Chapter 51 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa sinabi ni Jutay sa akin. Para kasing imposible naman na gagawin nyang hiwalayan si Sarah mamaya. Medyo naiilang tuloy ako sa mga oras na to dahil naka-akbay sa akin ngayon si Jutay at paminsan-minsan ay tinititigan nya ako. Kanina ko pa gustong alisin yung kamay nito sa aking balikat pero masyado syang malakas at talagang nakadiin pa ang kanyang braso sa akin. Rinig ko na rin ngayon ang mga chismisan at bulungan ng iba kong kaklase. Nang tapunan ko ng tingin si Jake ay nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha, maya-maya ay binaling nya na lamang ang kanyang tingin sa unahan. Sa pangalawang pagkakataon, nasaktan ko na naman ang taong nagmamahal sa akin ng totoo. "f**k! Stop staring at him!" mariing bigkas

