Chapter 92 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Pumayag na si Jake na maging escort ko sa araw ng Party.Mabuti na lang talaga at maaasahan ko ang lalaking to. Kanina pala, kausap ko yung beking mag-aayos sa akin. Sya yung tinutukoy ng mom ni Gino na i-contact ko. And guess what? Isa sya sa mga pinakasikat na make-up artist, isama mo pa na magaganda ang mga gawa nitong dress at gown. "Mga 8 a.m daw tayo pupunta bukas." sambit ko sa binatang kasama ko. Patuloy ako sa pag-nguya ng pagkain habang sya ay nakasanday sa may dingding. Matapos ko kasing makipag-usap ay tinungo ko ang kusina at kumusit ng chicharon na binili ni Jake kahapon. "Kung ganon, dito na ulit ako matutulog mamayang gabi. Kung okay lang sayo Airah." saad nito. "Of course Jake. Welcome ka na dito sa bahay ko. Kung gusto mo,

