Briar sighed as she tried to put on foundation on her bruised cheek. May bigla na lamang tumulak sa kanya sa loob ng banyo, dahilan para tumama ang kanyang pisngi at sentido sa rim ng lababo. Bago pa man siya makahuma ay wala na ang gumawa niyon. Wala siyang ibang nagawa kung hindi ang ayusin ang sarili niya dahil nakatanggap siya ng mensahe mula kay Jian na susunduin siya nito nang maaga. Kanina pa mahapdi ang kanyang paningin, siguro ay dahil na rin sa pagpipigil ng iyak. Masakit ang pisngi niya at sentido, at paniguradong magpapasa at bukol iyon. Problema niya pa kung paano niya itatago iyon kay Jianyu. Hindi niya alam kung magiging problema ba iyon sa lalaki, kung may pakialam ba ito, o kung... Magagalit ba ito. O tatawanan lang siya at sasabihan na kinakarma siya sa lahat ng mga kas

