DAY 1#
"HELLO MAYNILA!" Masigla kong bati sa lugar ng makababa ako sa sinasakyan kong bus.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. Napakagandan nga ng lugar na ito kung ikukumpara sa lugar namin. Puno ng matatayog na gusali at naglalakihang mga bahay. Hindi na din magkamayaw ang mga magagarang sasakyan sa kalsada dahil sa dami at halos hindi na umusad dahil sa traffic.
May tumigil na sasakyan sa harapan ko na may nakasulat na Taxi sa ibabaw non. Ibinaba nito ang tinted na bintawa saka dumungaw sakin ang driver
"Sasakay kaba Miss?" Nakangiting tanong ni Manong Driver.
"Magkano po ang bayad mula dito hanggang sa Easthern University?" Tanong ko din dito kaya napa isip sya bago sumagot.
"Magkano ba ang alam mo iha? Mukhang bago ka dito ah?" Tanong din nito kaya napa kapa ako sa bulsa ko at tinignan ang natirang pera ko na bigay ni Kapitan maliban sa pocket money na ibinigay ni Mama na inutang pa sa bumbay.
"400 nalang ho kase ang natira sa pera ko Manong hindi pa din po ako kumakain" Kamot ulong sabi ko na kina ngiwi nya nung una pero napangiti din dahil sa inasta ko.
"Sige na iha sumakay kana at hati nalang tayo sa pera mo, kahit pang gas ko nalang iyan pwede na" Nakangiting sabi nito kaya napangiti na din ako at masayang ipinasok ang isang maleta ko at isang hand carry bag maliban sa nakasukbit kopang backpack sa likod ko.
Halos isang oras din ang naging byahe namin dahil sa traffic. Buti nalang at may alam na ibang daan si Manong kung hindi ay baka matagalan talaga kami sa byahe at abutin kami ng gabi.
Alas singko na ng hapon ng makarating kami sa Easthern University. Nagpasalamat at nagpaalam muna ako kay Manong bago ko tinungo ang Guards house sa may tabi ng Gate para magtanong.
"Good afternoon po" Bati ko sa guard na naka duty kaya napabaling siya sakin ng tingin.
"Good afternoon din Miss. Anong aten?" Anito sa may puntong ibang lenggwahe pero dito din sa pinas.
"Itatanong ko lang po kung Saan ko pwedeng makita si Mr.Sanchez" Tipid na ngiti kong tanong.
"Pwede ko bang malaman kung ano ang pangalan mo?" Magalang na tanong nito na agad kong tinanguan.
"Ako po si Sabrina Montes---"
"Ah ikaw yung nakakuha sa scholarship? Ala ey kanina kapa tinatanong ni Mr.Sanchez saamin" Putol nito sa sasabihin ko at mabilis na pinagbuksan ng gate at iminuestra ang daan papasok sa unibersidad.
Napa nga nga ako ng tuluyan kaming makapasok sa pristihiyosong paaralan at masilayan kung gaano ito kalawak at kaganda. Nag susumugaw ang karangyahan ng paaralan dahil sa matatayog na building nito na hindi bababa sa bilang na walo hanggang sampo.
Naagaw ang pansin ko ng dalawang malaking building na may kulay Blue at Pink at doon kami patungo ngayon. Nasa may gilid ito ng unibersidad at magkaharap ang dalawang magkapantay sa taas na building.
"Ito ang mga Student dorms" Pagkuwan ay sabi ni Manong Guard ng makita ang pagkunot ng noo ko sa dalawang building na magkaharap.
So ito pala ang mga dorm ng mga estudyante dito. Napaka ganda
"Ito ang para sa inyong mga babae at ito naman ang para sa mga lalake" Patuloy nitong sabi at naunang itinuro niya ang kulay pink at huli ang blue.
"Sa isang Dorm ay dalawa lang kayong magkasama kaya may makakasama ka sa kwarto mo" Patuloy nitong kwento na kinatango tango ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nilagpasan namin ang magkaharap na building at tumambad naman sakin at parang subdivision na mga bahay. Up and down naman ang style ng mga iyon na parang apartment style ngunit malalaki.
"Ito naman ang Dorm ng mga Profesor" Sabi uli ni Manong guard at pumasok kami sa garahe ng naunang dorm saka ito kumatok doon.
Nang bumukas ang pintuan ay iniluwa non ang isang napaka gandang babae na kung titignan ay kaedadaran ko lang. Nginitian nya muna ako bago balingan si Manong Guard.
"O Kuya toper. Anong atin?" Nakangiting tanong nito kay Manong guard.
"Nandyan ba si Mr.Sanchez? Nandito na kase yung hinihintay nyang estudyante" Magalang na sabi ni Manong guard saka ito sumisilip sa loob ng bahay.
"Oo nandun sa Office nya, Pasok nalang kayo. Mauuna na ako" Sagot nito saka ngumiti muli saakin bago tuluyang umalis.
Sinenyasan ako ni Manong Guard na sumunod sakanya na agad ko namang ginawa. Umakyat kami sa ikalawang palapag at kumatok ito sa pangalawang pintuan na nandito sa ikalawang palapag.
"Come in" Dinig ko anas ng isang boritong boses kaya napa lunok ako bago buksan ni Manong ang pinto saka ito sumilip muna sa loob.
"Mr.Sanchez nandito na po si Ms.Montes" Dinig kong sabi ni Manong pero hindi ko narinig ang sinagot ng kausap. humarap na si Manong sakin saka ako pinapapasok sa loob.
"Maraming salamat po" Pasasalamat ko dito na kina tango nya at nginitian lang ako bago ako pumasok sa loob.
Kinabahan ako ng makapasok sa loob. Bukod kase sa tahimik ay napakadilim pa ng kwarto at tanging ilaw lang mula sa bukas na loptop ang maaninag ko.
"You can seat Ms.Montes" Anang boritong boses na katulad ng narinig ko kanina kaya kahit madilim ay nangapa ako ng pwedeng maupuan ngunit agad ding napatayo ng mapagtanto na tao ang naupuan ko.
"S-sorry po" Paumanhin ko at minabuti nalang na tumayo sa gilid nito.
Dinig ko ang mahinang pagtawa nito bago may nagbukas ng ilaw kaya medyo nasilaw pa ako ng una pero agad namang nakahuma kaya iginala ko ang paningin sa kabuohan ng kwarto at may nakita akong lalaking nakatayo sa may bandang pinto habang nakapamulsang nakatingin sakin.
"You can seat now" anito at iminuestra ang single sofa na may ngisi sa labi.
Hindi ko na pinansin yon at naupo nalang sa itinuro nito. Kinuha nya ang loptop sa mesa nito saka ito umupo sa katapat kong single sofa saka nagtitipa ng kung anu ano sa loptop nito.
"So..." Panimula nito " You want to be a Doctor huh?" Patuloy nito ng hindi inaalis ang tingin sa loptop. Animo'y information ko ang binabasa doon bago ako binalingan ng tingin.
"Top 1 out of 3,446 Examinice! Wow!" Napapalakpak ito dahil sa pagkamangha kaya namula ang mukha ko dahil sa papuri nito.
Tumayo ito at may kinuhang isang brown evelope sa mesa nito saka iyon nilapag sa mesang nasa harapan ko bago ito muling umupo sa harapan ko.
"Alam mo bang 7 years ago na mula ng may makapasa at nakamuha sa full scholarship na pinamimigay ng EU taon taon" anito at seryoso itong tumingin sakin.
Nagulat naman ako sa sinabi nito. Seriouly? 7 years ago?
"Yes! you heard me right Ms.Montes" Anito na animo'y nabasa ang nasa isip ko.
"G-ganon po ba?" Walang kwentang sagot ko kaya napangiwi ito na kina kamot ko naman ng ulo.
"Yes! So Congratulation Ms.Montes" Tipid na ngiti nito na kina tango ko agad.
"Thank you po" Nahihiyang sabi ko sabay tungo. Ang lagkit kase nya kung makatingin.
"Here's you Dorm key and flooroom number. And this is your schedule for you class." Anito sabay abot ng susi ng dorm at dalawang papel na naglalaman ng schedule at floor and room number kaya kinuha ko iyon saka tumungo muli.
"Eto naman ang Card mo para sa mga expenses na kakailanganin mo sa canteen at kung anu ano pang mga personal things mo na kasama sa scholarship na nakuha mo" Anito sabay abot sa gold card na may nakaukit na ng pangalan ko doon.
"Salamat po" Tipid na ngiting pasasalamat ko.
"And thats all. You can go now to your room and have a rest." Sabi nito sabay tingin sa wirst watch nito kaya napa gaya ako.
Alas syete na ng gabi. Ganon ba kalayo ang nilakad ko papunta dito at ganun ba katagal ang naging usapa namin para umabot kami ng dalawang oras?
"Thank you very much Mr.Sanchez. Aalis na po ako" Paalam ko dito na malapad nyang nginitian at pinaka titigan pa ng minsan bago ito nagkapa busy sa loptop nito kaya lumabas na ako ng office nito at mabilis na lumabas sa bahay nayon hila ang maleta at mga bag ko.
Tinungo ko agad ang girls dorm at sumakay ng elevator. Madami pang napatingin sakin ng pumasok ako sa hallway bago tuluyang nakapasok sa elevator. Nasa 4th floor ang room at at 609 ang room number ko.
Natagalan ako sa paghanap ng room number ko dahil sa sobrang dami ng pinto na makikita, Nasa may pinaka dulo pa ang room ko kaya talagang natagalan ako.
Kumatok pa ako ng dalawang beses bago may Lalaking nagbukas ng pinto. Lalaki?
"Yes Miss?" Anito saka ako tinignan mula ulo hanggang paa.
"This a girls dorm Am i right?" Pagtatanong ko na agad nyang tinanguan.
"Yes Miss. And?" Sagot nito
"And you're not allowed here Am i right?" Tanong kong muli na agad nyang tinanguan.
"Yes Miss. And?" Anitong muli na parang hindi talaga makuha ang pinupunto ko.
"So why are you here?" Pagtataray ko na dito kaya napanganga muna siya sandali bago ako sinagot.
"Bumisita lang ako. Actually paalis na nga. Ikaw ba ang bagong dormmate ni Trish?" Paliwanag nito na kina tango tango ko.
"Babe who's that?" Dinig kong sabi ng boses babae saka may lumabas mula sa loob ng kwarto saka yumakap sa kausap kong lalake.
"Oh hi. Ikaw ba si Sabrina?" Anito sa nakangiti kaya nahawaka ako.
"Ah oo. Sabrina Montes" Sagot ko dito na kinalawak nya ng ngiti.
"Halika pasok ka" Yaya nito saka itinulak palabas yung tinawag nyang babe para maka daan ako. Akmang tutulungan nya ako sa pagbuhat ng mga bagahe ko ngunit mabilis ko itong tinanggihan pero sinenyasan nya yung lalake sa likod ko kaya ito na ang tumulong sakin.
"Thank you" Pasasalamat ko sakanila ng makapasok na ako at naka upo sa kamang tinuro nito na magiging kama ko daw.
"Ako nga pala si Trisha Lopez and this is my Boyfriend Brandon Luis" Pakilala ni Trish sakanilang dalawa.
"Nice meeting you too guys" Tipid na ngiting sabi ko na kina ngiti din nila.
"Nice meeting you to Sabrina." Tipid na ngiti ding sabi ni Brandon saka binalingan ang nobya" I'll go ahead baka maabutan ako ng curfew" Anito sa nobya nya na agad naman tinanguan ni trish.
"Okay Babe. Bye" Sabi nito, saka sila naghalikan sa harap ko na kina ngiwi ko kaya bumaling nako sa mga bagahe ko para simulan ng ligpitin yon sa cabinet na para daw sakin.
Hinatid ni Trish ang nobyo sa may pinto kaya binuksan kona ang cabinet para ilagay na doon ang mga gamit at damit ko. May nakita pa akong uniform doon na gaya sa kursong kinuha ko kaya tingin ko ay para saakin talaga iyon na nasa bilang na lima.
"So sa medical field ka pala" Pagkuwan ay sabi ni Trish ng makabalik ito sa kama nya saka ito tumingin sa ginagawa ko.
"Oo. Pangarap ko talagang maging doktor" Tipid na ngiti ang iginawad ko sakanya saka nagpatuloy sa pagliligpit at pag aayos.
"Kumain kana ba? Magluto kana lang dyan kung hindi pa" Anito saka itinuro ang may kaliitang kitchen na nandito sa room namin.
Namangha ako sa pagkakadesenyo ng kwartong ito dahil kumpleto ito na para bang maliit na bahay para sa maliit na pamilya.
May kitchen bar na kase ito. Two door na ref at isang bilog na mesa sa tapat ng kitchen bar. May mga cabinets din sa dingding na lagayan ng mga can goods at mga kung anu ano pa na gamit sa kusina. May harang din sa gitna ang mga kama namin para iyong division pero walang mga pinto kaya kita parin ang isat isa. Lagyan mo nalang ng curtain ay magmumukha ng kwarto. Centralize din ang aircon kaya no need na ang electrifan. Sobrang ganda promise.
Nagpaalam na si Trish na matutulog na dahil maaga daw ang unang subject nya. Tinanguan ko nalang ito bilang sagot kaya nahiga na ito saka na itinabing ang curtain sa pwesto nya kaya hindi mo na kita ang gawi nya.
Pagkatapos kong makapag ligpit ay naghalungkat din ako ng curtain na pwedeng gawin ding tabing sa pwesto ko at inayos na iyon. Pinalitan ko din ang punda at bedsheet dahil hindi ko naman alam kung malinis ba iyon o hindi. Nang matapos sa lahat ng gawain ay tinungo ko na ang kusina saka na naghalungkat ng makakain.
Nakakahiya man dahil hindi naman akin ang mga pagkain na nandito ay ginalaw ko parin, Mula kase kaninang umaga ay wala pang laman ang tiyan ko kaya ramdam na ramdam kona ang pagkahilo dahil sa gutom.
Nagluto lang ako ng dalawang itlog saka nagkayat ng kamatis na lagi ko namang kinakain sa bahay. Magana akong kumain kahit mag isa lang. Diko tuloy maiwasan mamiss si Mama dahil ito ang unang beses na hindi ko ito makasabay sa hapunan.
Pagkatapos kumain at maghugas ng pinaggamitan ay napagpasyahan ko ng magpahinga at matulog na. May klase na din kase ako bukas kaya kailangan kong maghanda.
GOODLUCK TO ME......