CHAPTER 7

1782 Words
Deanna Point of View Kanina pa ko kinukulit ni Jema kaya hindi ko sadyang napagtaasan ko ito ng boses. Pumasok ito sa kwarto kaya sinundan ko, naabutan ko siyang nakadapa sa kama at may unan sa ulo. "Uy sorry na." "Tse! Labas." "Sorry na, kulit mo kasi eh." I said. Sinubukan ko tanggalin ang unan sa ulo niya pero ang ending nasipa niya lang ako sa ulo. s**t! Sobrang sakit. "Lumabas ka, ayaw kita kausap." "Ang sakit nun ah." Reklamo ko. "Wala akong pakialam." "Tumayo ka nga dyan." Sapilitan ko na tinanggal ang unan sa ulo nito. Sisipain sana ako nito kaya mabilis akong pumaibabaw sa kanya. "Ang hilig mo manipa. Maninipa ka ba?" "Hindi. Tabi!" Hinawi niya ko but dinikit ko ang katawan ko dito kaya natahimik siya. "Ano? Papalag ka pa?" Gusto ko matawa dahil sa reaction ng mukha niya pero kailangan ko pigilan, baka sapakin ako nito. "Hin . . di ako maka . . . hinga." "Arte." Umalis na ko sa ibabaw nito, saktong pagtayo ko biglang may lumanding na unan sa pagmumukha ko. "Aray!" "Buti nga sayo." She sat down. "Ang sakit nun ah. Akala mo ba nakakatuwa yun?" "May sinabi ba ko?" Sabay taas ng kilay niya. "Hay!" I sit. "Sorry na. Hindi ko naman sinasadya na mapagtaasan ka ng boses." "Tse! Siguro nambabae kayo ni Maddie kaya hindi mo sakin masabi kung ano talagang ginawa niyo." "Uy Hindi ah, nag-inuman nga lang kami. Promise." "Mukha mo! May nag-inuman bang maga yung pisngi? Isa pa, magkaaway kayo tapos nag-inuman kayo. Ano yun? Trip niyo lang mag-away?" "Ah basta." Dahil hindi ako pinapansin ni Jema, nilinis ko nalang ang buong condo. Wala si Charlie dito dahil kinuha na siya sakin ni Cy nung isang araw. Nang matapos ako maglinis, binalikan ko na si Jema sa kwarto. Natutulog na ito, yakap ang t-shirt kong nakasuot sa unan. Umupo ako sa gilid niya at dahan-dahan siyang hinalikan sa pinsgi. "I love you." "Hm . ." Dumilat ito. "What time is it?" "Seven o clock." "I need to go home." She said and bumangon na. "Wala ka naman gagawin sa dorm niyo, dito ka na lang." "Sa apartment ako uuwi." "Jema diba minsan mo lang naman tiran yan apartment mo?" She nodded. "Tutal engaged na tayo, bakit hindi kaya dito ka na lang sakin tumira? Tutal hindi naman masyado natitiran yung apartment mo kasi nagdo-dorm ka minsan." "Deanna engaged palang naman tayo, hindi pa tayo kasal." "I know pero sayang lang kasi yung binabayad mo sa apartment mo." I said. Matagal bago sumagot ito. "Cge papayag ako, iiwanan ko na ang apartment. Kaso nga lang baka kung anong isipin ng mga tao." "What do you mean?" "Baka isipin nila na pabigat lang ako sayo tsaka nakakahiya sa family mo." She said. I smiled. "Wala naman problema yun. Isa pa nasabi ko na sa mga kapatid at parents ko na engaged na tayo, sa family mo nalang hindi tsaka kila Cy." Jema Point of View Hay! Oo nga pala, wala pa silang alam tungkol samin ni Deanna. "Deans bakit hindi kaya tayo pumunta sa laguna?" "Bakit gusto mo makita parents mo?" "Gusto tsaka gusto ko na din sabihin sa kanila, ang unfair naman kung family mo alam tapos family ko hindi. Baka magalit sila Tatay at mama." "Sure, walang problema. Kailan mo ba gusto pumunta? Bukas? Or friday?" Tanong niya. "Bukas na para friday balik tayo ng manila." "Okay. Pero gusto ko sa linggo umuwi tayo ng cebu, gusto ng parents ko na mag-celebrate tayo kasama sila." Tumango ako. "Walang problema." Tumayo ako at kinuha ang towel ko. "Maliligo lang ako." "Sure, may naka-ready na damit doon sa loob." Pumasok ako sa cr at nagsimula maligo. Nang matapos ako nagbihis na ko, paglabas ko ng cr wala na si Deanna kaya pumunta ako sa sala. Nakita ko siya sa balcony, may kausap sa phone. Lumapit ako sa kanya at nag-back hug. "Okay . . . I miss you . . . Bye." "Sino yun?" Tanong ko at pinikit ang aking mata. "Si mommy, excited na daw sila makita tayong dalawa." "Hm . . Namimiss ko na sila mama. Namimiss ko na yung mga bonding namin." "Don't worry bukas makikita muna sila." Hinawakan niya ang kamay ko na nakapulupot sa bewang niya. "Diba bakasyon din ni Mafe? Isama kaya natin siya." "Magandang idea yan, tatawagan ko siya." Bumitaw ako sa kanya at nilabas ang aking phone, tinawagan ko na si Mafe. "Hello Mafe?" "Hi sistah!" "Anong sistah? Puro ka kalokohan." I said to her. "Millennial words yun." "Sira! Nga pala gusto mo sumama samin ni Deanna?" I asked her. "Saan kayo punta?" "Laguna, hanggang friday kami don." "Talaga? Sama ako! Sama ko si Donna." She said in an exciting voice. "Cge, sunduin namin kayo ni Deanna dyan bukas." "Okay, see you tommorow. Labyu!" She ended the call. "Sama daw siya." I said to Deanna. "Good, magandang road trip 'to." Medyo gabi na din kaya nag-decide nalang kami umorder, hindi rin niya ako papayagan magluto kasi kailangan ko nga magpahinga. Pero sa June twenty ata pwede na ko mag training kaya malaya na ulit ako. Maaga kami gumising ni Deanna para maaga namin masundo yung dalawa at maka-byahe. Seven o clock palang pero sobrang traffic na. "Dapat pala mas inagahan natin." Sabi ni Deanna. "Impatient girl." "I know." Eight o clock namin nasundo yung dalawa, kumain muna kami sa restaurant bago bumyahe papuntang laguna. "Gusto mo ako muna magdrive?" I asked her. Kanina pa kasi siya, baka pagod na'to. "Okay lang ako. Maidlip ka muna, yung dalawa tulog na oh." Tumango nalang ako, sinunod ko ang sinabi niya. Nagising nalang ako ng may kumalabit sakin. "Ate tara na." Tumingin ako sa aking gilid, wala na si Deanna. "Nasa loob na siya." Bumaba na ng kotse si Mafe. Sumunod naman ako. Pagpasok ko sa loob naabutan kong kausap ni Papa si Deanna. "Hi ma, pa." "Jema." Niyakap ko si Papa. "Namiss kita anak." "Ako pa? Hindi mo ko namiss?" Singit ni Mafe. "Mafe, Donna magpahinga muna kayo sa taas, baka napagod kayo sa byahe." Sabi ni mama sa dalawa. Tumango naman ang dalawa at umakyat na. "Namiss din kita pa." Naupo ako sa tabi ni Deanna. "Kamusta ka na anak? Hindi ka pa rin ba nagtra-training?" Tanong ni mama. Umiling ako. "Hindi pa po, baka sa June twenty pa ko makapag-training ma, pa." "Mabuti naman nang makapag-pahinga ka." Sabi ni Papa. "Anong pinag-uusapan niyo ni Deanna pa?" Tanong ko. "Tinanong ko lang siya kung anong inaalagaan ka niya. Hindi ka ba sinasaktan ni Deanna anak? Maayos ba kayong dalawa?" "Opo papa. Sa katunayan siya ang nag-aalaga sakin, halos siya na nga rin ang magpakain sakin eh." "Mabuti naman kung ganun anak, hindi kami masyado mag-aalala sayo ng papa mo." Sabi ni mama at nginitian si Deanna. "Sabi mo sakin Deanna may sasabihin ka. Ano yun Deanna?" Nakita kong napalunok si Deanna at napatingin sakin. I smiled at her and held her hand. "Go, nandito lang ako." "Ano yun Deanna?" Tanong ulit ni papa, this time seryoso na ang tinig ng boses nito. "Uhm . . Sr——este tito may sasabihin po kasi ako sa inyo tungkol sa amin ni Jema." Napapikit muna si Deanna bago pinagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Alam ko po masyado pang maaga dito pero kasi po hindi ko na kaya mawala sa akin ang inyong anak, siguradong-sigurado na po kasi ako sa kanya." "Anong ibig mo sabihin anak?" Tanong ni mama kay Deanna. Anak ang tawag niya din kay Deanna dahil parang anak niya na din daw si Deanna. "Engaged na po kami." Napapikit si Deanna. Napatingin ako kay Papa na unti-unting gumuhit sa kanyang labi ang ngiti. Si mama ay naiiyak kaya nilapitan ko ito at niyakap. "Hindi ka ba masaya, ma?" "Masayang-masaya ako anak." "Congrats." Sabi ni Papa at tinapik ang balikat ni Deanna. "Alagaan mo ang princess ko ah, ayoko sa lahat nakikita na umiiyak yan." "Hindi po kayo galit?" Tanong ni Deanna. Umiling si Papa at mama. "Masaya kami para sa inyo. Hindi kami magagalit dahil nakikita ko palang sa mata mo na mahal na mahal mo talaga ang aming anak." "Salamat po tita and tito." "Walang anuman, basta yung promise ah?" "Yes tito." Sagot ni Deanna. "ENGAGED NA KAYO?! CONGRATS ATE!!" Sigaw ni Mafe at nagmadaling bumaba para yakapin ako. "WHAA! ATE DEANNA INGATAN MO YUNG SISTER KO." niyakap niya din si Deanna. "Oo naman noh." Sabi ni Deanna at niyakap pabalik ang kapatid ko. "Dahil dyan, MAG CELEBRATE TAYO!" Sigaw ni mama. Nagluto si mama ng paborito namin na pagkain, syempre hinintay muna namin si ate Jovi bago kami nagsimula kumain. Binalita namin kay ate Jovs na engaged na kami ni Deanna at napaiyak pa ito. Hay na ko! Napaka-OA talaga. "Bb." Yumakap ako sa braso ni Deanna. "Puntahan natin si ate Justin love." Sabi ko kay Deanna. "Cge. Ngayon na?" Tumango ako. "Yayain natin sila." Tinawag ko sila Mafe sa itaas, niyaya ko sila puntahan si ate Justin. Sumama naman silang tatlo, naiwan sila mama at papa sa bahay. "Hi ate Justin." Nilapag ko ang bulaklak. "Kamusta ka na dyan? Pasensya na ngayon lang ako nakadalaw, sobrang busy eh." "Weh? Hindi nga?" Binatukan ko si Mafe. "Aray." "Mabuti yan sayo boo." Sabi ni Donna at inakbayan si Mafe. Ilang minuto kami nag-stay sa puntod ni ate Justin bago nag-decide na umuwi na sa bahay. Second day namin dito sa laguna, niyaya ko si Deanna pumunta sa bahay nila tita Chadeng. "Hi tita." Humalik ako sa pisngi nito. "Ta girlfriend ko, si Deanna." "Hello Deanna. Call me tita Chadeng." "Opo tita Chadeng." Sagot ni Deanna. Sunod naman na pinakilala ko kay Deanna ay si Red at Blue. "Tita nasan si Ysa?" "Sinong Ysa love?" Tanong ni Deanna. "Ysa, pinsan ko yun. Setter yun at idol na idol ka, tagal niya ng gusto makita ka." "Nasa court, naglalaro." "Ta puntahan lang namin siya ni Deanna." Hinila ko na si Deanna. Nang makarating kami sa court, naabutan namin si Ysa na nagpra-practice sa pag-set. Siya lang ang mag-isa sa court. Tanghali na tanghali siya lang ang mag-isa dito. "Ysa!" Napalingon ito samin. "Ate Je——" Napatakip ito sa kanyang bibig nang makita si Deanna. "DEANNA WONG?!" "Yes, I am." Ngumiti si Deanna. "OMG!!" Niyakap agad ito ni Ysa. Natawa nalang ako, cute ng reaction ni Ysa. "Idol na idol po kita." "I know, sinabi sakin ng ate Jema mo. Balita ko magaling ka daw, laro tayo." Deanna said to her. Mas lalong lumapad ang ngiti nito. Ang cute nilang tingnan, mukhang anak ni Deanna si Ysa. Hay! Naiimagine ko tuloy yung mukha ng magiging anak namin ni Deanna. **************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD