CHAPTER 4: DADDY

1312 Words
Alhena Bernabe Sobrang saya ko ngayon, habang inaasikaso ang birthday party ng anak kong si Gavin. He's turning, three years old today. Kaya gagawin kong espesyal ang araw na ito para sa Unico hijo ko. Sesame street ang napili kong theme sa birthday party niya para colorful. Isa pa favorite rin naman ni Gavin ang isang character doon na si Elmo. Inupahan ko ang buong rooftop ng condo, para dito e celebrate ang birthday party ng anak ko. KINAHAPUNAN, handang-handa na ang birhday party ng anak ko at unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga bisita. Inimbita ko ang mga kapit bahay namin sa condominium. At siyempre hindi pwedeng mawala ang nag-iisang Ninang ni Gavin na si Neri, kaso wala pa siya. Nakikipaglaro na si Gavin sa ibang mga bata sa kanyang party. Maya-maya pa ay dumating na rin ang kinuha kong clown at nagsimula na rin agad itong mag mahika sa mga bata. Ilang minuto ang lumipas ay tapos na rin ang clown sa pag ma-mahika. At oras na para magdasal at kantahan ng 'Happy Birthday' si Gavin. Kaya agad ko na ring kinarga si Gavin at agad na kaming pumunta sa gitna. "Okay, kids, now it's time to sing a, Happy birthday song to Gavin," ani ng clown sa buong bisita. At kakanta na sana ang mga bisita ng biglang dumating si Neri rito sa rooftop. Ngunit hindi ko inaasahan ang lalaking nakasunod sa kanya, kamukha niya ang ama ng anak ko. At agad naman akong nabato sa kinatatayuan ko at natulala lamang ako sa pagmumukha ng lalaking kasama ni Neri. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip ko na makikita ko ang ama ng anak ko. "Daddy, Daddy," tawag ng anak ko sa binata. At mwenistra pa nito ang kanyang dalawang kamay sa binata. Natahimik at napasinghap ang buong bisita sa party ni Gavin, nang marinig nilang tinawag na Daddy ng anak ko ang gwapong binata. Maski ako ay nagulat sa anak ko nang tawagin niyang Daddy ang binata. Nakasanayan na ni Gavin na tawaging Daddy ang mga lalaking nakakasalubong namin, o 'di kaya ay sa mga kaibigan kong lalaki. Pero hindi ko inexpect ngayon ang ginawa ng anak ko dahil mwenistra pa talaga niya ang kanyang mga kamay sa binata. I tried to compose myself in front of everyone, especially in front of this man. This can't be. "Hi, baby come here, come to Daddy," Patay! Nararamdaman ba niyang anak niya si Gavin? So, father's instinct does exist? Pero bago pa man makuha ng binata si Gavin ay maagap kong iniwas si Gavin sa kanya. "Ah, hindi na, kaya ko naman e." Sinikap ko talagang hindi mabulol sa harapan ng binatang ito. Mahirap na baka mapaghalataan pa niya ako. "It's okay, Alhena. Wala namang problema kung buhatin ni Kuya, si Gavin e," saad ni Neri. "Neri is right, isa pa ako naman ang Daddy ni, Baby e." Agad naman akong pinamulahan sa sinabi ng binata. Pilit kong pinatatag ang aking sarilli, dahil baka mabitawan ko si Gavin. Nag tili-an pa talaga ang mga bisita sa party ni Gavin at gusto ko na lamang magpalamon ng buong-buo sa lupa. Ang yabang ng binatang 'to! Kung hindi lang birthday ngayon ng anak ko ay kanina ko pa siya na singhalan. Iglap lang ay nakita ko na lang ang anak ko na nasa bisig na ng binata. Kaya pinilit ko na lamang pa kalmahin ang sarilli ko alang-alang sa anak ko. Pagkatapos ay muli ng bumalik ang program ng party at saka lang din ako nakahinga ng maluwag. Kitang-kita ko kung gaano kasaya ang anak ko, habang naglalaro sila ng, Tatay niya? Tatay nga ba talaga siya ng anak ko? Parang ayaw kong isipin na siya talaga ang ama ng anak ko. Pero bago pa mawala si Gavin sa paningin ko ay pinakuha ko na si Gavin kay Clara. Hindi ko alam pero natataranta na ako ngayon. Natatakot din ako dahil baka bigla na lang ilayo ng binata si Gavin sa'kin. Baka mabaliw na lang ako nito ng wala sa oras. Nang makuha na ni Clara si Gavin sa binata ay umalis na muna ako sa rooftop. Tinungo ko ang unit ko. Gusto kong masigurado kung ang binata bang tinatawag na Daddy ni Gavin at, ang lalaki sa litratong pinakita sa'kin ni Cindy ay iisa. Nang makapasok na ako sa condo unit ko ay agad kong tinungo ang cabinet ko. Dito ko kasi tinago ang litratong binigay sa'kin ni Cindy bago siya pumanaw. At natagpuan ko na lamang ang sarilli kong nakasalampak sa sahig at naramdaman ko na lamang ang pagpatak na aking mga luha. Habang nakatingin sa litrato ng ama ni Gavin. Siya nga ang ama ng anak ko. Hindi pwede. Hindi niya pwedeng kunin sa'kin ang anak ko. Akin lang si Gavin. AKIN LANG ANG ANAK KO. Agad na akong tumayo mula sa sahig at agad na pinunasan ang mga luha ko. At muli kong inayos ang sarilli ko, muli kong binalik ang litrato ni Sammuel sa loob ng cabinet. Pagkatapos ay agad na akong lumabas sa unit ko. "Do I know, you?" Halos mapatalon ako sa boses na narinig ko mula sa aking likuran. Agad kong nilingon ang nagmamay-ari ng boses na nagtanong sa'kin. Napalunok na lamang ako nang makita ko ang ama ng anak ko. Hindi na ako magtataka kung bakit siya na gustuhan ni Cindy noon. He's so handsome. From his hazel nut eyes, to his pointed nose and lastly to his sexy kissable lips. May kaunting balbas din siya kanyang baba. Na nag padagdag sa kagwapuhan niya. Matangkad din siya at matipuno. Pero bago pa mapunta sa kung saan-saan ang iniisip ko ay agad inayos ko na ang sarilli ko. "Sorry, pero hindi ko naman po 'ata naalala na nagkita, tayo," tugon ko. At agad ko na siyang nilagpasan. Ngunit naka dalawang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang kanang braso ko. "Really? E, bakit tinatawag akong Daddy, ng anak mo?" kunot noong tanong niya. "Naku. Sir, ganyan lang po talaga ang anak ko, kahit sinong lalaki po ay tinatawag niyang Daddy," buong tapang kong sagot. "At hinahayaan, mo lang, na maki tatay sa kung, sinu-sinong lalaki lang ang, anak mo?" sarkastiko niyang tanong. Kung alam niya lang ang totoo. "E, malay ko naman pong tatawagin din kayong, Daddy ng anak ko," mataray kong sagot. Kahit siya pa ang ama ng anak ko, hindi ko siya uurungan. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot. At iniwan ko na siyang mag-isang nakatayo sa pasilyo ng condo. Pagdating ko sa rooftop ay nakita kong nilalaro ni Neri si Gavin kaya agad ko silang nilapitan. "Neri, kumain ka na ba?" tanong ko kay Neri. At agad naman niya akong nilingon. "Mamaya na ako, Alhena, laro muna kami ni Gavin," nakangiting tugon niya. At hiniyaan ko na lamang siyang makipaglaro sa anak ko. Makalipas ang tatlong oras ay tapos na rin ang birthday party ni Gavin. At buti na lang ay hindi na ulit nakipaglaro ang ama ni Gavin, kay Gavin. Siguro nainis sa sinagot ko kanina sa kanya. Well, mabuti na rin nga 'yon at least, hindi niya na kami guguluhin pa ng anak ko. Dahil sa sobrang pag e-enjoy kanina ni Gavin sa party niya ay nakatulog na agad siya. Ako na ang nagpalit sa kanya ng damit, habang tulog na tulog na siya. Pagkatapos ko siyang bihisan ay pinagmasdan ko ang kanyang gwapo't maamong mukha. Kamukhang-kamukha niya nga ama niya. "Sorry, anak, pero hindi mo pwedeng makilala ang 'yong ama. Ayokong mawala ka sa'kin, ayoko anak," naluluha kong saad sa natutulog kong Unico hijo. Yes. It's sound so selfish, but Gavin is my life now, he's the reason why I go to work everyday. He's the reason why I am happy everyday. He's my everything and I won't let Sammuel take Gavin away from me. Magkamatayan na, pero hinding- hindi ko isusuko ang anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD