CHAPTER 8

1218 Words
CHAPTER 8 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Hindi ako mapakali ngayong gabi habang nakahiga ako sa kama na katabi si Jutay. Sa ilang araw na nandito ako sa kanila, masyado ng gumugulo ang isip ko. Parang may kung anong tumutulak sa akin para tuklasan kung ano talaga ang meron sa kanilang pamilya. Napabangon ako ng wala sa oras dahil gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin.Tiningnan ko muna si Jutay habang natutulog ng mahimbing bago ako lumabas ng kwarto. Dahan-dahan kong hinihakbang ang aking mga paa patungo sana sa hardin. Pero bigla akong napatigil nang marinig ko ang boses ng mom ng lalaki habang may kausap sa phone. Kaya ang ginawa ko, sumanday ako sa isang dingding para hindi niya ako makita. "Naimbestigahan mo na ba?", tanong nito sa kausap n'ya sa telepono. Hindi ko maintindihan sa una ang pinag-uusapan nila. Pero habang tumatagal, may kutob ako na kilala ko kung sino ang pinaiimbestigahan nila. "Anong ibig mong sabihin? Hindi buntis si Airah?", Dahil sa binitawang kataga, parang nanigas ako sa aking kinatatayuan. So ako nga?! Ako nga ang pinag-uusapan nila!Ibig sabihin alam na nito ang tungkol sa pagsisinungaling ko? Potah! Lagot ako! Katapusan na ba ng buhay ko bukas? Nakaramdam ako ng takot kaya medyo nanginginig ang aking katawan. Nagmadali akong bumalik sa kwarto habang hawak ko ang aking dibdib dahil sa hingal. "Jutay. Jutay. Gising.", pag-aalog ko sa lalaking natutulog sa kama. "f**k. Ano bang problema mo?", inis nitong tanong habang kinukusot ang kaliwang mata. "T-tulungan mo ako, please. Kailangan ko ng umalis ng mansion nyo. Alam na nila. Alam na ng mom mo ang pagsisinungaling ko.", natatakot sagot ko. "Tsk.", 'Yan na lamang ang tanging lumabas sa bibig niya. "Jutay naman oh. Kailangan talaga kita ngayon. Nangako ka sa akin na tutulungan mo ako diba?", "s**t. Istorbo ka sa tulog ko. Fuck.", malutong na mura nito at biglang tumayo. "Kunin mo 'yong jacket ko at isuot mo na. Bilis!", utos niya sa akin habang tinuturo kung nasan 'yung jacket. Agad ko naman itong kinuha at walang paligoy-ligoy na sinuot.Handa na sana kaming lumabas kaso pagbukas palang ni Jutay ng pinto, nando'n ang mom nito habang nakatayo at nakataas ang kilay. "At san kayo pupunta?", bungad na tanong nito sa amin. "Hindi maganda ang pakiramdam ni Airah mom. Kaya dadalhin ko siya sa hospital.", sagot naman ni Jutay. "No. Hindi kayo aalis. Kung masama ang pakiramdam niya, then I will call some doctor na pumunta rito nang sa ganon malaman ko ang totoo.", "W-what are you talking about mom?", kunware walang alam na tanong ni Jutay rito. "Alam mo kung ano ang pinagsasabi ko, son. Kaya wag ka ng magka-ila pa. And you Airah, gusto kong sabihin mo sa akin ngayon ang totoo. Buntis ka ba talaga o hindi?! Sagot!" sigaw na tanong ng Ginang sa akin. Napalunok ako ng laway dahil sa takot na umaapaw sa akin ngayon. "Pasensya na ho. P-pero hindi po talaga ako buntis. Ang totoo nyan, matagal ko ng gustong umamin sainyo kaso natatakot talaga ako." wika ko rito habang mangiyak-ngiyak ang aking mata. "So pinagloloko mo lang kami?", giit na bigkas niya. "H-hindi ko po talaga intensyon na--", I was about to explain pero biglang sumingit ang binata. "Sinabi ko na 'yon sayo mom simula palang. Pero hindi ka sa akin naniwala!", wika ni Jutay. "Dahil ang akala ko, nagsasabi siya ng totoo! Pero teka nga, bakit mo siya kinakampihan ngayon?", "Dahil ayokong may gawin ka sa kanyang masama. Sinabi mo palang, na kapag nalaman mong nagsisinungaling siya, you will kill her, remember?" "--So now, hayaan mo na s'yang lumabas ng mansion. Tapos ang usapan.", wika nito na tila ba hindi natatakot. Kaso ganon na lamang ang gulat ko nang malakas itong tumawa. "At sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na lumabas siya basta-basta without punishment? My Ghad Son! Kilala mo ako at alam mong hindi ko gawain 'yon.", pahayag ng Ginang. "f**k mom. Just let go of her. Total, nalaman mo ng hindi siya buntis kaya pakawalan mo na s'ya. At wala ng kasal na magaganap pa.", turan ng lalaki. "Yes son. Icacancel ko ang kasal niyo. Pero 'yong pakawalan sya? I don't think so.", wika ng mom sa kanyang anak. "Bukas na bukas, mag-usap tayo Airah.", sambit nito bago tumalikod. "Bantayan nyo ang babaeng 'yan ng maigi!", sigaw na bilin niya sa mga guards. Potah! Mababaliw na ako rito! Paulit-ulit akong nagdarasal ngayon. Hindi na rin ako makatulog dahil iniisip ko na agad ang pwedeng mangyari sa akin bukas. "Diyos ko. Tulungan niyo naman ako. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong pangarap sa buhay. Please, parang awa niyo na ho.", paki-usap na dasal ko. "Tsk. Kung ayaw mong matulog. Magpatulog ka naman.", inis na sambit ng binata sa akin. "Paano ako makakatulog? Kung alam kong mamatay na ako bukas!" sigaw na tugon ko naman sa kanya. Pero ganon na lamang ang gulat ko nang umupo siya kasabay ng paglapit nito ng mukha sa akin. "Sa tingin mo ba, hahayaan kitang mamatay?", wika ni Jutay na ikinatigil ko naman. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ibig sabihin ba nito, handa s'yang tulungan ako? Ibig sabihin ba nito, concern s'ya sa kalagayan ko? Bahagya na sana akong ngingiti kaso bigla itong tumawa ng malakas. "Syempre, oo. Kasalanan mo 'yan. Kaya kung mamatay ka man, wala na akong magagawa.", natatawang sabi nito. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o hindi! Bwisit! "Tseehhh! Potah ka!", malutong na mura ko sa kanya at inis akong humiga sa kama. Bahala na, kung anong mangyari sa akin bukas. Mabilis na lumipas ang oras kaya sa madaling salita, panibagong araw na naman. Ang huling araw ko rito sa mundo. Ayoko pa sanang bumangon kaso no choice ako nang makita ko ang limang guards na nakatayo sa harapan ng kama namin ni Jutay. "Tumayo ka na at kanina pa naghihintay sayo si Madam.", sambit ng isang lalaki sa akin. Tiningnan ko naman sa side si Jutay, at ano pa nga ba ang inaasahan ko? Tulog ang gago! "Bilisan mo na.", sambit ng malaking guard. Awtomatikong tumayo ako at sumama na sa kanila. Talagang binabantayan nila ako ng maigi para hindi ako makatakas. Pumasok na ako sa tinutukoy nilang kwarto. At do'n nakita ko ang nakatayong mom ni Jutay habang nag-iinom yata ng tsaa. "Sit down Airah.", kalmadong saad ng Ginang.Umupo naman ako at tiningnan siya. "Ano bang gusto mong pag-usapan natin? Kung papatayin mo ako ngayon, gawin mo na." matapang na sambit ko kahit ang totoo, natatakot na talaga ako. Ilang segundo bago siya sumagot. "Nagbago na ang isip ko.", Parang nabuhayan ang dugo ko dahil sa tinugon nito sa akin. "Hindi na kita papatayin. Pero gusto ko na maging katulong ka ng anak ko." patuloy n'yang sabi. "Talaga po? Naku salamat. Wag po kayong mag-alala, kahit habang buhay na akong maging katulong ng anak niyo, tatanggapin ko po." masayang wika ko habang hinahawakan ko ang kamay ng babae. "H'wag ka agad magpasalamat dahil hindi ka lang basta katulong ng anak ko.", "H-ho? Ano pong ibig n'yong sabihin?" takang tanong ko. "I will be straight to the point Airah, gusto kong kunin mo ang loob ng anak ko.", "--In short, gusto kong mabaling sayo ang pagmamahal ng anak ko.", muling saad niya. Sa binitawan nitong kataga mukhang mahihirapan akong gawin 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD