Gael Lagdameo Namimilipit pa rin ako sa sakit at medyo sumasakit na rin ang aking ulo dahil sa init kahit pa naka on naman ang aircon ng kotse ko. Maya-maya pa at tumunog ang cellphone ko at kahit hirap akong gumalaw ay sinikap ko pa rin kunin ang phone ko sa bulsa ng pantalon ko. Si Dad. [Gael, where are you? Within 10 minutes ay magsisimula na ang meeting ninyo sa EGOC] bungad sa’kin ni Dad sa kabilang linya, pero hindi agad ako nakasagot sa kanya dahil mas lalo pa yatang sumakit ang aking balikat. [Gael, are you still there?] tanong ni Dad sa kabilang linya. [Dad, bigla kasing sumakit ang balikat ko habanag nagmamaneho ako papunta sa EGOC] namimilipit kong tugon sa kanya. [What? Okay-okay fine ipapa cancel ko na lang muna ang meeting mo with them, bumalik ka na lang muna sa hot

