"Hey, you're burning up... Kagabi ka pa nagre-review, baka magkatrangkaso ka pa lalo n'yan, Briar Victoria..." Saglit niyang nilingon si Jian na nakatayo sa likuran niya. Mayamaya ay muli siyang bumalik sa kanyang ginagawa. Hindi siya maaaring tumigil. Bukas na ang final exams niya para sa semestreng iyon at ayaw niya naman na bumagsak siya. Ang tanging alam lang ni Briar ay kailangan niyang gawin ang lahat para maging proud sa kanya ang kanyang asawa. "I have to review, Ji... Bukas na ang finals namin at—" He sighed before taking away her pen. " Then let me help do your reviewers. Tapos magpahinga ka na. Mataas ang body temperature mo at hindi ka puwedeng gan'yan lang." She annoyingly grabbed the pen back. "Look, Jian, I gotta study. Please stop distracting me." Napapalatak ito. "Pero

