Alhena Bernabe Agad namang nangunot ang noo ko at napuno agad ng mga katanungan ang isip ko dahil sa sinagot niya sa’kin. “Uto-uto ka talaga, Alhena ang dali mong paniwalain,” at natatawa pa siya. “Do you think mamahalin ko ang sakim na tulad mo?! Alhena it was all just for show, ginawa ko lahat ng yun para tuluyan kong makuha si Gavin.” galit at madiin niyang sabi. At agad namang sumiklab ang galit sa aking puso kung kaya't nasampal ko siya sa kanyang kaliwang pisngi. “So, totoo pala ang mga sinabi sa’kin ni Joseph? Ginagamit mo lang ako?!” madiin kong tanong sabay tulo ng aking luha at nanginginig na rin ang katawan ko dahil sa galit. “Masakit ba?! Dapat lang yun sa’yo dahil sakim ka, Alhena. Sakim ka!” singhal niya sa’kin at nag aapoy na rin ang mga mata niya sa galit. “Naririn

