Chapter 46 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Hindi ako makagalaw-galaw ng maayos dahil sa nakapulopot ang braso ni Jutay sa akin. Yakap-yakap nya ako ngayon habang mahimbing syang natutulog. Panibagong araw na pala at yung nangyari kagabing pagtatampo ko ay naalis na. Wala eh, hindi ko kasi sya matiis kaya kahit anong pagpapakipot ang gusto kong gawin ay hindi ko na nakayanan pa dahil masyado nya akong linambing kagabi para lang magka-ayos kami. Marahan kong inalis ang braso nya sa akin para makatayo na ako. Pero sa di inaasahan ay kinabig nya ako dahilan para makapatong ako sa kanya kasabay ng pagyakap nyang muli ng mahigpit sa aking bewang. "Jutay, maghihilamos na ako." sambit ko rito, ramdam ko ang mainit nyang hininga sa aking leeg hudyat para uminit ang aking katawan. "Mamaya na Air

