Chapter 4: Everything's What?

4089 Words
Dalawang araw na ang nakalipas mula nang huling magkita si Vince at Vina. Dalawang araw na rin mula nang mapaisip ang dalaga. “Isa raw siyang Tramos? Hindi magandang biro iyon,” saad ni Vina sa kaniyang sarili habang naglalakad ito pauwi ng kanilang tahanan. Ginabi siya sa paghahanap ng mga maaaring pasukang trabaho. Pabrika man o warehouse, karinderya, bakery, mga maliliit na tindahan, ginabi sa paglilibot at paghahanap. Bagsak ang mga balikat ni Vina habang hinga ito nang hinga nang malalim dulot ng pagod. Sa kaniyang kanang kamay ay tangan-tangan ang isang brown envelope kung saan nakalagay ang ilang mga sariling papeles at mahahalagang dokumento: NSO, barangay clearance, bio data, at ilang mga valid ID. Ngunit bigo pa rin si Vina na makahanap dulot ng punuan talaga sa mga trabahong side line. Samantala, hindi pa rin mawala sa kaniyang isipan ang binatang si Vince at ang mga sinabi nito sa kaniya. Lalong-lalo na ang pag-amin nitong isa raw itong Tramos. Noong gabi kasing iyon, tawa lamang nang tawa ang dalaga. Halos sumakit na ang tiyan nito sa katatawa sa mga salitang kumawala sa bibig ni Vince. Noong hinatid na nga siya ng binata palabas ng mansiyon, tumatawa pa rin si Vina hanggang makauwi na ng bahay. At hanggang ngayon, gusto niya pa rin na tumawa. Hindi kasi siya naniniwala sa mga nilalang na Tramos. Nabubuhay lamang ang ganoong mga nilalang sa mga alamat at kuwentong bayan na nagpasalin-salin lamang. Ang mga Tramos para kaya Vina ay bunga lamang ng malikhaing imahinasyon ng tao. Hinding-hindi siya naniniwala sa mga Tramos. “Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hindi malabong minsan siyang naparaan sa kalye namin at narinig na tinawag ang pangalan ko,” saad ni Vina. “Ang tungkol sa gusto kong makaalis sa puder ng tiyahin ko? Posible ring narinig niya ang mga sigaw sa akin ni Tiyang Isabel at konklusyon niya lamang ngunit nakumpirma niya noong tinanong niya iyon.” Pinaniniwala ni Vina ang sarili na ang lahat ng nalalaman ni Vince ay mayroong paliwanag at hindi dahil sa sinabi nitong isa itong Tramos. “Paano niya ako nailigtas sa nang-hostage sa akin? Tinitigan niya lamang ang lalaki ngunit nawalan na ito ng malay? Maaaring nagkataon lamang dahil mainit ang umaga noong araw na iyon, pawisan ang lalaki, nagwala, posibleng nawalan lamang ito ng malay,” saad pa ng dalaga sa kaniyang sarili. “Bigla siyang sumulpot sa highway at iniligtas ako gayong hindi ko naman siya nakita sa paligid? Paano kung sadyang lumabo lamang ang mata ko dahil sa naipong luha bunga ng umiiyak ako noong mga oras na iyon kaya hindi ko siya napansin? O hindi kaya ay galing naman siya sa likuran ko?” kumbinsi pa ni Vina sa sarili. Iyon lamang ang tumatakbo sa isip ni Vina. Hinding-hindi siya naniniwala sa mga Tramos. Hanggang sa nakarating siya sa kanilang kalye. Kaagad siyang nabalik sa katinuan mula sa malalim na iniisip nang makita ang kumpol ng mga tao sa tapat ng kanilang bahay ng kaniyang Tiyang Isabel. Napuno ng bulungan, chismisan, at mga sulsulan doon! “Pinalalayas na ni Isabel si Vina?!” “Naku, mula araw hanggang sumapit ang buwan, umaga hanggang gabi, umulan man o umaraw, puro na lang pagtatalo ang magtiyahin na iyan. Hindi na nakapagtataka.” “Grabe naman yata si Isabel! Parang hindi niya pamangkin si Vina!” “Tama! Sana man lang ay inintindi niya ang situwasyon! Nakita niya naman na nakakulong ang tatay at wala na ang ina!” Ilang lamang iyon sa mga bulungan na narinig ni Vina habang papalapit sa kanilang bahay at natunugan niya na sa isipan kung ano ang nangyayari. Dali-dali siyang tumakbo patungo roon at agad naman na nahawi ang daan sa kaniya at mas lalong lumakas ang bulungan sa paligid! Dumating si Vina sa harap ng bahay na nagsisigaw pa ang tiyahin ngayon! “Tiyang!” sigaw ni Vina nang makita ang kaniyang mga gamit na nasa semento ngayon at nakakalat! Isa-isa itong inihagis ng tiyahin! “Oh, hayan! Dumating na rin sa wakas ang walang kuwenta kong pamangkin! Oh, nakita mo naman kung ano ang nangyayari, hindi ba? Hangga’t hindi ko pa naihahagis ang lahat ng mga gamit mo, mag-impake ka na!" sigaw ni Isabel na kalalabas lamang ng munti at may kasikipang kuwarto ni Vina na yari sa kahoy. Bitbit nito ang isang bag na puno ng damit ni Vina. Akmang ihahagis na ito palabas ay agad na naagaw ni Vina ang bag niya sa tiyahin! “Tiyang! Huwag namang ganito!” “Tapos na tayo, Vina! Tama na ang lahat ng paghihirap ko sa iyo! Wala ka naman ding kuwenta kaya lumayas ka na! Huwag mo pang hintayin na ako ang maghagis palabas ng mga gamit mo kung ayaw mong umalis sa pamamahay ko! Basura ka kaya itapon mo na rin ang mga basura mo!” sigaw pa ni Isabel. Dali-daling lumabas si Vina sa kanilang bahay at agad naman na umalis ang mga kapitbahay na nakiuusyoso pa sa mga nangyayari. Madaling pinulot ni Vina ang mga gamit habang nangingilid ang mga luha sa kaniyang mata. Dumating na nga ang araw na kinatatakutan ni Vina. Oo, gusto niya ng umalis sa puder ng malupit na tiyahin ngunit hindi pa ngayon dahil bukod sa wala pang nahahanap na kahit isang side line, hindi pa sapat ang kaniyang mga naipon mula sa mga dating pinasukan. Nakatayo lamang si Vina sa harap ng kanilang bahay, yakap ang kaniyang mga gamit habang nangingilid ang mga luha sa sama ng loob. Ang bigat sa dibdib. Lumabas ang kaniyang tiyahin. “Kung inaakala mo na makababalik ka pa sa pamamahay ko, huwag ka ng umasa, tanga! Magsama kayo ng nanay mo roon sa sementeryo! Kung ayaw mo, maging kriminal ka na lang din para doon kayo sa kulungan ng tatay mo! Lahat kayo ay mga walang kuwenta! Mga pahirap sa buhay!” Padabog siyang pinagsarhan ng pinto. Walang magawa si Vina at napayakap na lang sa kaniyang mga gamit. Tama siya, wala nga siyang dapat asahan sa kaniyang tiyahin. Napatingala siya sa kalangitan. “Ma, alam ko na nariyan ka lang. Ingatan mo ako, ah? Ikaw na ang bahala sa akin...” Masama ang loob na naglakad si Vina palayo ng bahay ng kaniyang tiyahin. Kararating pa lamang niya sa kanto, roon ay nakita niyang hindi magkandaugagang tumatakbo sa gawi niya ang tatlong tao. At nang lumapit sa kaniya ang mga ito na nag-aalala ang mukha, roon lamang bumuhos ang mga luha ni Vina. “Vina! Ang tiyahin mo na naman ba?!” bungad ng kaibigan ni Vina na si Seah. “Sinasabi ko na nga ba, walang mabuting dulot sa iyo ang tiyahin mo na iyon! Parang hindi mo kadugo!” “Pasalamat siya at tiyahin mo siya, Vina! Kung hindi ay nasapak ko na iyon!” matapang naman na singhal ng kaibigang lalaki na si Miro. “Sugurin na ba natin? Sunugin na ang bahay?” singit ni Jinna na naaawa sa kalagayan ni Vina. “Sinasabi ko na nga ba, tiyahin mo lang din ang magiging dahilan ng mga luha mo! Bakit ba naman kasi sa lahat-lahat ng mga tao, siya pa ang naging tiyahin mo?! Naku!” Iyak lamang nang iyak si Vina. Yumakap ang kaniyang tatlong kaibigan. Agad na dinala ang dalaga sa isang tahimik na lugar ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit ilang sandali pa, napahawak si Vina sa kaniyang puso nang maramdaman ang mas maiging paninikip nito. Kaagad niyang nabitiwan ang dalawang bag na hawak at napainda sa sakit. “Ano’ng nangyayari, Vina?!” alalang tanong ng kaibigang si Miro. “Ano’ng masakit sa iyo?!" “Vina! Ano’ng nangyayari sa iyo?!” Nataranta ang tatlong kaibigan na si Seah, Miro, at Jinna sa nangyayari. "Miro, Jinna, tumakbo kayo at humingi ng tulong! Susubukan kong tumawag ng ambulansiya! Magmadali! Bilisan ninyo!" Kaagad na kumilos si Miro at Jinna at naiwan naman si Seah at Vina sa ilalim ng puno. Mahihinang palahaw ang kumawala sa bibig ni Vina at sunod-sunod na pagdaing habang nakahawak sa tapat ng puso! Muntikan pa siyang mapaluhod ngunit nahawakan agad ng kaibigan at naalalayan! Ngunit sa paghawak ni Seah at pag-alalay sa kaniyang braso, mas lalong napadaing si Vina dahilan para manlaki ang mata ni Seah! Agad niyang binitiwang si Vina sa takot! Ganoon din si Vina na nagtaka sa nangyari ngunit patuloy pa rin ang paninikip ng kaniyang dibdib! “Vina! Ano’ng nangyayari?! May mali ba?!” Hindi nakasagot si Vina. Patuloy lamang ito sa pagdaing samantalang si Seah naman ay hindi nagawang makalapit kay Vina sa takot na baka mas lalong masaktan ang kaibigan. Ano ang nangyayari kay Vina?! Niyakap lang naman siya at hinawakan ng mga kaibigan! Ano ang nangyayari?! Bakit siya nagkaganito? Sa taranta ni Seah, bahagya siyang lumayo at sinubukang tumawag sa kaniyang phone. Napapikit si Vina sa sakit at napakapit sa puno na nasa tabi. Nahihirapan din siyang huminga! Hindi niya alam ang gagawin dahil hindi niya naman alam kung ano ang mga nangyayari ngayon! Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa kaniyang puso at dibdib! Ito ang unang-una! Ilang sandali pa, naramdaman ni Vina ang isang kamay sa kaniyang braso. Nilingon niya ang taong ito at nagulat siya nang makita si Vince na hindi niya alam kung paano biglaang sumulpot sa kaniyang likuran. Higit sa lahat ay paano nalaman ng binata na naririto sila?! "Vince..." tawag ni Vina sa binata. “Everything will be okay,” mahinahon at maamo namang pahayag ni Vince kay Vina. Tumitig si Vince sa mga mata ng dalaga at nanlaki ang mga mata ni Vina nang makita ang biglaang pag-iiba ng kulay ng mga mata ni Vince! Naging kulay asul ang mga ito at umilaw pa! Kasabay nito ay ang dahan-dahang pagbalik sa normal na pakiramdam ni Vina. Nawala ang pagkakahawak sa kaniyang puso nang unti-unti ay naglaho ang paninikip ng dibdib at sakit sa puso. Nakahinga siya nang maluwag at hinabol ang paghinga habang hindi pa rin inaalis ang mga titig sa kaharap na binata. “A-Ano ang ginawa mo?” utal na tanong ni Vina. Hindi siya tanga dahil alam niya na may ginawa si Vince sa pagkawala ng sakit na nararamdaman niya. Lalo na ang kakaiba nitong hawak sa braso. Ang pag-iiba ng kulay ng mga mata nito na naging kulay asul at umilaw pa! Hindi sumagot si Vince, bagkus ay kinuha nito ang mga gamit ni Vina at muling humarap sa dalaga. Samantala, ang kaibigan naman na si Seah ay abala sa phone nito sa pagtitipa at nakatalikod dahilan para hindi sila makita. Nagugulumihanan pa rin ang mukha ni Vina! Magsasalita na sana si Vina ngunit... “Close your eyes, Vina,” utos ni Vince sa kaniya. Napakurap si Vina at titig pa rin kay Vince. “Hey! I said, close your eyes! This will take just for seconds, don’t worry. Everything will be alright.” Nagugulumihanan man, pumikit si Vina at sa isang iglap, naramdaman niya ang kakaibang pakiramdam sa paligid. Biglaang lumamig at naiba ang simoy ng hangin! Naiba ang bigat, temperatura, at atmospera ng paligid dahilan para maisip ni Vina na na nasa ibang lugar na sila! At pagmulat nga ng kaniyang mga mata, natulala na lamang siya sa lahat ng nakita... Narito na sila ngayon din mismo sa mansiyon ni Vince! Hindi maaaring magkamali at tanda niya pa ang napakagandang mansiyon na ito! “Are you okay? May masakit pa ba sa iyo?” ani Vince at sinuri ang katawan ng dalaga. Dulot ng labis-labis na pagkatulala, gulantang sa napakabilis na mga pangyayari, hindi nakasagot si Vina, bagkus ay nakatitig lamang ito kay Vince—mata sa mata na tila ba sinusubukang sisirin ang lalim ng paningin. Kung may isang salita man upang mailarawan si Vina, iyon ay walang iba kung 'di ‘estatwa’. Tila ba tinitigan ni Medusa si Vina na ngayon ay nabato na sa kinatatayuan! Hindi talaga makapaniwala ang dalaga! Parang kanina lamang ay nagkakagulo pa sa tapat ng bahay ng Tiya Isabel. Parang kanina lamang ay kasama ang mga kaibigan at naguluhan nang dumikit sa kaniya ang mga ito ay tila ba unti ang paghila ng enerhiya sa kaniyang puso. Ngayon naman ay para bang bigla silang naglaho at isang iglap ay narito na sa mansiyon ni Vince! “Are you okay, Vina? Hey, Vina,” tawag ni Vince sa dalaga at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Doon pa lamang natauhan si Vina at napasinghap. Sunod-sunod ang malalalim nitong buntonghininga at napayakap sa sarili. “S-Sino ka ba talaga at ano ka?” tanong ni Vina na nabahahala ang boses. Napabuntonghininga si Vince at bahagya itong lumayo sa dalaga. Tahimik, mahinahon, payapa itong naglakad patungo sa kusina at doon ay isinalin ang mga pagkain na in-order niya sa isang online food delivery service. Kararating lamang noon kaya’t mainit at bagong luto pa. “The best thing to do right now is to put some food in your stomach.” Isinalin ni Vince ang pork sisig, spicy chicken wings, at porkchop sa malalim na mangkok na babasagin at sa isang mababaw na babasaging mangkok ang sauce. “Let’s eat, hindi kita pagbabayarin. Huwag ka ring mahiya o mailang sa akin.” Sinalinan ni Vince ng kanin ang kaniyang puting plato at gayon din naman ang kay Vina. Mayroong malamig na tubig sa pagitan nila. “Sabihin mo sa akin, Vince, hindi ako lalong mapalagay nito,” pagsasalita ni Vina na nakaupo sa harap ng binata. Ang dalawa nitong kamay ay nakapatong sa hita habang magkahawak at pinagkikiskis iyon sa kaba. “I will tell you once na kumain ka.” “Paano nga ako kakain kung ganito?” mabilis na hirit ni Vina. “Wala akong alam sa lahat ng mga nangyayari, Vince, para akong papel na walang alam at walang laman. Biglaan at hindi inaasahan ang lahat ng mga nangyari, sa tingin mo ay ganoon kadali sa akin ang mga naiisip ko? Ang daming nangyari at wala akong alam sa lahat, paano ako mapapalagay nito? Ano ang gagawin at sasabihin ko?” Binasa ni Vince ang kaniyang labi at kinagat ito. Kinusot din nito ang mata at huminga nang malalim. Nakasuot ang binata ng black trouser pants at white polo shirt na bumagay sa matipuno nitong katawan. Ang buhok ay bahagyang nagulo ngunit bumagay rin ito. “Hindi ka naman naniniwala noong sinabi ko sa iyo, hindi ba?” tanong ni Vince. Naghihintay sa kanila ang mga pagkain! Kung ibang tao ang nasa situwasyon nila ngayon, malamang sa alamang ay nilantakan na ang mga putahe sa kanilang harapan! Sino ang magpapahuli sa spicy chicken wings, pork sisig, at pork chop na bagong luto pa?! Ngunit si Vince at Vina ay inuna pang magsagutan! Napalunok si Vina at kinagat ang ibabang labi sabay nag-iwas ng tingin. Sa bilis ng mga pangyayaring biglaan at hindi inaasahan, mga pangyayaring halos gumulantang sa buong pakiramdam ni Vina, hindi na alam ni Vina kung ano pa ang tatakbo sa kaniyang isipan. “I told you, Vina...” Umilaw ang mga mata ni Vince at naging asul ito. “I am a Tramos.” Bahagyang lumakas ang ihip ng hangin, lalo pa ay sa likod ni Vince ang bahagyang bukas na glass window kung saan tanaw ang malawak na espasyo, kung saan makikita ang fountain, mga halaman at bulaklak maging ang maliwanag at kaaya-ayang paligid dahil sa mga lights na nakaeengganyo. “B-Bakit mo sinasabi sa akin ito? Bakit mo sinasabi sa akin na Tramos ka, kung totoo man?” tanong ni Vina sa wakas ay nakabawi na sa pagkakatulala. “Bakit mo inaamin sa akin gayong maaari kong sabihin sa ibang tao na Tramos ka? Na ibunyag kita sa mga tao?” “I am certain, Vina. Hindi mo sasabihin sa kahit sino.” Mahina at sarkastikong napatawa si Vina. Bahagya itong umiling at napahinga nang malalim. Ano at tila sigurado si Vince na hindi nga talaga sasabihin ni Vina ang mga ito? “I’m telling this to you because you have the right to know, Vina,” sinserong pahayag ni Vince at dinampot na ang kutsara at tinidor at nagsimulang kumain. Tahimik na kumain ang binata at wala ng nagawa pa si Vina kung hindi ang magsimula na lang ding kumain. “Eat as much as you want. No one will stop you. Don’t mind me, feel free to eat anything.” Masyadong marami, mabilis, biglaan, at hindi inaasahang ang mga sunod-sunod na pangyayari kaya’t nagutom nga si Vina, aminado naman ang dalaga sa sarili. Kaagad nitong nilantakan ang mga pagkain at hindi magkandaugagang tinira ang mga putahe! “Ang sarap nito! Malasa!” ani Vina. Kung para sa iba, kung para sa mga nakaangat, kung para sa mga mayaman, ang mga pagkain na ganito ay normal lamang, para kay Vina ay naiiba ang mga pagkain na ito! Ang mga ganitong pagkain ay sinusulyapan niya lamang sa mga restaurant at hindi magawang makain dahil sa hirap ng buhay! Tuwang-tuwa at ganadong-ganadong kumain si Vina dahil bihira sa isang taon niya kung makain ang mga ganito! Halos kapag mayroon lamang okasyon at pagdiriwang. “Take it easy, Vina, the food is not running,” ani Vince na kumportable at mahinahon ang pag-kain. “If you live here according to my offer to you, makakakain ka niyan sa araw-araw at higit pa riyan. Huwag mong masyadong i-hype ang pagkain na nariyan.” Natigilan si Vina sa nginunguyang pork chop at nagkatinginan sila ni Vince. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik na sila sa pag-kain at tanging tunog lamang ng mga kubyertos nila ang maririnig sa kitchen. Ang bilis kung maubos ng mga pagkain sa mesa! “Ang yaman mo pala talaga, ano? Nabibili mo ang lahat ng kailangan at kagustuhan mo.” Hindi umimik si Vince sa wika ni Vina. “Sobra lang na nakamamangha dahil ikaw lang ang mag-isa rito. Napaisip din ako, kung marami ang nakatira dito, tiyak na maraming tao rin ang makikinabang. Ang ibig kong sabihin ba ay naging kagamit-gamit ang laki ng mansiyon at nakikinabang sa lugar na ito.” Habang kumakain ay nagsasalita pa rin si Vina kay Vince. “Kung ako lamang ang may-ari ng mansiyon na ito, ano kaya ang mararamdaman ko? Tiyak na masaya dahil halos lahat ay narito na! Masarap na pagkain, magagandang damit, nakamamanghang mga kagamitan, malinis at magandang kuwarto at pahingahan, marami kang mga resources.” “You’re not sure," pagsasalita ni Vince. “Can you live here just by your own?” “Nasaan pala ang mga magulang mo? Saan sila at bakit wala sila rito?” pag-iiba ni Vina ng usapan habang sinisimot nito ang pakpak ng spicy chicken wings. “Dumadalaw rin ba sila rito? Binibisita ka? May kapatid ka ba? Mga kamag-anak, kakikala, sino-sino naman sila?” Hindi sumagot si Vince, bagkus ay tinapos na nito ang pag-kain at inilagay sa sink ang kaniyang pinagkainan. Pinanuod lamang ng binata ang kaharap na dalaga. Si Vina naman ay talaga nga namang hindi pinalalampas ang kahit isang maliit na parte ng kinakain niya. “Ang sarap! Sobrang busog!” Iniligpit na rin ni Vina ang kaniyang hugasin. Bilang pakuwenselo, nagpresinta na rin ang dalaga na siya na ang maghuhugas ng kanilang pinagkainan. Nagpaalam naman sa kaniya si Vince na may aasikasuhin kaya’t naiwan siya sa kitchen nang siya lamang. Hanggang ngayon ay mangha pa rin si Vina. Hindi pa rin siya makapaniwala. Ito na ang ikalawang pagkakataon niyang nakatapak sa mansiyon na ito na talaga nga namang humihiyaw ng royalty at elegance ang kabuuan. Sobrang linis. Wala kang makikitang kahit manipis na alikabok sa paligid. Maliwanag ang buong mansiyon na tila ba halos minuto itong nililinis. Makinang, makintab, dagdag pa na hindi pangkaraniwan ang mga equipments na parang dati lamang ay nakikita lamang ni Vina sa mga magazine, websites, televisions, endorsements, ngayon ay nasa harapan na. “Pati ang sponge nila! Itong lababo! Naku, baka ang tubig niyang ginagamit sa paghugas ng pinggan at panligo ay mineral din!” Napatawa si Vina sa kaniyang naiisip. Lingid sa kaniyang kaalaman, higit pa sa mineral water ang dumadaloy sa bawat tubo ng tubig sa buong mansiyon dahil sa kagagawan ni Vince. Nagpatuloy siya sa ginagawa at nilinis din ang mesa, sinigurong makintab lalo ito. Dahil hindi pa bumabalik si Vince, kinuha na ni Vina ang pagkakataon at gumulong sa sofa. “Ang bango! Masarap sa pakiramdam!” ani Vina habang yakap-yakap ang malambot na royal red and gold na pillow. “Ang halaga siguro ng isang unan na ito ay kulang pa sa halaga ng buhay ko,” biro pa ni Vina sa sarili at mahinang napatawa. Niyakap niya pa ang sarili sa sobrang tuwa na nararamdaman. Sa kanang gawi niya, mayroong flat screen HD TV na 64 inches. Sa kaliwa ay mini glass shelf at imbis na libro ay mga mamahaling vase mula sa maliliit hanggang sa malaking hugis, disenyo, estilo, at kulay na tila ba mula pa sa bansang Italya at America ang mga disenyo. Talagang nakamamangha ang imahe ng itaas ni Vina dahil naroon ang chandelier! Labis ang liwanag nito at talagang elegante ang hitsura! Ilang sandali pa, bumalik na rin si Vince. “What’s your plan? I suggest you to stay here, Vina.” Naupo si Vince at mayroon na itong suot ngayon na eye glass for anti-radiation. May bitbit na itong laptop na itim at phone sa tabi ng laptop. Isa ring baso ng green tea na umuusok pa. “What now? What will you do?” “Hindi ko pa alam.” Sumandal si Vina sa sofa at napaayos ng upo. Sa pagitan nila ni Vince ay isang babasaging mesa kung saan ngayon nakapatong ang mga dalang gamit ni Vince. “Why? Don’t tell me, babalik ka sa bahay ng tiyahin mo. Hindi ba, pinalayas ka na niya? Am I wrong or not?” Hindi na nagulat si Vina nang marinig iyon—na alam ni Vince ang nangyaring kaguluhan sa kanilang dalawa ni Isabel. Sa halip, agad na pumamaywang si Vina at hinarap si Vince. “Stalker ka, ano?” “I’m not a stalker. I’m a Tramos, Vina.” “Bakit mo ba ipinagpipilitan na isa kang Tramos?” buwelta pa ni Vina at napairap ito. Hindi naman gawain ng dalaga ang magtaas ng kilay ngunit kusa at awtomatikong ginawa ito ng kaniyang ekspresiyon dahil sa kakulitan ni Vince at anitong pagpipilit na Tramos daw. “Because I really am,” hindi nagpatalong ani Vince na ang mga mata ay tutok pa rin sa kaniyang laptop habang nagtitipa roon. Sumimsim ito sa kaniyang green tea at saka bahagyang bumaling ng tingin sa kaharap. “Kahit ano pa ang sabihin at gawin mo, hindi ako maniniwala. Tinatakot mo lang ako.” Ibinaba ni Vince ang kaniyang salamin. Pagkaano’y hinubad ito at ipinatong sa gilid ng phone. Sumandal si Vince sa sofa at para pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib. Kampante ang mukha ng binata. “Kahit ano ang gawin at sabihin ko, hindi ka maniniwala?” mapaghamong tanong ni Vince kay Vina at tumango naman si Vina. Tumitig si Vince kay Vina at napalunok ang dalaga. “Kahit pa ipakita ko ang anyo ko sa iyo?” Doon lamang naghari ang nakabibinging katahimikan. Natigilan si Vina at hindi kaagad nakaimik. Nag-iwas siya ng tingin. Umihip na naman ang malakas na hangin. Hindi makapagsalita si Vina dahil seryoso ang tono ni Vince. Paano kung gawin nga talaga ito? Paano kung totohanin ni Vince ang sinsabi? “May kasabihan kayong mga tao hindi ba? The saying, Hangga’t hindi ko nakikita ay hindi ako maniniwala. Is that right?” Hindi na naman nakasagot si Vina ngunit alam na alam niya ang sinasabi ni Vince. Siya pa nga mismo ang nagsabi nito kay Manong Dencio. Tumayo si Vince at napakurap naman si Vina. Ilang sandali pa, dahan-dahang namilog ang mga mata ni Vina sa sumunod na nasaksihan. Hindi siya makapaniwala! Dahan-dahang nagbago ang hugis ng katawan ni Vince! Napalitan ang bawat parte ng katawan nito at tinubuan ng puting manipis na balahibo! Mula ulo hanggang paa, nagbago ang lahat! Hanggang sa isang iglap, napatakip si Vina sa kaniyang bibig nang maging puting tigre ito. Ang mas nagpabilis ng t***k ng puso ng dalaga, isang bagsak na sumulpot ang mga buntot nito na hindi lamang isa kung hindi lima! Puti ang buntot ng puting tigre. Hindi tulad ng buntot ng mga pangkaraniwang tigre dahil ang mga buntot at tulad ng sa mga FOX o sa Tagalog naman ay SORO. Namimilog ang mga mata ni Vina! Puting tigre at maraming puting buntot? Saktong-sakto ang pagkakalarawan! Ang anyo ng isang Tramos!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD