Jason POV...
Maaga pa lang ay naghahanda na sa pagpasok sa opisina si Jason. May malaking client siyang kakausapin ngayon.
"Masyado ka yatang maaga ngayon,iho?", wika ng mama niya na hindi niya namalayang nasa kusina na pala. "Agnes, kape lang din muna sakin", baling nito sa katulong na kasalukuyang nagsasalin ng kape mula sa coffeemaker.
"Ma, good morning! And yes, ngayon iyong meeting ko with Mr. Eugenio. How about you? Any plan for today?", baling niya sa ina. Sa edad na sixty-five ay bata pa ring tingnan si Mrs. Elisa Santillan. Dahil marahil sa aktibo ang ina sa mga kawanggawa kasama ang mga amiga nito at ganundin sa araw araw na ehersisyo,samahan pa ng pagiging health conscious kaya marahil napapanatili nito ang bata at malusog na katawan.
" Oh, good morning too.! And yes, meron din akong lakad. Magkikita kami ng direktor ng isang foundation sa Makati area para pag usapan iyong proposal kong expansion ng isang orphanage na pag aari nila.", walang anumang sagot ni Donya Elisa. Pagdating sa pagtulong ay ipinagmamalaki niya ang ina sa pagiging bukas-palad nito.
"And after our meeting ay ako na ang magsusundo kay Josh mula sa prep school nila at nang maipasyal ko din ang bata", dugtong pa ng matandang babae.
"Thanks,Ma. Kahit kailan ay hindi mo pinababayaan si Josh. Baka gabi na akong makauwi mamaya, kaya hindi ko rin magagawa na ako ang magpasyal sa kanya. ", paliwanag ni Jason sa ina. Sa dami ng nakatambak na gagawin sa opisina ay baka talaga abutin siya ng dilim bago siya makauwi ng bahay. At malamang sa oras na iyon ay tulog na ang anak pagdating niya.
" Apo ko ang pinag uusapan natin dito, iho. Kahit kailan ay hindi ako maaaring mawalan ng panahon sa kanya. ", nakangiting dugtong ni Donya Elisa. Isa pa'y ang bibo at madaldal na apo ang nagbibigay saya sa kanya kahit pagod na rin siyang umuuwi mula sa kung saang lakad.
Tatango-tangong ngumiti na lang si Jason sa ina. "Di bale at babawi na lang ulit ako sa kanya sa weekend. We're going out of town, pero huwag niyo munang ipaalam kay Josh and we'll surprise him", masayang turan ni Jason. Kung pwede lang sanang araw araw ay makasama niya nang mahabang oras ang anak ay gagawin niya. Kaya lang ay kailangan niyang magtrabaho at asikasuhin ang negosyo nila.
"Okay then. Wala rin naman akong schedule nun", sang ayon nito sa anak. "Sasama ba si Michelle?", pahabol niyang wika na sumulyap sa gawi ng anak na kasalukuyang umiinom ng kape.
"I don't know. 'haven't ask her yet. Pero wala namang kaso kung wala siya. Tuloy pa rin tayo.", walang gatol na sagot ni Jason. Total kahit naman kasama nila ang asawa ay wala ring pinagkaiba yun. Mula pa man noon ay hindi sila ang priority nito. Mas mahalaga dito ang sarili.
"Sabagay, kailan ba naman nagkainteres sa lakad niyong pamilya yang asawa mo.! Samantalang kung party at sosyalan ay laging naroon at di maaaring mawala.", iiling-iling na saad nito. Minsan ay naaawa na rin ito sa anak at apo. Mabait at responsableng tao si Jason subalit ang asawa nitong si Michelle ay walang alam sa buhay kundi ang magsayang ng salapi.
Ang akala niya noon nang ipakilala sa kanya ng anak si Michelle ay magiging maayos at masaya ang lahat. Isang taon ding mahigit na naging magkasintahan ang dalawa bago sa kanya nagsabi si Jason na pakakasalan nito ang babae. Wala rin namang pagtutol sa kanya noon, bagkus ay natutuwa pa siya. Dahil nga nag iisang anak niya lang si Jason ay inisip niyang para na rin siyang nagkaanak ng babae sa pagdating ni Michelle sa kanilang pamilya. Matagal na panahon na rin namang sila na lamang ni Jason ang magkasama dahil labing-apat na taon pa lamang ito noon nang mamatay sa plane crash si Don Miguel Santillan, ang kanyang yumaong asawa at ama ni Jason.
Pagkatapos ng kasal ay saksi siya sa naging pagsasama ng anak at ng manugang. Maalaga si Jason kay Michelle kahit na nga ba napapansin niya ang tila walang ganang pakikitungo nito sa asawa at maging sa kanya man. Naglalambing lamang ito kay Jason tuwing mayroong pabor na gustong hingin kagaya ng may kung anu-ano itong gustong ipabili o kaya naman ay nais nitong lumabas ng bansa. Bagama't ipinagtataka niya ang madalas nitong pag alis nang mag isa ay ipinagsawalang kibo na lamang niya iyon. Aniya ay nasa pag uusap na lamang iyon ng mag asawa at ayaw niya rin namang manghimasok doon.
Ngunit mas lumala ang naging sitwasyon ng pagkalipas ng anim na buwan ay magbuntis si Michelle. Laging mainit ang ulo nito at naging sobrang bugnutin. Naapektuhan nito ang pagsasama ng mag asawa dahil napapadalas ang pagtatalo ng mga ito gawa ng gustong ipalaglag ni Michelle ang bata. Ayon dito ay hindi pa ito handang maging ina at sagabal lamang ang anak sa lahat ng gusto pa nitong gawin. Ikinagagalit din nito ang pagbubuntis at sinisisi si Jason dahil sa nangyari.
Bagay na hindi rin naman maintindihan ng lalaki. Ayon dito ay kapwa naman sila hindi pa handang maging magulang ngunit hindi solusyon doon ang ipalaglag ang bata. Anito ay magkasama at magtutulungan sila upang palakihin ito. Subalit anumang paliwanag ay hindi makuhang mapahinuhod ni Jason si Michelle. Nagpumilit itong ipatanggal ang ipinagbubuntis pero hindi naituloy ang gustong gawin nang pagbantaan ito ng asawa na hihiwalayan at walang kahit kaunti na sentimo itong makukuha. Walang ibang pagpipilian si Michelle kundi ituloy ang pagbubuntis. Pinilit nitong palipasin ang siyam na buwang pagbubuntis sa kondisyong sa Amerika ito mananatili hanggang makapanganak. Wala namang nagawa si Jason kundi pahintulutan ang gusto nito. Pinapunta nito si Michelle sa Amerika pero kailangang kasama nito si Donya Elisa.
Pagkatapos manganak ni Michelle kay Josh ay nauna nang umuwi nang Pilipinas sina Donya Elisa kasama ang bata. Naiwan pa sa Amerika si Michelle to undergo into different types of sessions and surgeries para hindi makita ang bakas ng pagbubuntis at panganganak nito. Noon napatunayan ni Donya Elisa at ni Jason na isa pa sa mga dahilan kung bakit ayaw ni Michelle magbuntis ay upang hindi masira ang perfect figure nito.
Pagdating naman ng bansa ni Michelle ay nakita ng donya ang uri ng pakikitungo nito sa kanila ni Jason at maging sa anak nito. Kailan man ay hindi nito kinukuha man lang o kinakarga si Josh. Sa tuwing umiiyak ang bata ay nagagalit ito at agad na tinatawag ang yaya upang ilayo nito mula sa kanya ang anak.
"Sanay na ako sa sitwasyon namin,Ma. Kaya nga nagpapasalamat ako na nandito kayo, at least kahit nasa opisina ako maghapon ay alam kong may tumitingin at hindi mapapabayaan si Josh.", maagap na wika ni Jason. Ang totoo niyan ay hindi niya alam ang gagawin sa anak kung wala ang mama niya.
"Hah,! Until now hindi ko pa rin maunawaan kung bakit may mga inang katulad ni Michelle.", padabog na wika ng donya na sinabayan ng tayo upang dalhin sa lababo ang tasang pinagkapehan nito. "She doesn't deserve to have a son like Josh. He is a sweet little kiddo to have a monster mother like her!", litanya pa nito at tinalikuran na si Jason upang bumalik sa kwarto. Naiwang iiling iling na lang ang lalaki.
He can't blame his mom for feeling bad and saying unwanted things against his wife. Siya man ay nakakaramdam na rin ng pagkasawa at disgusto sa kanyang buhay may asawa. Mistulang ibang tao na sila ni Josh kung ituring ni Michelle. And yet he can't decide till now if he's going to get rid of her or not. Kung ang sariling isip at damdamin niya ang tatanungin ay mas pipiliin niya nang hiwalayan ang asawa. Pero iniisip niyang bata pa si Josh masyado at kawawa naman kung lalaking hindi buo ang pamilya. His son is only four,turning to five years old. At kahit lagi itong sinisinghalan at sinusungitan ng ina ay hinahanap pa rin naman nito si Michelle minsan.
Palabas na siya nang bahay nang malingunan niya si Michelle na pababa ng hagdan. Bagong gising lang ito at kasalukuyang itinatali ang ribbon sash ng silk robe nito. Bahagyang tinapunan lang siya nito ng tingin at nagtuluy-tuloy na sa paglakad pababa.
"Agnes,....Agnes..., ipaghanda mo ako ng almusal. Bilisan mo at may pupuntahan ako", narinig niyang utos nito sa katulong. Iiling iling na sinundan ng tingin ni Jason ang papalayong asawa.
Looking at her wife, he can't deny that until now, Michelle's irresistible beauty never fades. At the age of 29,ay makinis pa rin ang maputing kutis nito. Mistulang dalaga kung titingnan ang makurba nitong katawan. Sabagay, pano nga bang hindi ito gaganda ng ganoon, eh iyon lang naman ang pinagkakaabalahan nito sa araw araw. Kung may mga appointment man itong tinatawag ay iyon yung mga schedule nito sa derma clinic and parlor visits nito.
"Opo, Mam. Ihahanda ko na po", mabilis na sagot naman ni Agnes na umabot pa sa pandinig ni Jason.
Pagdating sa mga utos ni Michelle ay agad agad na tumatalima ang kanilang mga katulong. Tinalo pa kasi nito si Donya Elisa. Kapag sinabi, dapat sunod agad dahil kung hindi ay siguradong katakot takot na sermon ang aabutin ng kasambahay na inutusan. Sa loob ng mahigit limang taon na rin nilang pagsasama ay kilala na niya ang babae. Wala itong pakundangan kung magsalita lalo sa mga nasasakupan niya.
Maling mali...! Napakalayo ng ugali ng asawa niya sa babaeng nakilala niya noon. Ang akala niya ay isa itong mabait at mabuting babae. Nagkamali lang pala siya.
Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at nagsimula nang magmaneho. Kailangan ay hindi siya abutan ng traffic at baka ma late siya.