Natapos na ang test na isinagawa kina Celestine at Andrew. Hihintayin na lamang nila ang resulta.
"Well, Miss Marquez, alam natin na alam mo kung ano ang pinasok mong trabaho. Hindi ito basta-basta dahil ikaw ay magbubuntis. Ngunit wala ka pang karanasan sa ganoong bagay. " Umpisang wika ni doktor Sandoval sa harap nina Andrew at Celestine.
"Ano ang ibig ninyong sabihin,dok?" Naguguluhang tanong ni Andrew.
Si Celestine naman ay mataman lang nakikinig sa doktor at naguguluhan din sa sinabi nito.
"Well, Miss Marquez here has no experience in s*x and getting pregnant. Mas mabuti kasing kumuha ng babaeng may karanasan na sa s*x at pagbubuntis." Paliwanag ng doktor.
Medyo magulo pa rin ang paliwanag ng doktor kaya tiningnan nila ito ng nagtatanong o naghihintay ng mas malinaw pa na paliwanag.
"Ang babaeng may karanasan ng magbuntis ay may malaking posibilidad na mabuntis uli. She also understand firsthand the medical risks of pregnancy and childbirth and the meotional issues of bonding a newborn.Sa kaso ni Celestine ay may posibilidad na magpe-fail ang surrogacy or mahihirapan tayo. Aside from that, okay lang ba sayo Celestine na madevirginize ka sa ibang paraan?" Walang pasubaling tanong ng doktor.
Hindi naman siya nakasagot agad. Napatingin siya kay Andrew na ngayon ay titig na titig din sa kanya na hinihintay ang kanyang sagot.
"Okay lang ho dok. Walang problema." Maya-maya ay kiming sagot niya. Ayaw man niya ngunit wala na siyang magagawa sa ngalan ng trabaho at pera.
Bahala na. Sampung milyong peso kapalit ng virginity niya? Okay lang iyan kaysa lalaki ang makadivirginize sa kanya tapos sasaktan pa ang puso niya. Atleast ngayon eh may sampung milyong peso siya. Sa isip-isip niya.
Isipin na lang niya na atleast doktor ang nakadivirginize sa kanya. Gusto naman niyang mangiti sa naisip. Nakakatawa naman talaga kahit okay hindi naman masyadong nakakatawa.
"Great. Well, we need to study the result first of your medical test before we proceed to our next step. That psychological screening test by mental health professional is very important to uncover any issues with giving up the baby after giving birth. You will have our final result tomorrow morning. Can we schedule your vaginal ultrasound tomorrow Celestine?" Tanong ng doktor sa kanilang dalawa.
"Okay,dok." Maiksing sang-ayon ni Celestine at nag'okay naman si Andrew.
Pagkatapos magpasalamat ay nagpaalam na silang dalawa na umalis.
Tahimik lang silang dalawa habang binabaybay ang daan. Sinabi na ni Andrew kanina na dadalhin siya nito sa bahay na titirhan niya habang nagbubuntis siya.
"So you are still a virgin,huh." Basag ni Andrew sa katahimikan.
Hindi naman siya nakahagilap ng isasagot sa sinabi nito.
"Paano mo kaya gagampanan ang trabaho mo kung wala ka nga palang karanasan sa pagbubuntis? Mahihirapan din lumabas ang baby dahil virgin ka pa." Mayamaya ay tanong ni Andrew.
Hindi pa rin siya sumagot. Iwan pero wala talaga siyang mahanap na isasagot.
Katahimikan uli. Nakatutok lang ang paningin niya sa daan habang si Andrew ay minsan tinatapunan siya ng sulyap. Nakikita niya iyon sa gilid ng mga mata niya.
Alam niya na hinihintay nito kung anuman ang sasabihin niya ngunit nanatili siyang walang sinabi.
Sampung milyon. Naalala na naman niya ang sampung milyon. Mukhang mapurnada ang pagiging milyonarya niya.
Kailangan niyang gumawa ng paraan. Sayang ang sampung milyon kung pwede naman siyang gumawa ng paraan.
Huminga muna siya ng malalim saka humarap kay Andrew.
"May naisip na ako, babalikan ko nalang iyong ex kong patay na patay pa rin sa akin hanggang ngayon. Magpadivirginize nalang ako sa kanya para..." hindi na niya natapos ang iba pang sasabihin dahil muntik ng mauntog ang mukha niya sa harap ng sasakyan dahil sa biglang pagpreno ni Andrew sa minamanehong sasakyan.
"Shit." Napamura siya sabay tingin sa labas at tiningnan kung may muntik na ba silang masagasaan ngunit wala namang tao. Lumingon-lingon rin siya ngunit wala siyang makitang maging dahilan ng biglang paghinto nila.
"Bakit?" Inosenting tanong niya ngunit nagtataka siya kung bakit halos magkasalubong ang kilay ni Andrew habang matiim na nakatitig sa kanya.
"Huwag na huwag mong gagawin ang binabalak mo. Period." Halos magtagis ang bagang nito habang nagsasalita.
Medyo naguguluhan naman siya sa inakto nito. At bakit naman kaya?
"Gagawin ko lang naman iyon para atleast hindi kamay o anumang gamit ng doktor ang makadivirginize sa akin. Isa pa siguradong lalaki na siguro ang pwerta ko kaya hindi na ako mahihirapang ilabas ang bata sa sinapupunan ko kung sakali." Mahabang paliwanag niya na mas lalong ikinatiim-bagang ni Andrew. Pinatakbo nito ng mabilis ang sasakyan. Halos hindi naman siya makahinga sa sobrang ka ba.
Ano bang problema ng lalaking ito?
"Ano ba Mr. Villamor. Nagpapakamatay ka ba?" Halos pasigaw ng sabi niya.
Pinabagal naman nito ang takbo at hindi man lang siya nilingon nito. Hindi nagtagal ay huminto sila sa isang car park sa isang condominium.
Binuksan niya ang pinto at bumaba na rin. Of course hindi na niya hihintaying pagbuksan siya. Sino ba naman siya para pagbuksan nito.
Nauna na itong naglakad at sumunod naman siya.
Huminto ito sa tapat ng elevator at pinindot nito ang paakyat na button. Pumasok naman agad sila pagkabukas nito.
Pinindot nito ang number 8. Tahimik lang sila habang umaakyat ang elevator. Nakayuko lamang siya. Ayaw kasi niyang salubingin ang titig ni Andrew. Magkaharap ba naman sila. Sino ba naman ang hindi makaramdam ng awkwardness sa posisyon nila.
Mayamaya ay huminto na ang elevator at narinig niya ang pagclick ng pintuan. Nauna na siyang lumabas pagkabukas nito.
Binagalan naman niya ang paglalakad upang paunahin si Andrew. Hindi kasi niya alam kung saan sila pupunta.
Nauna naman ito at sumunod lang siya.
Huminto sila sa isang pintuan na may numerong 5021. May binuksan itong maliit na parang box tapos may pinindot na mga number. Parang code siguro iyon dahil pagkatapos i-enter ay binuksan na nito ang pintuan.
Pumasok ito at binuksan ng malaki ang pintuan upang makapasok siya.
Pumasok naman agad siya.
"This will be your place until you give birth." Wika nito at binuksan ng kunti ang nakatabing na kurtina upang makita ang labas.
So ito ang condominium. Sa isip niya.
Maganda. Pinagala niya ang kanyang paningin. May queen size bed. May katamtamang laking living room. May magandang kusina. May wardrobe. 52 inches na TV. May refrigerator. Kumpleto yata sa gamit ang kwartong ito.
"Like it?" Tanong ni Andrew sa kanya na ikinalingon niya. Ngayon ay nakaupo na ito sa upuan.
"Yeah, I like it. Sobrang ganda." Walang kaplastikang sagot niya.
Lumakad naman siya palapit sa may salaming dingding kung saan ay malaya niyang makita ang paligid sa labas.
"But there's a possibility that you don't qualify the job if the test says you are not fit to do the job. Well, you know, I trust my doctors. They know better. " Seryosong saad nito na nakatingin sa kanya.
Medyo nanlumo naman siya sa narinig.
Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari sa kanya e sana noon pa nagpabuntis na siya.
Hayy..sayang talaga ang sampung milyon.
Bumuntong hininga nalang siya.
"Makakatulong siguro sa gagawing test bukas kung magpapadivirginize muna ako bago pupunta doon. Kailangan ko ng umalis." Hindi na nakapag-isip ng matino si Celestine. Desperada na talaga siya.
Lalampasan sana niya si Andrew ngunit maagap nitong nahawakan ang kamay niya. Pumiksi siya ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito.
Napatitig siya rito na nangunot ang noo. Ano bang problema ng isang ito?
"Don't you ever dare do what's in your mind." Matigas na sabi nito na tumayo na at pinantayan ang tayo niya.
"Maniwala ka sa akin, makakatulong iyon." Halos magkandautal na sabi niya. Para kasing nakakatakot ang matulis na titig nito sa kanya.
"Kung desperada ka na talaga. Hindi mo na kailangang bumalik doon sa ibang lalaki para magpadevirginize."
"Anong ibig mong sabihin?" Bigla siyang kinabahan.
"Well, mas maganda pa rin kung ang surrogate mother ng anak ko ay wala pang ibang lalaking nakagalaw. Kung iyon lang naman ang habol mo then you can have me. Let's do it." Prangkang suhestiyon ni Andrew.
Parang hindi naman siya makapaniwala sa narinig. Oo nga naman pwede din naman ito pero hindi pa rin siya makapaniwala na isa-suggest nito iyon. Bigla tuloy siyang kinabahan.
Umayos ito ng tayo at dahan-dahang inilapit ang mukha sa kanya habang ang isang kamay ay bahagyang humaplos sa pisngi niya.
Napaatras naman siya. Para kasi siyang nakuryente ng dumapo ang palad nito sa balat niya.
"Wait, Mr. Villamor. Nakakabigla ka naman. Masyadong mabilis." Parang gustong manginig ang labi niya habang nagsasalita. Nakakastress naman ito. Hindi pa pala siya handa sa mga ganitong usapan.
Usapan nga lang ba? Mukhang handa ng isabuhay ni Andrew iyon ah.