"Jian?" Napakunot ang noo ni Briar nang makita na wala ang kanyang asawa sa loob ng kanilang silid. Ang tanging bumungad sa kanya ay isang bakanteng kuwarto at ang kanyang smartphone na nakakalat sa kama. Kaagad niyang kinuha iyon para sana tawagan ang kanyang asawa ngunit natigilan siya nang mapansin kung saang app iyon nakabukas. At sa kung saang larawan iyon nakatapat. Matagal niya nang balak na burahin iyon. The picture of her and Andrew only makes her sick. But somehow, she never did. Hindi dahil sa mahal niya pa ang dati niyang nobyo. O dahil pinipilit niya lamang ang mga nararamdaman niya para kay Jian. God knows how strong her feelings for him were. On how much she wanted him now. Ayaw niya lang burahin ang larawan dahil nais niya na si Jian ang magbubura niyon. Na sabay nilang

