CHAPTER-14
Nasa hospital ako ngayon nag ra-rounds dahil hindi na makalabas ng operating room sina Doc Chavez at Doc Lacson.
May car accident kasing nangyari kaninang tanghali at halos napuruhan lahat ng pasahero ng mini bus dahil inararo daw ng isang 10 wheeler truck na nawalan ng preno.
Kaya kahit kaming mga medical students ay naging abala sa pag aasikaso ng mga mild cases lang. Malugod naman namin iyon tinugunan dahil parang practice na din sa mga pinag aaralan namin ang ginagawa namin ngayon.
"Grabe! Naubos din" Napapahingang ayos na sabi ni Sofie. Kaklase ko at isa sa mga kasama ko ngayon na nagla-lunch dito sa pantry ng hospital.
"Uy! Alam nyo ba? Ang hot ni Sebby kanina habang nakasakay sya sa stretcher habang nirerevive nya yung pasyente at tulak tulak nila Zaijan at Erwin papasok sa ER" Mahabang lintaya naman ni Lyka. Isa din sa mga kaklase ko na kasama namin.
Speaking of Sebastian. Naglalakad siya ngayon kasama sina Zaijan, Erwin at Randolf patungo dito sa mesa namin habang may dalang tray na naglalaman ng pagkain.
"Gosh! Papunta sila dito!" Kinikilig na bulong ni Sofie saka biglang nagpa cute ang bruha ng nasa tapat na namin ang apat.
"Can we join you girls?" Tanong ni Zaijan na may pacute effect sa mga kasama ko.
Napa irap nalang ako dahil kilig na kilig naman ang dalawang kasama ko.
"Sure!" Sabay pang sabi ng dalawa kaya naupo na ang mga ito sa harapan naming upuan.
Napasinghap naman ako ng tabihan mismo ako ni Sebastian dahil lumipat ng upuan si Sofie, sa tabi ni Erwin kaya nagkaroon ito ng mauupuan sa tabi ko. Napapagitnaan kase ako ng dalawa.
"Napagod ka ba?" Pagkuwan ay bulong na tanong ni Sebastian sakin matapos nitong ilapag sa mesa ang pagkain nya.
"Hindi naman. Actually na enjoy ko" Tipid na ngiting sagot ko dito kahit na medyo na iilang ako dahil kaswal ang nagiging usapan namin ngayon.
Nung nakaraang araw kase ay puro kami habulan at taguan dahil naiirita ako sa kanya sa pamimilit nyang magkaroon kami ng relasyon ng dahil lang sa nangyari samin. Feeling ko ay nakokonsensya lang siya dahil siya ang nakakuha ng virginity ko kaya hindi ko maimagine ang sarili ko na magkaroon kami ng relasyon lalo na't wala namang namamagitan na pagmamahal samin.
Natitigilan ako sa pag subo sa pagkain ko ng ilagay nya sa harapan ko ang dala nyang dessert kaya kinantyawan kami ng mga kasama ko.
"Uy ang sweet huh?" Buyo ni Sofie na nasa tabi ni Erwin.
"Kayo naba?" Tanong naman ni Lyka na may panunuksong tingin.
"Hindi pa" Tipid na sagot naman ni Sebastian sa mga ito na kina laki ng mga mata ko saka nasamid sa kinakain ko.
"Hindi pa?" Pag uulit naman ni Zaijan with a question mark.
"I'll court her first" Nakangiting sagot naman ni Seb dito na kina lakas ng kantyawan nila.
"A-ano bang p-pinagsasabi mo dyan?" Nauutal, naiilang at nahihiya kong tanong dito ngunit matamis lang na ngiti ang sinagot nito sakin kaya napahiyaw sina Sofie at Lyka sa kilig.
Hindi nalang ako kumibo saka na tumungo sa pagkain at tinuloy na ito. Ayaw ko kaseng makita nila ang pamumula ng mukha dahil sa mga banat ni Sebastian.
Mabilis lang namin natapos ang pagla-lunch at nagkanya kanya ng tungo sa mga areas namin. Kailangan ko ding bisitahin ang isang major case na binigay sakin ni Doc Chavez para may mai present sakanya bukas na bukas din.
Nasa tapat ako ng elevator ngayon para hintayin ang pagbukas nito dahil pupunta na ako sa floor at room ng masyente kong may rear case. Pagbukas ng elevator ay nabungaran ko si Dr.Juancho Lacson na may bitbit na cup of coffee. Tingin ko ay galing ito sa labas ng hospital dahil sa tatak ng cup na hawak nito.
Nginitian ako nito bago ako tuluyang sumakay pasabay sakanya. Nagugulat pa akong tumingin sakanya ng sabay naming pindutin ang 5th floor kaya nagdikit ang mga balat namin. Nakaramdam agad ako ng kakaibang kuryente kaya dali dali kong binawi ang kamay ko at tumungo dito.
Akward ang naging senaryo namin sa loob ng elevator dahil walang nagbalak na magbukas ng pag uusapan namin. Pinili ko ding manahimik dahil hindi naman kami nito gaanong magkakilala baka masabihan pa ako nitong feeling close kung ako ang mauunang pumansin sakanya.
Pagbukas ng elevator ay pinauna nya akong lumabas ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay ramdam kong nasa likod ko lang siya kaya binalingan ko ito ng tingin.
"We are you going Ms.Montes?" Pagkuwan ay nakangiting tanong nito sakin.
"Sa room 528 po Doc" sagot ko dito na kina gulat nya kaya kumunot ang noo ko" Bakit po Doc?" Pahabol kong tanong.
"Anong gagawin mo don? That's a very rear case huh?"Nagtatakang tanong nito matapos mapagtanto kung sinong pasyente ang nasa room 528.
"Yes Doc. Siya kase ang next case na ipe-present ko kay Doc Chave bukas" Sagot at paliwanag ko dito na kina tango tango nya.
"Really? Oh goodluck then. Pinapahirapan ka ng boyfriend mo ah" Natatawang sabi nito na kina ngiwi ko.
"Hindi ko po siya boyfriend" Sabi ko dito na kina tigil nya.
"Seryoso?" Tanong nito na agad kong tinanguan.
"Opo! Nanliligaw daw sya pero hindi ako naniniwalang seryoso sya" Sagot ko dito na kina tawa na nya ng malakas.
"Halata bang hindi seryoso" Natatawang sabi muli nito na agad ko ulit tinanguan.
"Oo e! Mukha palang mukhang di na gagawa ng maganda" Natatawa ko na ding sabi na sinabayan din nya ako sa pag tawa.
Nang marating namin ang room ng pakay ko ay tumigil kami sa tapat ng pintuan. Akmang magpapalaam na ako sakanya para pumasok sa loob ng unahan nya ako. Nauna itong pumasok sa loob saka binati ang batang pasyente.
"Hello Baby Ellias" nakangiting bati ni Doc Juancho sakanya na inirapan naman ng batang lalake.
"You're here again!" Mahihimigan ang inis sa tono ng batang pasyente.
"Ofcours! I am your doctor inchanger that's why i'm here again" Malambing na sagot ni Doc Juancho dito na alam mong nang uuto lang sa bata.
"Tss! I don't need you!" Singhal ng bata sakanya saka ito bumaling sakin ng may pagtataka
"Hello Ellias" Bati ko dito na may ngiti sa labi.
Nakakunot lang ang noo nitong nakatingin sakin at hindi bumati pabalik.
"Ellias, this is Dr. Sabrina Montes" Pagkuwan ay pakilala ni Doc Juancho sakin sa bata kaya inirapan din ako nito.
"Tss! Another doctor who get's all my blood to test!" Napapaikot nitong matang sabi na agad kong inilingan.
"No! I'm just visiting you" Agarang sagot ko dito kaya nagtataka nya akong binalingan ulit ng tingin.
Nakangiting ipinakita ko lang sakanya ang notes ko at chart nyang naglalaman ng case nya para pag aralan ko.
"We're here to only check you Ellias, nothing else" Ani din ni Doc Juancho dito para maniwala ito sa sinasabi ko.
Masuyong tinignan ni Ellias ang mga kamay namin. Animo'y tinitignan kung meron kaming dalang mga gamit para kuhanan ito ng blood samples. Kaya ng makumpirma nya na totoo ang sinasabi namin ay napa buntong hininga muna ito bago umayos ng upo sa higaan nito.
Nilapitan na siya ni Doc Juancho para icheck ang mga aparatus na nakakabit sakanya. Maging ang mga vitals signs nya ay sinuri nito kaya wala na akong ginawa kundi ang umupo lang sa kama nito patabi sakanya saka nagtanong ng mga bagay about sa nararamdaman nya ngayon.
"Laging sumasakit dito ko Doc ganda" Pagkuwan ay sabi ni Ellies saka nito itinuro ang banda itaas ng tiyan nya
"Dito ba?" Tanong ko saka ko diniin ng bagya ang tinutukoy nito kaya napadaing sya ng bahagya.
"Ouch! It's hurt po" daing nito na kina noot ng noo ko saka ako napatingin sa hawak kong chart nya at hinanap kung may nakasulat ba sa case nya ang tungkol sa tinutukoy nya.
Lalong nangunot ang noo ko ng walang nabasa about sa pananakit ng tiyan nito. Kaya binalingan kong muli ang bata saka tinanong.
"Kailan mo pa nararamdaman yan?" Tanong ko dito kaya natigilan muna siya saglit at nag isip bago ako sinagot.
"The day po before my field surgery" Sagot nito na lalong pinagtaka ko.
Alam kong may naudlot itong surgery dahil hindi kinaya ng katawan nya.
"Ahm Ellias? Pwede ka bang mahiga muna? May ichecheck lang ako saglit" Tanong ko dito para makumpirma ang hinala ko.
Sumunod naman ito kaya itinaas ko muna ang damit nya saka ko kinapang muli ang tiyan nitong tinutukoy kanina.
"Sabihin mo lang kung nasasaktan ka ah?" Sabi ko dito bago ko kinapa ang tiyan nito.
Pagkakapa ko ay dumadaing ito ngunit hindi nya ako pinapatigil. Ramdam kong umangat akong likod nya ng matamaan ko ang bloated nyang tiyan na nagpakunot sa noo ko.
Parang gusto din nitong maduwal dahil lang sa pag diin ko sa tiyan nya kaya napa iling ako ng may maalalang sakit na ganito ang syntoms.
"Doc ganda it's hurt na po" Parang maiiyak na nitong sabi kaya tinigilan ko na ito at inayos ang hospital gown na suot nito.
"I'm sorry Ellias. May itatanong pa si Doc ganda sayo ah?" Paumanhin ko dito na agad nyang tinanguan.
"Sige po Doc ganda" Nakangiti man ay alam kong iniinda parin nito ang tiyan nya.
"Nagsuka kana ba ng blood? O yung dumi mo anong color?" Sunud sunod kong tanong dito saka sya napa isip sa mga tanong ko bago sumagot.
"Yes po Doc ganda. two times po may blood pag nagsusuka ako then yung pupu kopo is color black" Sagot nito habang naka turo pa ang isang daliri sa may kisame at parang iniisip pa ang mga sinasagot nito.
Napatango tango nalang ako sa sagot nito dahil natapunayan ko na ang isa pang sakit nya na nagcause ng field surgery nito.
May dumating ng nurse dito para turukan na ng gamot ang swero nito. Ilang saglit lang ay nakatulog na ito kaya napagmasdan ko sya ng mabuti.
Maputlang maputla na ang itsura ng bata. Wala na din itong buhok dahil siguro sa pag te-take ng cemo. Namayat na din ito pero kakikitaan mo parin ang kagandang lalake sakanya.
"What do you think about his case?" Pagkuwan ay tanong ni Doc Juancho sakin matapos nitong makausap ang nurse incharge kay Ellias.
"I think he is suffing too in peptic ulcer" Sagot ko dito na kina tigil nya saka ako matamang tinitigan.
"You think?" Tanong muli nito na tinanguan ko.
"Yes doc. Base sa sinabi nito at naobserbahan ko kanina sakanya ay halos syntoms ng ulcer" Sagot ko dito na kina tango tango nya saka nya sinuyod ng tingin ang bata.
"Bloated na ang tiyan nya at sumasakit pa iyon, Nagsuka na din daw sya ng dugo dalawang beses na at itim daw ang dumi nya. Halos lahat na ng syntoms ay nasakanya nya kaya ko nasabing may peptic ulcer ito" Pagpapatuloy kong sabi dito na kina tahimik nya at sinuri ang bata.
Kinapa nito ang lumolobang tiyan nito kaya napa tango tango siya bago kinuha ang cellphone nya sa bulsa at may idinial na kung sino doon.
"Have you been check his ultrasound.. Yes please... I want you to repeat all his test and i want to know the result tomorrow morning"
Dinig kong sabi ni Doc Juancho sa kausap sa cellphone nito bago ibinaba iyon. Hiniram din nya ang chart ng bata sakin at binasa ang mga finding at case ni Ellias. Napailing pa ito ng tanging cancer lang nito sa dugo ang nakasulat doon wala ng iba.
Matapos makuhanan ulit ng mga blood samples si Ellias para i check muli ito at malaman nga na totoo ang findings ko ay nagpaalam na ako kay Doc Juancho. Alas nuebe na din kase ng gabi at tapos na ang duty ko.
Nasa may bungad kami ng hospital ngayon ni Doc Juancho. Kanina pa ito namimilit na kumain sa labas ngunit tinatanggihan ko ito dahil nahihiya ako at isa pa ay pagod at inaantok na ako.
"I just want to thank you" Anito ng sabayan ako sa paglalakad paalis ng hospital
"Para saan?" Kunot noo kong tanong
"Para don sa naging findings mo kay Ellias" Sagot nito.
"Ahh. Wala lang naman iyon e" Sabi ko naman dito na kina kamot ng ulo nya
"Please Sabrina. Kahit coffee nalang dyan sa tapat ng university" Pangungulit nito habang naka nguso pa.
"Next time sige. Gusto ko na kase talaga magpahinga" Napapangiwi kong sabi dahil sa kakulitan nya.
Nagugulat ko siyang tinigna ng ilahad nito ang cellphone nya sa harapan ko. Inginuso pa nya ito na nagpapahiwatig na ilagay ko ang number ko don kaya wala na akong nagawa kundi ang ilagay nalang para mag tigil na ito sa kakulitan.
"Thank you! See you again" Masaya na nitong sabi bago tuluyang umalis.
Napa iling nalang ako dahil sa inasta nito. Kung titignan kase sya ay napaka stict at seryosong tao pero pag nakasama mo na ay parang bata kung mangulit at napaka pasaway.