JANELLA POV
It’s a long day for me dahil bumalik na ako sa trabaho mula sa out of this world experience ko kamakailan. Hinilot hilot ko ang ngalay kong batok dahil sa napakadami kong in-encode kanina. Naupo ako sa wood bench na nasa labas lang ng aming building, sakto naman na dumating si Jio mula sa convenience store malapit dito. Inabutan nya ako ng ice cream bar at naupo din sa tabi ko. Agad niyang nilantakan ang kanyang chocolate ice cream bar.
“Nakabalik na ba sina Jessa at Sarah?” Tanong nito. Tumingin ako sa kanya at umiling saka ngumisi habang binubuksan ang ibinigay niyang ice cream bar.
“Uy miss na nya.” Biro ko sa kanya saka siniko. Malimit namin siyang biruin kay Sarah. Obvious din naman na may gusto si Jio kay Sarah pero dahil saksakan sya ng torpe ay wala itong ginagawang kahit anong moves.
“Hindi ah!” Dispensa nya saka umiling iling na ngumiti sa akin.
“Ang sabi ni Jessa kanina ay diretso na daw siyang uuwi sa apartment. Baka ganoon din si Sarah.” Saad ko sa kanya habang nilalantakan ang ice cream bar. Infairness masarap itong korean ice cream. Sumulyap ako sa kanya para sana sabihin na masarap itong nabili nya pero kita kung seryoso ito at mukhang malungkot na hindi nya makakasilay kay Sarah bago umuwi?
“Sabay na ako sayo mamaya pauwi? May bagong bukas na restaurant malapit sa terminal. Check natin?” Yaya ni Jio na agad kong sinang ayunan.
Wala na din naman kaming gagawin kaya napagkasunduan na din namin na mag-out na ng maaga. Niyaya ko ang dalawa para naman mabuhayan ng dugo si Jio at ang sabi naman ng dalawa ay susunod na lamang daw sila.
Habang naghihintay ng order namin ay magkasunod naman na dumating si Sarah at Jessa. Kumaway ako sa kanila para makita agad nila ang aming pwesto.
“Inorder mo na kami?” Masiglang tanong ni Sarah sa akin ng makaupo ito sa tabi ni Jio.
“Oo. Si Jio ang pumili ng sayo.” Sagot ko at makahulugan na tumingin kay Jio na kunwari ay busy sa kanyang cellphone.
“Anong inorder mo sa akin? Baka hindi masarap huh? Ikaw pagbabayarin ko.” Maktol nito kay Jio na tinawanan lang naman nya. Dinampot ni Sarah ang menu at pinasadahan ito ng tingin.
“How about mine?” Tanong naman ni Jessa at nakaupo na sa aking tabi.
“Yung paborito mong carbonara with garlic bread.” I smiled as I answer at nakipag apir pa ako sa kanya. Siya na yata ang taong walang kasawaan sa carbonara. Kapag may magbubukas na restaurant at may carbonara sa menu ay asahan mong iyon na ang kanyang pipiliin.
Habang busy kami sa kwentuhan ay may lalaking pumasok sa restaurant na umagaw agad ng aking atensyon. Ang mas nakapag pakaba pa sa akin ay ng napagtanto ko na ako yata ang sadya nitong lalaking ito dahil seryoso itong nakatingin lamang sakin. Napalunok ako at inagaw ang menu kay Sarah saka ko ito itinakip sa mukha ko.
What the hell is he doing here? Huwag naman sana nyang guluhin ang hapunan ko.
“Ginagawa mo? May oorderin ka ba ulit?” Tanong ni Sarah. Mas yumuko pa ako ng makita ko syang malapit na sa aming table. “Natatae ka ba yaarn?” Tawa pa nitong biro.
"You can't hide from me." malamig na saad ni Luan ng nasa gilid ko na ito.
Dahan dahan ko naman na ibinaba ang menu saka isa-isang hilaw na nginitian ang mga kasama ko na ngayon ay nagtataka ng nakatingin sa akin. Malamang pinagtatakahan nila kung bakit nandito ang lalaking ito.
Kung sila ay nagtataka edi lalo na ako. Tumingin ako kay Luan at pekeng ngumiti.
"Hi." tangi kong nasabi. Muli akong tumingin sa mga kasama ako at muling nginitian ang mapanghusga nilang tingin. "Tagal naman ng order natin." I said at uminom ng tubig.
"Hi. Sir Luan, right?" Bati ni Jessa.
"Yes. Do you guys mind if I join you?" Tanong nito na agad inaprubahan ng mga kasama ko. Pinanlakihan ko sila ng mata pero wala itong nagawa.
Umisod si Jessa para bigyan ng mauupuan si Luan. Wala na talaga akong nagawa at umisod na din. He sat beside me and my nose was full of his masculine scent. Nakaka adik. Bet na bet ko talaga ang mga ganitong perfume. Tumingin ako sa kanya habang siya ay tahimik pa din na nakatingin sa akin.
"Order kana. Ano bang gusto mo?" I said as I gave him the menu.
Tinanggap niya ito at tinitigan ang menu saka tumawag ng waiter. Umorder sya ng Aglio olio at red wine. Dumating na yung order namin pero syempre hindi muna kami kumain hanggat hindi dumadating ang order ni Luan. Gutom na gutom pa naman ako at sure akong sila din.
"Then eat." ani Luan at nakatingin ito kay Sarah.
Nagulat si Sarah sa sinabi ni Luan ngunit pilit na ngiti na lang ang naging reaksyon nya saka ito uminom ng tubig. Mukhang narinig ni Luan ang kumakalam na sikmura ni Sarah. Minsan nakakainggit ang ganoong powers eh. Yung kaya mong basahin ang nasa utak ng isang tao. Mapapa-sana-all ka nalang talaga. Siguro yang powers na yan ang pinapangarap ng mga chismosa.
Mga ilang minuto pa kaming naghintay bago dumating ang order ni Luan. Halos hindi na kami nag usap usap dahil sa gutom. Nagsabi si Jessa na bibili ito ng pads dahil malapit na daw ang red alert nya kaya pagkatapos namin kumain ay nilakad nalang namin ito mula sa restaurant. Syempre kasama si Luan. Ewan ko ba dito at ayaw pang umuwi. Mukha namang walang kailangan sa akin dahil kung mayroon ay kanina pa niya akong kinaladkad sa kung saan.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Halos pabulong kong tanong upang huwag marinig ng tatlo kong kasama na nasa unahan namin at nauunang maglakad.
"Tinataboy mo ba ako?" Seryoso nyang tanong.
"Hindi naman sa ganon. Baka kasi-"
"I am here to see you." putol nya sa sasabihin ko. Napanganga ako at tumigil sa paglalakad, ganoon din sya.
"You want to see me? Why?" Curious kong tanong.
"I don't know.” Sagot nya at nagpatuloy sa paglalakad.
Luh? Problema nun?
Sumunod ako sa kanya at kinulit ako kung bakit dahil alam kong may iba syang dahilan. Natatakot tuloy ako dahil baka gawin na naman akong paing sa kung sinong impakto.
Nasa loob na kami ng convenience store. Tinigilan ko muna ang pangungulit kay Luan dahil may naalala akong dapat bilhin. Iniwan ko syang nakatayo malapit sa pinto habang tumitingin ako ng masarap na snack mamayang gabi ay tumabi sa akin ang tatlo kong kasama.
“May mga gwapo kana palang kaibigan ngayon?” Ani Jessa. Mga gwapo? Kunot noo akong tumingin sa kanya at doon ko lang narinig ang boses ni Santelmo at Sol kaya agad ko silang nilingon. Nasa harap sila ni Luan ngayon at nagtatalo kung anong masarap na ice cream ang bibilhin. Muli akong tumingin kay Jessa.
“Explain.” Aniya. Ngumisi lang ako dahil ang hirap mag explain.
“Grabe ka Jessa. Nakaka offend naman yung sinabi mong may gwapo ng kaibigan si Janella ngayon.” Maktol ni Jio. Natawa ako at sumang-ayon kay Jio para nalang din ma divert ang usapan. Umakbay pa ako kay Jio at tinapik tapik ang balikat nito.
“Napaka gwapo kaya nitong si Jio. Diba Sarah?” Saad ko at patuloy sa pagtapik ng balikat nya.
“Saan banda?” Natatawa nyang sagot saka umalis sa tabi ni Jio para bayaran na ang kanyang pinamili. Agad namang sumunod sa kanya si Jio ganoon din ako para maiwasan ang tanong ni Jessa. Nakapila ako sa likod nina Sarah at Jio bitbit ang aking basket ng may kung sinong naglagay ng napakaraming ice cream bar sa loob nito, katulad ito ng ice cream na kinain ko kanina. Masama kong tiningnan si Luan. Sinundan naman ito ni Sol at Santelmo at halos mapuno na ang basket ko.
“Anong-”
“Buhatin ko na.” Nakangising sabi ni Santelmo ng agawin ang basket sa kamay ko.
Hinayaan ko na sya dahil turn ko na sa pagbabayad. Binuhos lahat ni Santelmo ang laman ng basket, kunot noo tuloy kaming tumingin sa nakangising lalaking ito. Hindi mo alam kung nang-aasar o ano ba ang trip nya sa buhay. Hiniwalay ko ang akin saka sumenyas sa cashier.
“Janella, tingnan mo ito. Dali!” Tawag sa akin ni Jessa kaya naman agad akong nagtungo sa kanya. Diyos Ko! Ang bruha, ipinakita lang sa akin kuha nyang larawan nina Sol an Luan na masama ang tingin sa isa’t-isa.
“Ganyan talaga ang dalawang yan.” saad ko at kinuha ang wallet sa aking bag.
Bumalik na ako sa counter upang magbayad. “Magkano po?” Tanong ko habang naghahanda ng bunutin ang 500 sa wallet.
“1285 po maam.” Sagot ng cashier na ikinabilog ng mata ko. Masama akong tumingin sa tatlong unggoy sa gilid ko. Huminga ako ng malalim at masama ang loob na humugot ng 1500 sa wallet. Dinampot ko ang plastic bag na para sa akin at dinampot naman si Santelmo ang para sa kanila. Maiyak iyak akong lumabas ng convenience store habang nakasunod sila sa akin. Grabe! Daig ko pa ang naholdap ng tatlong unggoy na ito. Ugh!
“I wish I could read your mind.” Nakangising sambit ni Sol. Naningkit ang mga mata kung nilingon sya.
“Sana nga!” Bulyaw ko at inirapan ito. “Ano bang ginagawa ninyong tatlo dito? Ano bang trip nyo?” Inis ko pang tanong. Bumungisngis ng tawa si Santelmo. Ang sarap sipain!
“Nandito kami dahil… Nasaan na nga pala ang mga kasama mo?” Ani Sol.
Hindi ko alam kung sinasadya niyang mangbitin nang isasagot pero… nasaan na nga sina Jessa? Hinanap ko sila sa loob ng convenience store at sa daan kung hanggang saan abot ng aking tanaw pero wala sila.
I tried to dialed their numbers pero walang sumasagot sa kanila. Nasaan naman kaya ang mga yon? Ugh!
“Huwag mo na silang hanapin dahil iniwan ka talaga nila.” Seryosong saad ni Luan.
“Bakit naman nila ako iiwan?” Naiinis kong sabi. Humanda sila sa akin kung ganon nga!
“Dahil baka daw isa sa amin ang ka-date mo?” Singit ni Santelmo saka ito humagalpak ng tawa kahit wala namang nakakatawa.
“So are you dating Luan, Janella?” Pabulong na tanong ni Sol. Kunot noo akong tumingin sa kanya at umiling. He smirked. “Kung hindi... can I date you?” Mas kumunot ang noo ko sa tanong nya. Kung hindi lang siya Diyos ng mga araw nasapak ko na ang lalaking ito.
“Let’s go.” Malamig na wika ni Luan mula sa aking tagiliran at saka hinila ang aking kamay.
Wala akong nagawa kundi magpatianod sa paghila nya sa akin dahil ayoko naman na mabalian ng buto. Dinig na dinig ko ang malakas na tawa ni Santelmo. Nakakairita pakinggan.
“Saan ba tayo pupunta?” Tanong ko habang pilit sinasabayan ang malalaki nyang hakbang.
“Ihahatid ka pauwi.” wala nyang emosyon na sagot. Parang sa lagay na ito ay napilitan pa siya na ihahatid ako? Sarap bigwasan. Pasalamat na lang talaga ako at hindi nya nababasa ang nasa isip ko.
“Ihahatid mo ako pauwi? Maglalakad tayo?” Seryoso kong tanong dahil malayo pa ang apartment mula dito.
“Bakit? Gusto mo bang lumipad?” Sarkastiko niyang sagot.
Sarkastiko naman akong ngumisi, “Hindi. Mas gusto kong gumapang.” ganti ko sa kanya saka umirap at naunang maglakad.
Humangin ng malakas at damang dama ko ang lamig noon. Maalinsangan ang panahon dito sa syudad dahil na rin sa tag-init at kahit gabi ay lubhang napakainit ngunit kakaiba ang hangin na dumampi sa akin. Nakaramdam ako ng kilabot.
Huminto ako sa paglalakad ng huminto din si Luan saka ako pumaling sa kanya at pinagmasdan ang pagbabago ng reasyon sa kanyang mukha.
May itim na sasakyan ang lumampas sa amin at hinabol ko iyon ng tingin. Doon ko lang napansin na hinabol din ito ng tingin nina Sol at Santelmo at ng magtama ang mga mata namin ay ngumisi sila habang naglalakad papalapit sa amin.
“Do you feel it too, Janella?” usisa ni Sol. Marahan lamang ako na tumango.
“It’s weird.” Kilabot na sabi ni Santelmo saka umiling iling ngunit ngumisi din naman.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nasa likod namin si Sol at Santelmo habang ako ay sinasabayan pa din si Luan sa paglalakad. Hindi mawala sa isip ko iyong naramdaman ko kanina. Bakit pakiramdam ko ay may masamang mangyayari sa akin?
Ang weird talaga. Well, simula ng makilala ko ang mga Diyos na ito ay nagiging normal na yata sa akin ang mga hindi normal para sa aming mga tao. Ngunit hindi ko pa din maiialis sa akin ang makaramdam ng takot. Lahat ng hindi normal para sa aming mga tao ay nakakatakot.
Nasa madilim na kaming eskinita ng halos tumilapon ang puso at kaluluwa ko sa takot. Sa sobrang pagkabilga ko ay napakapit ako sa braso ni Luan habang si Santelmo naman ay nagulat sa sigaw ko.
“W-White lady.” Nakapikit kong itinuro ang babaeng duguan na nakatayo sa gilid ng kalsada. Nakatingin siya sa akin at hindi ko ito matagalan kaya naman isinubsob ko ang mukha ko sa braso ni Luan.
Wala akong third eye at hindi ko ikinatutuwa ang makakita ng mga multo. Hindi ko pinangarap na maging espiritista at kung kasama ito sa misyon ko kasama ang mga Diyos na ito ay parang gusto ko nalang umayaw.
“Tulungan mo ako.” malamig ang boses ng babae ang gumapang sa tenga ko at nagpatindig ng aking mga balahibo.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasa harapan ko na ang duguan na babae. Umiiyak na nakatitig sa akin. She’s bloody pale. Muli akong umirit at umatras hanggang mabangga ko si Sol. He grabbed my both shoulder and squeezed them. Inilapit niya ang mukha nito sa aking tenga at bumulong.
“Huwag ka matakot. She just asking for your help.” ani Sol.
Naglakad muli palapit sa akin ang babae kaya tumalikod ako at isinubsob ang mukha ko sa dibdib ni Sol. Nanlalamig at naiihi na ako sa takot.
Ayoko na!
Hinila ni Luan ang damit ko sa likuran, palayo kay Sol. Tinakpan ko ang mata ko ng aking palad habang nagmamaktol sa ginawa ni Luan. Narinig ko na naman ang nakakairitang bungisngis ni Santelmo.
“You have to face her. Mas marami pang nakakatakot dyan ang makakasalamuha mo sa mga susunod na araw.” Sabi ni Luan. Mahilo-hilo ako sa pag-iling dahil ayoko at ayoko sa sinabi niyang iyon. It’s scares the hell out of me.
“Mas gugustuhin ko pa na makakita ng mga halimaw kaysa sa mga duguan.” iyak kong sabi.
Luan groaned out of frustration from me. Binitawan niya ako at hinarap ang babaeng multo.
“What happened to you?” tanong ni Luan.
“My boyfriend killed me and he hide my body inside that apartment.” malamig nitong sabi at kahit ganoon ay ramdam ko ang lungkot sa kanya ngunit hindi ko pa din maimulat ang mga mata ko ng dahil sa takot.
“The authority will help you. Alam mong hindi kami dapat makialam.” Sagot naman ni Sol.
“P-Pero kaya niya akong tulungan.” giit ng babae. “Ibang tao ang nagbabayad at nagdurusa sa kasalanan ng taong pumatay sa akin. Ibang katawan ang ibinigay nila sa otoridad. My boyfriend are fabricating all the evidences dahil maimpluwensya siyang tao. Please help me.” pagmamakaawa nito. “My boyfriend's friend raped me at hinayaan lang niyang babuyin ako. They killed me.” humagulgol ito. Ramdam ko ang matinding hinagpis ng babae kaya iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanyang mga mata.
“Please help me. Please give me the justice that I deserve.” pagmamakaawa niya. Napalunok ako at tumingin sa mga kasama ko. Hinihintay din nila ang isasagot ko.
“P-Pag-iisipan ko.” tangi kong nasabi. Ngumiti ang multong babae sa akin at naglaho nalang na parang bula.
Hindi nawala sa isip ko ang babaeng multo hanggang pag-uwi ko. Bawat kibot ko sa madidilim na sulok ng aking apartment ay iniisip ko na baka may panibagong multo ang sumulpot. Nakakaparanoid at napuyat ako ng dahil doon.
Late na na akong nagising kaya naman binilisan ko na ang pagligo. Paglabas ko ng aking banyo ay muntik na akong madulas ng makita ko ang multong babae na nakatayo sa gilid ng aking kama.
Huminga ako ng malalim at umakto na hindi siya nakikita kahit nanginginig na ang buo kong katawan. She’s following me everythere, maging sa aking opisina. Nawala na ang takot ko sa multo at pagkainis na ang nararamdaman ko lalo na sa tuwing bigla siyang sumusulpot sa kung saan.
“Tulungan mo ako.” sabi ng multong babae na umeecho sa aking tenga ng paulit ulit habang nakatayo siya sa likuran ng upuan ni Jessa.
Hinampas ko ang aking keyboard saka huminga ng malalim habang nakatingin ng masama sa babae.
“Oo na. Tutulungan na kita!” suko kong sigaw. Ikinagulat iyon ni Jessa dahilan kung bakit siya nasamid sa iniinom na kape. Natigilan naman si Jio at Sarah sa kanilang ginagawa at tumingin sa akin tapos ay kay Jessa.
“Huh?” sambit ni Jessa pagkatapos umubo.
“Tutulungan saan?” taka namang tanong ni Sarah na nasa kaliwa ng desk ko.
Hilaw akong ngumiti sa tatlo saka tumayo.Ang awkward. Hindi ko din naman pwedeng sabihin sa kanila na may multo sa opisina dahil baka magpanic sila.
“May pabor ba akong hiningi sayo? Wala akong-”
“Don’t mind me. Kakapuyat ko ito.” Alibi ko saka muling ngumisi. “CR lang ako.” nagmadali akong tumakbo sa cr at agad itong inilock.
Bumuga ako ng malalim na hininga saka pumaling sa aking likuran. Muli akong nagulat ng makita kong na nasa likuran ko na ang babaeng multo. Matagal ako bago nagkaroon ng lakas ng loob upang muling magsalita.
“Paano kita matutulungan?” una kong tanong dahil wala talaga akong ideya kung paano. Isang hamak na tourist guide lang ako at wala akong alam sa mga batas ng tao.
“Pumunta ka kay detective Tolentino. Sya ang nag imbestiga ng kaso ko noon. Ituro mo kung saan nila itinago ang katawan ko. Nasa loob ako ng freezer na matatagpuan sa basement na natatabunan ng trapal at mga kahon. Ginawa nila iyong tambakan ng mga panindang damit. Nasa freezer din na yun ang kutsilyo na ipinansaksak sa akin. They can use it as an evidence. Yung bag ko ay itinago ni Mark sa kisame ng hotel kung saan nila ako pinatay. Nandoon ang cellphone ko.” kwento nito sa akin.
Ibinigay niya sa akin ang impormasyon ng hotel na iyon. Inilista ko sila sa aking maliit na libro saka lumabas ng cr. Takang taka naman akong tinignan ni Jio dahil nasa labas ito ng pinto, bahagya siyang sumilip sa loob tapos ay muling tumingin sa akin.
“Sino ang kausap mo sa loob?” duda niyang tanong. Kinabahan ako at nag-isip ng idadahilan dahil naiwanan kong nakacharge ang cellphone ko sa kaing desk.
“W-Wala. Bakit?”
“Para kasing may kausap ka sa loob.”
“Guni-guni mo lang yun Jio. Ang tahimik ko sa loob kanina. Baka multo ang naririnig mo.” Hilaw akong tumawa at tinapik ang balikat niya saka tuluyan na lumabas ng cr. “Gagamit ka ba? Sorry ha, natagalan ako. Sumakit kasi bigla ang tyan ko.”
Tumabingi ang ulo nito at nag-iisip saka tumingin sa akin tapos ay sa loob ng CR na walang tao. Naglakad na ako pabalik ng aking desk. Pagkaupo ko ay bumalik na din si Jio na hanggang ngayon ay nag-iisip pa din siguro.
“Hindi ka nag CR? Ang bilis mo kasi.” usisa ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.
“Baka kasi tama ka. Baka nga may multo sa loob. Kinilabutan kasi ako kaya pinigilan ko nalang ang ihi ko.” kamot ulo niyang sagot. Pigil naman na tumawa si Sarah at Jessa.
Pagkatapos ng aking opisina ay nagtungo ako sa apartment na tinutukoy ng babaeng multo. Kinuhanan ko ng picture ang labas ng apartment in any possible angle I can tapos ay nagtungo sa hotel na tinutukoy ng multo na nagngangalang Maribel De Leon.
“I want the room 3921. I hope it’s vacant.” sabi ko sa receptionist.
Saglit itong nagtipa sa kanyang computer at pagkatapos ay muling ngumiti sa akin para sabihin na bakante iyon. I booked that room para lang malaman kung nandoon pa nga ang mga gamit ni Maribel. Gumastos ako ng mahigit 10,000 for this. Nakakaiyak.
Hawak ko ang keycard at nakatayo na sa harap ng elevator at ng pipindutin ko ang button ay may nauna sa aking gumawa noon. Pamilyar ang pabangong naamoy ko mula sa aking likuran at ng tumingala ako ay si Luan iyon.
“A-Anong ginagawa mo dito?”
“Bituin owned this hotel and she lives in the penthouse. Ikaw? Anong gingawa mo dito?” casual na sagot ni Luan na para bang normal lang na magkita kami sa kung saan saan.
“Tinutulungan ko si Maribel. Y-Yung multo.” I am stuttering. I saw him smirked then then the elevator door opened.
Naglakad siya papasok at ganoon din ako. May papasok pa sana na dalawang lalaki sa loob ngunit tila nagbago ang isip ng mga ito at nanatiling tulala sa labas hanggang sumara ang pinto.
“What floor are you on?” tanong ni Luan.
“Uhmm… 12th floor.” sagot ko at hindi pa sigurado pero ang tanda ko ay 12th floor ang sinabi ng receptionist kanina.
Pinindot niya ang number 12 button. Wala pang ilang segundo at bumukas na ulit ang elevator at nauna lumabas si Luan. Tiningnan ko pa ang number ng elevator floor kung nasa 12th floor na ba ito saka ako nagtatakang lumabas.
“Akala ko sa penthouse ka?” duda kang tanong.
“Sasamahan kita.” tipid niyang sagot saka siya naunang maglakad.
Sumunod naman ako. Iniisip kung bakit kailangan niya akong samahan pa? Hindi naman parte ng misyon ko ang tulungan si Maribel.
“I am just protecting you because my mother’s powers is within you. Wala ng iba.” paliwanag niya. Napanganga ako at namilog ang mga mata. Nababasa na ba niya ang nasa isip ko?
OMG!
Mas namilog pa ang mga mata ko pati na din ang mga labi ko.
“You mean-”
“No. I still can't read your mind. It’s my intuition.”
Mabilis na nagbago ang reaksyon ko at tumango tango.
Huminto kami sa tapat ng room 3921. Pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto ay iba na ang pakiramdam ko sa loob. Parang may negative energy akong nararamdaman. Hindi maganda at nakakakilabot na nakakatakot. Ang weird.
“It looks like your body is awakening while you are fully absorbing her powers.” ani Luan saka isinara ang pinto ng makapasok kami sa loob.
“Ano ang ibig mong sabihin?”
“You are spiritually awakened. Your body is fully alert with all of these energies and frequencies. May pinatay dito at nanatili sa lugar na ito ang negative energy ng namatay at ng mga pumatay at iyon ang nagiging pagkain ng mga demonyo.” paliwanag ni Luan.
Kagat labi kong pinagmasdan ang paligid. Malinis ang lugar at kung normal na tao ang makakakita at talagang napakarelaxing ng kwartong ito ngunit hindi sa akin… O kay Luan. Hindi dahil sa alam namin ang masalimuot na nangyari dito kundi dahil visible sa mga mata ko ang itim na enerhiya na bumabalot sa kwartong ito.
Mabigat sa pakiramdam at nakakasuka.
“Gusto mo bang makita ang totoong nangyari kay Maribel?” tanong ni Luan.
Nagdadalawang isip ako at hindi agad sumagot. Ayoko dahil pinangungunahan ako ng takot at gusto ko din naman at the same time para na din macounquer ko ang takot dito sa puso ko para sa susunod ay hindi na ako pangunahan ng takot.
Marahan akong tumango.
“I will fully open your third eye pero sana maging handa ka sa lahat.” imporma niya sa akin. Muli akong tumango.
Nagbago ang kulay ng mata ni Luan. He grabbed my face and pulled it closer to him. Napalunok ako at kinabahan dahil ang lapit ng mga mukha namin. I stared at his kissable lips na minsan ng dumampi sa aking labi kaya naman mas lalo pang nagwala ang aking puso.
Hahalikan nya ba ulit ako?
Teka? Ganoon ba ang paraan upang mabuksan ang aking third eye?
Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya kaya naman pumikit na ako. Isang mainit at malambot na labi ang dumampi sa aking noo.
He kissed my forehead? Shiit! Akala ko ay sa labi niya ako hahalikan.
Bakit ako nadismaya?
Bakit parang ang gusto ko ay sa labi?
Mabuti na lang at hindi niya nababasa ang isip ko.