As the Founding Day celebration of Paradiso grows closer and closer, Briar has recovered from the gunshot wound. Nais pa naman ni Jian na isama siya sa selebrasyon dahil asawa siya nito, na muntik nang hindi matuloy dahil sa kanyang sugat. Hindi naman siya makakapayag na kuhanin ni Shantal ang puwesto niya kaya pinilit niyang magpagaling. Kailangan niyang kumbinsihin si Jian na piliin siya. Kahit na minsan ay naiinis na siya dahil tila mas mahalaga pa rito ang mararamdaman ng ibang tao kaysa sa sariling asawa nito. Kahit minsan ay pakiramdam niya mas mahalaga pa si Shantal kaysa sa kanya na mismong asawa ng lalaki. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin habang inaayusan siya ng mga maid. Nakasuot siya ng sutla na cheongsam na may disenyo ng mga bulaklak at maliliit na dragon, katu

