Chapter 94 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Halos hindi makapaniwala at tila nagulat ang lahat dahil sa ginawa kong pasabog. Hindi ko na rin hinayaan pang mag-enjoy si Sarah sa Party. Gusto kong maramdaman nya agad ang sakit na naranasan ko. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at mabilis kong linabas ang baho nya. Ayoko kasing maging masaya sya ng kahit ilang minuto sa gabing ito. At ngayon na papunta na sya ng kulungan, sisiguraduhin kong magdudusa sya. Matapos ang kaganapan na yon ay tinapunan ko ng tingin si Gino. Tingin na hindi nya magugustuhan. Pero ilang segundo palang ay bigla itong umiwas at tila ba nakaramdam ng hiya. Sabagay dapat lang syang mahiya! Masyado syang nagpaniwala sa babaeng akala nya malinis ang pagkatao. Nakatingin pa rin ako sa lalaking kaharap ko kahit na

