Chapter 12 "HE'S MY BOSS" Airah POV: "Airah! Sandali!" hingal na tawag sa akin ng isang lalaki habang ako'y naglalakad. Paglingon ko, nakita ko si Jake na tumatakbo palapit sa gawi ko. Narito na ako ngayon sa loob ng campus. Medyo malayo pa ang classroom namin kaya kailangan ko ring maglakad ng ilang minuto patungo ro'n. "Oh? Napa'no ka?", tanong ko sa kanya nang makalapit siya. "Wala. Long time no see ha? Balita ko nagkasakit ka raw, sabi ng mga kaibigan mo.", wika nito sa akin. Siya si Jake, classmate ko at kaclose ko na rin kahit papa'no. Kung gwapo lang ang pag-uusapan, may ibubuga ang binata. Mabait din siya at matalino kaya medyo gumagaan rin ang loob ko kapag kausap s'ya. "Yah, nagkasakit nga ako. Siguro ang dami kong namissed na lesson." malungkot na sambit ko naman. An

