gusto sa'yo si Lie," turan niya. "May gusto sa akin?! Hmmm… tingin ko wala naman..." saad ko at bahagyang ngumiti. Hindi ko maintindihan kung bakit ako natuwa noong sinabi ni Glendy na gusto ako ni Lie. Bigla akong tumahimik at dinama ang aking puso. "Gusto ko ba talaga siya?" pipi kong tanong

