Pagkatapos ng nakaka stress na mga pangyayari nitong nakaraang linggo ay nagpasya ako na sumama sa isang out of town, kasama si Bianca at ang aming mga kaibigan sa opisina. Mukhang kailangan ko muna kasi iyon ngayon, ang maglibang at kalimutan pansamantala ang ilang araw ko ng dinadala na bigat sa dibdib. Nang magpasya ako na sumama sa mga kaibigan ko ay kaagad na nagpaalam ako kay Breeze. Hindi naman ito tumutol pa at pinayagan ako kaagad dahil magiging abala rin daw ito sa kanilang negosyo. Mag-iingat lamang daw ako at ang mahigpit na ipinagbawal nito ay ang 'No alcohol allowed". Inilagay din nito ang contact number sa aking cellphone, dahil sa tagal na raw naming magkakilala eh hindi pa ako nagbibigay ng number ko sa kanya, kaya siya nalang mismo ang nagkusa. Tatawagan ko rin daw ito

