Minsan, napaiisip na lamang tayo. Talaga ba na ang lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan? O baka naman pinaglalaruan lang ng kapalaran ang mga buhay ng mortal? Kay hirap timbangin kung gaano karamot ang kapalaran sa buhay ng mga tao. Gaya na lamang kay Vina. Gaano kabigat na ba ang pagiging madaya sa kaniya ng tadhana sa puntong bawat araw na lumilipas ay hindi siya pinagbibigyan nito? Sa puntong kulang na lang ay patayin siya sa paghihirap? Ngayon naman ay dumating na sa puntong lagi-lagi na ang pagkakalagay ng buhay niya sa panganib. Pansamantalang tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso sa takot. Napapikit na lamang si Vina habang tumutulo ang kaniyang mga luha. Bakit ba napakaramot sa kaniya ng kapalaran? Parang nakaraan lamang ay nalagay sa panganib ang buhay niya! Dagd

