Gael Lagdameo Pagdating namin sa restaurant ay nakita agad namin si Joseph na nakaupo sa pinakadulong sulok ng restuarant. Bago kami humakbang papunta sa kanya ay binalingan ko muna ng tingin si Alhena tumingin naman siya sa’kin at kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mga mata. Maging ako ay kinakabahan na rin dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa sa kanya mamaya kung sakaling mang hindi nga kami ang mag match ni Gavin. Pilit kong pinapakalma ang sarilli ko upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko. “Halika na, para malaman na natin ang totoo,” mahinahon niyang sabi sabay hawak sa kaliwang kamay ko. At agad na naming tinungo ang kinaroroonang table ni Joseph at agad namang tumayo si Joseph nang makita niya kaming papalapit sa kanya at may hawak siyang puting sobre na malamang ay DN

