Napapangiti ako habang nakatitig lamang kay Catherine. Nakatulog kasi ito sa biyahe at hanggang ngayon nga ay nakapikit parin ang dalawa nitong mga mata habang may mahinang paghilk. Sinamantala ko na ang pagkakataon na matignan ito ng malapitan. Ngayon ko lamang ito matititigan ng ganito kalapit sa akin, pagkatapos ng dalawang taon. Ang ganda ganda talaga nito. Napaka amo ng kanyang maliit na mukha na ani mo'y isang anghel. "Cath?" Mahinang pagtawag ko nito sa kanyang pangalan para gisingin. "Cath, nandito na tayo." Sabi ko pa. Gumalaw ito at pagkatapos ay dahan dahan na iminulat na ang kanyang mga mata. "S-sorry, nakatulog pala ako." Nahihiya na sabi nito sa akin. "It's okay." Tipid na sabi ko rin rito bago siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Nasan tayo?" Kaagad na tanong ni

