Tanya’s POV Pagbukas pa lang ng pintuan ng mansiyon namin, ramdam ko na agad ang bigat ng buong araw ko sa school. Ugh! Ibinagsak ko ang bag ko sa sofa sa hallway at dumiretso sa living room. Walang gana akong napaupo ako sa couch, feel ko ay naubos ang buong energy ko tuloy dahil sa mga ganap sa school kanina. Diyos ko, ang sakit na ng paa ko sa kakalakad! Ang dami ko pang assignments. Sobrang daming pinagagawa ng mga prof, nakakawala ng glamor! Pero mabuti na lang at easy lang ang lahat sa akin, ganoon talaga kapag brainy. Sadyang pagod lang ako kaya parang tinatamad akong gumalaw. “Miss Tanya, welcome back!” Bati ni Manang, ang aming super reliable na housekeeper. “Hi, Manang! Kamusta dito? Any chika?” tanong ko habang kinukuha ko ang phone ko para i-check kung may notifications.

