“Congratulations po, ang gaganda ng mga shoes and bags niyo rito.”po “Oo nga ma’am, buti na lang at nabalitaan ko ang pagbubukas ng botique niyo, naka discount pa.” pabirong sabi ng kasama ng naunang babae kanina. “Sssh… sikreto lang natin ‘yon at baka marinig ng iba’t dagsain na tayo rito,” medyo OA pero ginawang biro ko pa rin talaga. “Naku, ma’am mas maigi nga ang gano’n eh. More kita, baka kailangan niyo ng endorser ma’am ha, puwede ako.” “Hmmm. mukhang magandang idea ‘yan ha, sige sige pag-iisipan ko.” Masaya akong nakipagkulitan sa mga customer ng bagong bukas na bissiness namin ni Zusie, nagkakaroon na ng kaunting gatherings. Nagpacater na lang kami ng foods and desserts para sa lahat. It was just too perfect lalo pa nang may dumating na delivery mula sa asawa ko. “Grabe, tod

