Jema Point of View
Kasalukuyan kami nagjo-jogging dito sa ateneo, dito ang aming training and stamina ang training namin ngayon.
"Girls water break!" Coach Joyce said.
Kinuha ko ang aking gatorade sa gym bag ko then ininom ko. "Jema si Deanna oh." Kyla said.
Tumingin ako sa likod ko, nakita kong kausap ni coach Joyce at coach Karlo si Deanna.
"Nandyan si Bb!" Ate Jia shouted, napatingin tuloy si Deanna sa gawi namin.
She smiled. "I love you." She mouthed.
"Ay! Nakakainggit." Sabi ni Kyla.
"Ah! Walang jowa." Asar ni Celine kay Kyla.
"Okay lang, madami naman laman yung bulsa ko."
"Puro papel, walang pera." Sabay tawa ni ate Rose.
"Ate Rose nilalaglag mo ko." Sabay pout ni Kyla.
Tinago ko na ang aking gatorade sa bag then nilapitan ko si Deanna. "Love."
"Are you tired?" She asked and kissed my forehead.
"Wow! Dating-dati ayaw ni Deanna na dumidikit ang labi niya sa isang bagay pero ngayon. Hay! Iba talaga ang pag-ibig." Ate Jia said.
"Oo, sobra." Sabi ko.
"Umuwi ka agad pagtapos ng training niyo ah, sumabay ka sa teammates mo."
"May dala akong kotse." Sabi ko.
"Good. Cge aalis na ko, may klase pa ko." She kissed my forehead again. "Gihigugma ko ikaw. (Mahal kita)"
"Ano yun?"
"Wala." She smiled.
Niyakap pa ko nito bago naglakad palayo. Hay! Sobrang busy niya, pati anniversary namin hindi na celebrate dahil sa game.
Dibale pagtapos ng game niya at game ko, magiging malaya na ulit kami. Dadami na ulit yung free time namin dalawa.
"Jema jog na ulit." Coach Joyce said.
I nodded. Nagsimula na ulit ako mag-jogging. Three o clock kami natapos, uwian agad kami sa dorm.
"Guys baka naman gusto niyo magluto." Parinig ni ate Jia.
"Jusmiyo Jia! Kumakain ka kanina sa kotse tapos gutom ka pa rin, kakaiba yang stomach mo ah." Ate Pau said.
"May ahas sa tyan ni Jia eh." Sabi ni ate Ly at tumawa.
"Grabe kayo, nakakagutom kaya yung training, ang init pa sa oval." She said and pout.
"Yuck! Hindi bagay sayo Jia." Asar ni ate Mel.
"Grabe kayo sakin, buti pa si Jema love ako." Sabay hug sakin.
"Sumbong kita kay Deanna." Risa said.
"Hahahah! Takot si Deanna kay Jia kaya paano mo siya isusumbong?" Natatawang sabi ni ate Rose.
"Oo nga pala, mentor ka nun." Sabi ni Risa at napakamot pa sa batok.
"Hay! Maitext nalang si Migs para madalan ako ng foods." Sabi ni ate Jia at nilabas ang kanyang cellphone.
"Grabe ka Jia, nasa cavite yung jowa mo tapos papapuntahin mo lang dito para dalan ka ng foods." Coleen said.
"Mahal ako nun." Sabi nalang ni ate Jia habang nagtatype.
Nagpaalam ako sa kanila na aakyat muna sa kwarto para maligo, ang lagkit ng katawan ko.
Deanna Point of View
Wala kaming training sa hapon kaya I decided na makipagkita kay Cy, kasama si Eya at Mafe.
"Hey! Namiss kita mah boi." Bati sakin ni Cy, sinundo nila ako dito sa ateneo.
"Hi guys." Bati ko sa dalawa na nasa backseat.
"Hi ate Deans." Bati sakin ni Eya at ngumiti.
"Mafe wala ba dyan Hi man lang?" I asked to Mafe, busy ito sa phone niya.
"Ay sorry ate Deans."
I laughed. "It's okay." Umayos na ko nang upo. "Saan tayo?"
"Girls san niyo gusto?" Tanong ni Cy sa dalawa.
"Trinoma tayo kuya Cy." Eya said.
"Okay ba yun sayo mah boi?"
"Game." I said.
Medyo natagalan kami dahil sobrang traffic. Habang papasok kami sa Trinoma, nakaramdam ako ng gutom.
"Kuya gutom na ko." Rinig kong sabi ni Mafe.
"Gutom na din ako Cy." I said.
"Hindi ba kayo nag-snack?" Cy asked.
"Hindi, katatapos lang ng class ko eh." I said.
"Same." Mafe said.
"Cge, saan niyo gusto?" Cy asked.
"Italian restaurant." Sabay na sabi ni Eya at Mafe.
"Cge don nalang, nakakamiss din kumain ng italian food." I said.
Tumungo kami sa third floor, doon nakapwesto yung italian restaurant eh. "Welcome to Italian Restaurant ma'am and sr."
"Mukha kang tatay namin kuya Cy." Sabi ni Eya kaya nagtawanan kami.
"Tatay ka namin pala, Cy. Mano ho tay." Asar ko.
Naupo kami sa tabi ng glass wall, sa pinakadulo. "Hello ma'am and sr." Bati samin ng waiter at binigyan kami isa-isa ng menu.
"Uhm . . . Pasta Carbonara and ice tea lang sakin." I said to waiter.
"Akala ko ba gutom ka?" Cy asked me.
"Diet ka ate?" Eya asked.
I nodded. "Yup."
"Wow, bago yun ah." Cy said and tumawa.
"Sira."
Habang kumakain kami ay biglang may nahagip ang aking mata na taong kilala ko. Si Ricci yun ah.
Napatingin ito sa gawi ko, he smiled kaya ngumiti din ako. "Anong nginingiti mo dyan lodicakes?" Tumingin si Cy sa gawi na nakatingin ako. "Diba si Ricci yun?"
"Yeah."
"Sumbong kita kay madam Jema, ngumingiti ka sa iba ah."
"Tse. Kamusta na si Charlie?" I asked.
"Change topic ka lodicakes."
"Oo nga ate Deans." Sang-ayon ni Mafe. Pinagtutulungan ako, help me.
"Ate totoo ba yung dati na kumakalat na may something daw po kayo ni kuya Ricci?" Eya asked while eating.
"Nope, Ricci is my bestfriend. Naissue lang kami kasi may picture na magkasama kami sa labas ng fil oil." Sabi ko.
"Oo nga pala, ang tagal na akong curious sa picture na yun. Bakit nga pala kayo mag kasama sa fil oil?" Cy asked.
"Actually nanonood ako ng game then nakasalubong ko siya sa labas, so ayun nag-usap kami pero saglit lang."
"Ah . . . Akala ko nagdedate kayo sa picture na yun."
"Hindi ako nakikipagdate ng romantic, friendly date pwede. Kay Jema lang ako nakikipagdate ng romantic." I said and smiled.
"May pagbawi." Sabi ni Mafe at tumawa.
"Hahahah!"
Nang matapos kami kumain sa italian restaurant, naglibot-libot na kami sa trinoma. Hindi kami masyado nagpagabi dahil may pasok pa ko tsaka yung dalawa.
Jema Point of View
I woke up early para masundo si Deanna, magce-celebrate kami ng anniversary namin kahit late na.
Sabado ngayon and wala silang training whole day, kami din kaya ngayon kami magce-celebrate.
"Saan punta mareng Jema?" Tanong ni Coleen pagbaba ko.
"Pupuntahan si Deanna."
"Bakit?" Tanong naman ni ate Jia.
"Ang chismosa mo, Jia." Sabi ni ate Alyssa.
"Magce-celebrate po kami ng anniversary ni Deanna." Naupo ako sa sofa at nagsintas ng sapatos.
"Late na ah. May eighteen na." Sabi ni Kyla.
"Inggit ka lang, Kyla." Sabi ko.
"Inggit ka pala eh." Sabi ni Risa.
"Puro kayo inggit." Tumingin ito ng masama kay Risa. "Ikaw din naman walang jowa."
"Ohh!! Sapakan na yan oh." Sabi ni ate Rose sabay tawa.
"Alis na ko."
"Ingat Jema!" Rinig kong sigaw nila.
Kinuha ko ang aking susi atsaka lumabas ng dorm, sumakay ako sa kotse at pinaandar papunta sa condo niya. Nasa condo siya ngayon eh.
I swiped the key card to the door. "Deanna?" Walang sumagot kaya tumungo ako sa kwarto nito.
Napangiti ako nang makita ito, nakabihis na ito at halatang nakaligo na dahil basa ang buhok niya.
Mukhang antok na antok yung love ko, nakatulog ulit. Dahan-dahan akong naupo sa tabi nito at hinaplos ang mukha niya. "Hmm . ." Yumakap ito sa bewang ko. "Nandito ka na pala." Nakapikit pa rin ito. "Sorry nakatulog ako." Nagmulat na ito.
"It's okay." She sat down. "Saan tayo pupunta?"
"Kumain ka na ba ng breakfast?" She asked and held my hand.
"Hindi pa, pumunta agad ako dito eh."
"Kumain muna tayo." She stood and took her wallet. "San mo gusto mag-breakfast?"
"La carnita tayo kumain ng breakfast." I said and stood up. "Tara na." Hinila ko na ito palabas.
"Uy saan tayo pupunta? Dun ang sakayan ng elevator." She said sabay turo.
"Mag-stairs tayo, Bb."
Huminto ito sa paglalakad. "Ayoko, mapapagod ako."
"Bilis na, arte mo naman."
"Eh ayoko."
"Please." Sabay pout ko.
Napairap naman ito sabay buntong hininga. "Cge na nga."
"Yes, thank you." I kissed her lips and hinatak na siya ulit.
Mabilis lang kami nakarating dahil malapit lang ito sa condo ni Deanna, nilapitan agad kami ng waiter pag-upo.
"Menu po." Inabutan kami nito ni Deanna.
Pumili ako sa menu, ang sasarap naman ng breakfast dito. "Sweet potato hash with bacon and pineapple juice." I said.
"Sakin american breakfast." Deanna said. Binalik na namin ang menu sa waiter then umalis na din ito.
"Ang dami mong kakainin ah."
"Syempre kailangan malusog, baka pag pumayat ako, ipagpalit mo ko." She said and ngumuso.
"Uy hindi ah." I pinched her cheek. "Hindi kita ipagpapalit, love na love kaya kita."
She kissed my hand. Maya't-maya dumating na din ang order namin kaya nagsimula na kami kumain.
Deanna Point of View
May hinanda akong surprise para kay Jema pero mamaya pa kami pupunta doon sa hinanda ko, mga gabi pa para maganda ang view at mas romantic tingnan.
"Tara na." Aya ko sa kanya, inakbayan ko ito at lumabas na kami ng restaurant. "Pasyal tayo sa museum, love."
"Cge pero bukas na ba yun?"
"Yeah, seven o clock na eh." I said.
"Let's go."
Sumakay ako sa passenger seat, siya sa driver seat. Siya daw magdadrive eh tsaka kotse niya naman gamit namin.
Tumungo kami sa Ayala Museum. "Ang ganda nung art work oh." Sabay turo.
"Picture tayo, Bb." She said.
Nagpicture naman kami. Dati ayoko sa camera pero mula ng maging jowa ko 'to, nagbago buhay ko. Mas lalong gumanda yung buhay ko.
"I love you." I said.
She looked at me. "Nakakagulat ka."
"Huh? Bakit?"
"Bigla ka minsan nagsasalita ng sweet words, nakakagulat yun." She said.
"Lab na lab kasi kita kaya biglang bumibigkas sa labi ko yun kahit wala naman akong balak sabihin sayo yun."
"Ay! Nakakainis ka." Hinampas ako nito.
"Hala, namumula ka." Asar ko kaya hinampas muli ako nito.
"Panget mo." She said.
"Kaya pala inlove na inlove ka sa mukhang 'to." I winked at her.
"Kapal."
I laughed and inakbayan ito. "Saan tayo sa susunod?"
"Sa puso ko." Sabi nito habang nakatingin sa mga paintings. "Charot."
"Charot? Sayang gusto ko pa naman dyan sa puso mo."
"Hindi ka kasya dito."
"Edi ikaw nalang dito sa puso ko, kasya ka dito. Kahit dalawa pa kayo kasya dito."
Ay patay! Mali.
She looked at me badly. "Anong sabi mo?"
"Joke lang yun baby." Sabay peace ko.
"Naku, ikaw Deanna ah. Wag mo ko lolokohin, baka gusto mo baliin ko yan buto mo."
"Opo madam Jema, hindi kita lolokohin kahit kailan. Lab na lab kaya kita." Sabi ko sabay halik sa kanyang pisngi na medyo mataba na.
Ten o clock kami umalis sa Ayala Museum, pumunta naman kami sa isang spa. Nagpa-massage kami at naligo sa hot spring.
**********************