Alhena Bernabe “Alhena I’m sorry, sorry kung hindi ko agad nasabi sayo, dahil nasaktan ko si Cindy noon,” punong-puno ng pagisisi nitong wika. Pero tila naging bingi ako at ang tanging naririnig ko lang ay ang t***k ng aking puso. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi niya. Nilakasan ko ang loob ko upang makapagsalita at para matanong si Joseph. “Alhena, please tulungan mo akong mahanap ang anak ko,” pagsusumamo niya sa’kin. Nakakalito itong nangyayari. Malinaw na malinaw sa’kin no’ng sinabi ni Cindy na si Sammuel ang totoong ama ni Gavin at hindi naman iyon kaduda-duda dahil kamukha naman ng anak ko si Gael dahil nga sa kakambal naman ni Gael si Sammuel. “Alhena please?” naluluha na nitong wika. At hindi ko alam kung ipagtatapat ko ba sa kanya ang totoo. Naawa

