Alhena Bernabe WARNING! IT CONTAINS VIOLENCE Kapwa kami nakahiga ni Gael sa kanyang kama nakayakap siya sa'kin habang nakasubsob ang kanyang mukha sa'king leeg at mahimbing itong natutulog. Akala ko kanina ay katapusan ko na. Akala ko tuluyan nang masisira ang relasyon naming dalawa pero hindi pala. Talaga pa lang mahal ako ni Gael, hindi pala siya katulad ni Sammuel. Sobrang swerte ko sa kanya at masasabi kong wala na akong mahihiling pa. KINABUKASAN, sabay na naman kaming pumasok ni Gael sa trabaho at habang nasa biyahe kami kanina ay panay ang tingin niya sa'kin at panay halik nito sa aking kaliwang kamay. Hindi ko na tuloy mahihintay na maging asawa siya sabay din kaming nag lunch sa isang restaurant at tudo alalay pa rin siya sa'kin at wala pa ring nagbago sa kanya. Sa katunayan a

