Chapter 15

1364 Words
Kinse minutos pa lang bago mag-alas nuebe ng umaga ay nasa plaza na si Celestine. Hinintay niya ang pagdating ni Andrew. Umupo siya sa bakanteng upuan sa ilalim ng puno sa gilid ng plaza. Inilabas niya ang kanyang cellphone at nagbrowse ng f*******:. Hindi na siya magpopost online ng mga paninda dahil titigil na muna siya sa pagbebenta. Naalala niya si Andrew. May f*******: kaya ang lalaking iyon? Pumunta siya sa search button at tinatype ang buong pangalan ni Andrew. Andrew Villamor May ilang Andrew Villamor ang lumabas ngunit ibang mga mukha sa profile picture. Nagscroll pa siya pababa at jackpot nakita niya ang profile nito. Binu-view niya iyon ngunit hindi niya makita ang mga post nito. Either hindi ito nagpo-post or puro siguro nakaprivate ang post nito. Kailangan pa niyang magsend ng friend request rito para makita niya ang mga post nito. Hmm...magse-send ba siya ng friend request o hindi? Saka nalang siguro. Tiningnan din niya ang instragram account niya at hinanap uli doon kung may account ba si Andrew. Hindi naman siya nahirapan dahil nakita agad niya ang account nito. Kaya malaya siyang nakapang-stalk dahil hindi nakaprivate ang account nito. Hmm... may post itong tatlong larawan lamang. Isang mala-adonis na larawan na kitang-kita ang mamasel na katawan. Para itong modelo sa posing nito. Nakasuot lang ito ng shorts at nakahubad sa taas habang nakababad sa tubig ang kalahating katawan. Maaninag ang shorts nito sa tubig. Ang tubig ay nag-eenjoy sa pagtulo sa katawan mula sa buhok nito. Noon pangarap kong maging isang negosyante ngayon pangarap ko nalang maging tubig. Sabi ng malanding utak niya. Napangiti nalang siya sa naisip. May 60k likes ang lalaki sa post nitong iyon. Abay faymos ah. Kahit nagpost lang ng isang picture ang dami agad likes samantalang siya kung hindi lima ang likes minsan wala talaga. Binasa niya ang mga comment sa post nito na umabot ng 20.5k comments Oh my gosh ang pogi Papa Andrew anakan mo ako please Ikaw lang sapat na ??? I love you Andrew Ilan lang iyon sa mga malalanding comments na nabasa niya. Nakakaimbyerna basahin. Puro kalandian. May isa namang comments na nakakuha ng pansin niya. Andrew, totoo bang girlfriend mo na si @vanessa? Tanong nito at meni-mention pa ang sinabing babae. Syempre ini-stalk na naman niya ang babae. Hindi siya stalker, curious lang siya. Vanessa Salvador is a famous celebrity in the Philippines. Half Filipino-half Spanish ang beauty nito. Sobrang ganda. Bagay na bagay ang dalawa kung magkatuluyan ang mga ito. At ang mga anak nila ay siguradong sobrang gaganda at gugwapo. Iniscroll niya pababa ang post nito at nakita niya ang larawan ng dalawa na nasa isang exclusive bar at mukhang nagkakasayahan. Hmm..may something nga. Baka tinatago lang ng mga ito ang kanilang relasyon dahil may kasalukuyang loveteam si Vanessa na iniingatan. Pero bakit gusto ng magkaanak ni Andrew sa iba? Ang labo... Hindi niya magets. Well, bahala na sila sa buhay nila basta siya magtatrabaho lang for the sake of ten million pesos. Nagulantang siya ng biglang may narinig na busina sa tapat niya. It's Andrew. Tumayo na siya at inayos ang bag sa balikat. "Good morning Mr. Villamor." Bati niya rito sabay ngiti. "Good morning." Ganting bati nito sa malamig na boses. Hindi man lang ngumiti. Hmmm...may dysminorrhia yata ang lalaking ito. Acting like there's nothing happen between them yesterday. Naalala pa rin niya ang bawat haplos ito sa katawan niya. Ang halik nitong nagpapawala ng katinuan niya. Damn. Tama na. Dapat kalimutan ko na iyon. Si Andrew nga parang may amnesia na. Sa loob-loob niya. Umalis na agad sila at tumungo sa hospital. Wala silang kibuan hanggang sa makarating sila sa hospital. "Good morning Mr. Villamor and Miss Marquez." Bati nito sa kanila. Gumanti din sila ng bati. Maraming sinabi ang doktor ng mga proseso ng surrogacy. "Okay, unahin na muna natin ang vaginal ultrasound ni Celestine." Sabi ng doktor at pinapasok si Celestine sa isang pribadong silid. Naiwan naman si Andrew sa labas at nakaupo. Pinagbihis si Celestine ng lab gown ng babaeng kasama ng doktor. Sumunod naman siya pagkatapos ay humiga sa isang higaan kung saan siya doon bubukaka. Oh my, naalala na naman niya ang nangyari kahapon kung saan ibinuka ni Andrew ang hita niya at malayang ipinasok ang p*********i nito. Sa ala-alang iyon ay bigla siyang nakaramdam ng init ng katawan. Parang gusto niya mapaungol ng dahan dahang ipasok ng doktor ang isang malamig na bagay sa p********e niya. Ano bang iniisip mo Celestine. Tumigil ka na. Nakakahiya. Pinagalitan niya ang kanyang sarili sa naisip. Tumingin ang doktor sa kanya na parang may gustong sabihin pero hindi na itinuloy. Namula siya bigla. Parang alam na niya ang gustong itanong nito. Kahapon lang ay sinabi niyang virgin pa siya tapos ngayon ay nalaman nitong hindi na siya virgin. Pinagalaw-galaw pa nito ang isang bagay sa pwerta niya habang nakatingin sa monitor. Pagkatapos ay hinugot na nito at tinanggal ang plastik na ibinalot doon at itinapon sa basuran. Inalalayan naman siya ng babaeng kasama nito at pinagbihis ng damit. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya at umupo sa katapat na upuan ni Andrew habang si Doktor Sandoval ay may binabasang papel at nagsusulat rin. "Well, uunahin ko muna ang ultrasound mo Celestine. So far, wala naman akong makitang deperensiya sayo. Everything is okay naman. Except ang egg mo ay maliliit pa. Kailangan ang huling menstruation mo?" Tanong ng doktor. "Last Tuesday lang ho, dok." Sagot niya. "Well, kailangan nating imonitor ang paglaki ng egg mo. Kailangang bumalik ka dito next week." Tumango lang si Celestine bilang pagsang-ayon. "For Andrew. You have 65 million sperms which means na wala kang problema sa sperm count. Lahat ng test mo ay wala naman kaming nakikitang problema, same with Celestine. Mentally and physically fit naman siya for the job." Paliwanag nito. "Handa na ang lahat para sa prosesong ito. Bibigyan kita Celestine ng gamot na pamapaitlog para siguradong mangitlog ka ngayong darating na fertile days mo." Dagdag nito saka ipinaliwanag ang proseso ng surrogacy. Tumango-tango lang siya na pahiwatig na naintindihan niya ang lahat. Of course, naintindihan talaga niya dahil nagresearch na siya tungkol sa surrogacy. "As I said the last time, hindi lahat naging successful pero after a few attempts ay sa wakas naging successful rin. But let's hope na it will be successful in our first attempt." Pagpapatuloy nito. "No problem dok. We understand. So if we're done here. I guess we need to go now." Paalam ni Andrew sa doktor. "Oh wait, ito iyong gamot na bibilhin mo Celestine." Ibinigay nito ang reseta pagkatapos ipaliwanang kung kailan niya iyon iinumin. Kailangan din daw nilang kumain ng mga healthy foods at i-avoid ang mga trashy food like junk foods, soda at iba pa. "Thank you,dok. See you next week." Paalam niya. Lumabas na rin sila at dumiritso sa pharmacy sa gilid ng hospital. Binayaran ni Andrew ang binili pagkatapos ay umalis na rin sila. Dumiretso sila sa kotse nito. Nang makasakay ay umalis na agad sila. "Doon mo pa rin ako sa plaza idrop." Maya-maya ay sabi niya. "I'm hungry. Wala pa akong almusal. Samahan mo muna akong kumain." Sagot ni Andrew. Hindi nalang siya nagsalita total parang gutom na rin siya. Alas onse na ng tanghali at alas sais y media pa lang siya nag-agahan kanina. Tahimik nilang binaybay ang daan papunta sa restuarant. Medyo matraffic ang oras na iyon kaya mabagal lang ang takbo ng sasakyan nila. Naalala niya ang i********: post ni Andrew. Nilingon niya ito. Nacucurious talaga siya kung bakit hindi girlfriend nito ang gustong buntisin. "Curious lang ako bakit hindi si Vanessa ang bubuntisin mo? " basag niya sa katahimikan. Napalingon naman ito sa kanya. "Vanessa?" Kunot-noong tanong nito. "Vanessa Salvador, iyong aktres na girlfriend mo." Walang ligoy na sabi niya. Bigla itong tumawa. Aba marunong din pa lang tumawa ang kumag na ito. Sa loob-loob niya. "Girlfriend ha. At saan mo naman nasagap ang tsismis na iyon?" Nakatawa pa ring tanong nito. "Iyon ang bali-balita. Bakit hindi nga ba?" Balik tanong niya. "Secret." Maiksing sagot nito habang pinipigilan ang pagngiti. "May pasecret-secret ka pang nalalaman diyan. Hindi nalang aminin." Nakangusong saad niya. Iwan pero naiinis siya bigla rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD