"Special delivery para sa pinakamagandang Madame ng Paradiso!" Mahinang natawa si Feng nang pagbuksan siya ng pinto ni Briar. Nakabusangot ito at halatang kakagising pa lamang dahil magulo pa ang buhok. Ipinakita niya ang nasa tray na isang hiwa ng cake na may kandila, at ilang mga putaheng nasa maliliit na plato. "Hindi mo ba ako papapasukin?" Mas lalong sumimangot ang babae. "Feng, ayokong kumain—" Napapalatak siya. "It's been five hours since you came home and you haven't eaten yet. Akala mo ba maniniwala ako na hindi ka nagugutom? At saka lalamig 'tong pagkain, sayang naman." Mahina lamang itong tumawa at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. "Pumasok ka na nga, Mr. Xiao. Bago pa ako mainis sa 'yo at ingudngod 'yang mukha mo sa cake." He pretended to be shocked as he stepped inside.

